CHAPTER 12 "ARABELLA MADRIGAL"

1300 Words
"ANO ba iyong sinasabi mo kanina na sa isang baranggay lang tayo nakatira?" matapos ang mahabang katahimikan ay iyon ang narinig na itinanong sa kaniya ni Ara. Hindi napigilan ni Daniel ang mapangiti. Sa kabila kasi ng obvious ng inis na nararamdaman para sa kanya ni Ara ay napakalamyos parin sa pandinig niya ang tono ng boses nito. "As I have said, long story," sagot niya habang ang magandang ngiti sa kanyang mga labi ay nagmistulang permenente na. Dry ang tawa na narinig niyang pinakawalan ni Ara. "Pwede mo namang ipaliwanag sa akin ngayon, mahaba pa ang oras na ibabyahe natin, siguro naman by that time tapos ka nang mag-explain," anito. Naramdaman ni Daniel sa tono ng pananalita ni Ara na curious ito at talagang gusto nitong malaman ang totoo kaya naman sa pasimpleng paraan ay minabuti niyang ibigay na ang hinihingi nito sa kanya. "So, kayo pala ang nakabili sa bahay na iyon ni Mrs. Gonzales," anito sa kanya. "matagal nang for sale iyon, ang akala nga namin hindi na mabibenta," ang tanging naging komento ni Ara. "Si Mama ang talagang may gusto na lumipat kami dito sa Manila," ang pagbibigay alam pa niya. "ikaw, dito ka ba sa Maynila lumaki?" nasa tono ni Daniel ang pakikipag-kaibigan. "Oo, dito na ako lumaki kaya lahat halos ng mga nakatira sa baranggay natin kakilala ko," sagot ni Ara sa ngayon ay mas mabait nang tono at lihim na ikinatuwa iyon ni Daniel. "Listen, iyong nangyari between us, gusto kong ihingi ng pasensya," sa huli ay minabuti naring sabihin ni Daniel. Nang lingunin niya si Ara ay nakita niya sa maganda nitong mukha ang labis na pagtataka. Titig na titig ito sa kanya na tila ba sinusukat kung seryoso siya sa kaniyang sinabi o nagbibiro lang. "W-What?" ang tanging narinig niyang namutawi sa mga labi ng dalaga. "I'm sorry kung napahiya ka dahil sa akin. Kung naipatawag ka sa Guidance Office," totoo iyon sa loob niya. Alam niya na kaya galit na galit sa kaniya si Ara ay dahil sa pagkapahiya na naranasan nito, pati narin ang pagkakatawag nito sa Guidance Office, kaya niya inihihingi ng paumanhin ang mga iyon sa dalaga. Pero kung may nangyari man sa pagitan nilang dalawa ang hindi niya pinagsisisihan at kahit na kailan ay hindi niya ihihingi ng paumahin, iyon ay ang ginawa niyang paghalik sa dalaga. Totoo iyon. At kailangan niyang aminin na hindi pa siya kontento, gusto niyang muling mahalikan si Ara ng maraming beses, nang paulit-ulit. Pero kung may maipapangako siya sa sarili niya, iyon ay ang katiyakan na kahit minsan, hindi na niya muling uulitin ang ginawa niya sa ganoon klase ng pamamaraan. Ang ibig niyang sabihin, gusto niya, kung sakaling magkaroon man ng pagkakataon na muli niya itong mahalikan, ito ay sa paraan na pareho nilang gusto. Hindi niya ito pinilit o wala sila sa isang hindi magandang sitwasyon katulad ng nangyari sa kanila noon. Hindi sumagot si Ara at sa halip ay nilingon lang siya at tipid na nginitian. "Sorry din kung tinawag kitang magnanakaw," makalipas ang ilang sandali, iyon ang narinig niyang sinabi ni Ara. Hindi maunawaan ni Daniel kung anong klase ng damdamin ang tila ba nanuot maging sa pinakatagong bahagi ng kaniyang puso dahil sa sinabing iyon sa kaniya ni Ara. Aaminin niya na hindi si Ara ang unang babaeng natipuhan niya. Pero sa dalaga lang niya naramdaman ang ganitong klase ng kasiyahan kahit sa simpleng pagngiti lang nito. Oo, gusto niya si Ara. At iyon ang dahilan kung kaya siguro hindi niya mapigilan ang sarili niya na i-bully ito. Masyado kasi itong suplada at pakiramdam niya parang wala lang sa dalaga ang charm niya. Sa huling naisip ay hindi napigilan ni Daniel ang pagtawanan ang sarili. Hindi naman siya ganito noon. Hindi siya mahilig maghabol ng babae, dahil katulad narin ng sinabi niya, hindi siya katulad ng iba. Marunong siyang magpahalaga sa isang relasyon at naturuan siya ng kaniyang ina kung paano rumespeto ng babae. Pero dahil nga dinededma siya ni Ara, pakiramdam niya nacha-challenge siya ng sobra. Gusto naman talaga niya itong maging kaibigan noon pa mang umpisa. O mas tamang sabihing attracted talaga siya dito kahit noong una niya itong nakita? Kahit sabihing nakatalikod ito at buhok lang ng dalaga ang unang umagaw ng atensyon niya. Sinungaling siya kung hindi niya aaminin na ngayon ay mas higit pa sa pagkakaibigan ang gusto niya kay Ara. At sinungaling rin siya kung hindi niya aaminin hindi niya alam kung paano magsisimula o kung paano gagawin ang unang hakbang para ligawan ang dalaga. Nakikita niya ang closeness nina Jason at Ara. Kaibigan niya si Jason at wala rin siyang kasiguraduhan kung ano ba talaga ang feelings nito para sa dalaga. Habang siya, nakikita naman niya kung gaano katindi ang galit sa kanya ni Ara. Kabaligtaran iyon ng sweetness nito sa kaibigan niya. Kaya nahihirapan siya. Kailangan niyang manimbang sa lahat ng anggulo at kung iisipin, masyado pang maaaga. "It's okay, hindi mo na kailangang ihingi ng sorry iyon, tapos na," totoo iyon sa loob ni Daniel. Tumango si Ara. "Oo nga pala hindi mo na ako kailangang ihatid sa bahay namin, maglalakad nalang ako mula sa bahay ninyo," sa sinabing iyon ng dalaga ay mabilis na napailing si Daniel na sandali munang sinulyapan ang dalaga bago ibinalik ang paningin sa daan. "Okay lang, para hindi ka na maglakad," giit niya pagkuwan. Gusto rin naman kasi niyang malaman kung saan ito nakatira. "Hindi na, ano ka ba ilang streets lang ang layo ng bahay namin sa bahay ninyo. Saka isa pa, baka kasi magtaka ang mga parents ko kapag nakita nilang bumaba ako sa kotse mo," paliwanag pa nito. Sa huling sinabi ni Ara ay noon na nga lubusang naunawaan ni Daniel kung ano ang ibig nitong sabihin kaya hindi na siya nagpumilit pa. "Okay, pero okay lang bang itanong kung ano ang street at house number ninyo?" hindi napigilan ni Daniel na matawa sa tanong niyang iyon. Narinig niya ang mabining tawa na pinakawalan ni Ara. Kung dahil sa naging reaksyon niya o sa tanong niya, hindi na importante, dahil ang mahalaga, kahit papaano gumagaan na ang atmosphere sa paligid nilang dalawa. Kahit papaano nakikita niya nagiging mabait na ito sa kanya. At sana lang ay magtuloy-tuloy na. "Oo naman," ang dalaga saka sinabi kung ano ang house number at street nito ng bahay nito. "Thanks," ang tanging naisatinig ni Daniel. Hindi na nagsalita pa si Ara pagkatapos noon kaya ganoon narin ang ginawa ng binata. Hinayaan niya ang mahabang katahimikan na iyon sa pagligid nila dahil kung tutuusin kahit nakabibingi iyon ay parang mas napapanatag na ngayon ang isipan at damdamin niya. Napakaganda ni Ara, at habang tumatagal, habang kasama niya ito ngayon ay hindi mapigilan ang sarili niyang nakawan ito ng sulyap sa kabila ng katotohanan na nagda-drive siya. "Sure ka ba ayaw mong idaan kita sa inyo?" tanong ulit ni Daniel nang nasa tapat na sila ng kanilang bahay. Nakangiting kinalas ni Ara ang seatbelt saka isinukbit ang strap ng bag sa balikat nito kasabay ng pag-iling. "Maglalakad nalang ako, malaking bagay na itong isinabay mo ako, nakatipid ako sa pamasahe hindi pa ako nakipagsiksikan sa jeep," sagot ng dalaga. "Ganoon ba? Kung gusto mo pwede nating gawin ito, kahit araw-araw pa," totoo iyon sa loob niya. Kung may pagkakataon, bakit nga hindi? Dahil kung tutuusin gusto naman talaga niyang nakakasama at nakakasabay si Ara. "Ah, s-sige, mauuna na ako. Thank you ulit," ang sa halip ay isinagot ng dalaga saka na nito itinulak pabukas ang pintuan ng kotse saka bumaba. Ilang sandaling nanatili si Daniel na nakatanaw habang sinusundan ng tingin ang magandang paglakad ni Ara papalayo. Habang sa puso niya ay ang masayang pakiramdam pati narin ang pag-asam na sana ito na ang maging simula ng magandang pakikitungo sa kaniya ni Ara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD