CHAPTER 24 "FAREWELL DINNER"

1181 Words
KATULAD nang napagkasunduan nila ay sa bahay nina Daniel siya kumain ng hapunan nang huling gabi bago ang pag-alis ni Danica patungo ng America. At katulad rin noon una ay naging masaya iyon. Isang bagay lang naman ang napansin niya, obvious sa mga mata ni Daniel ang lungkot dahil sa pag-alis na nga ng kapatid nito. "Sana katulad ng ipinangako mo noon sa akin, palagi mong samahan si Daniel," si Danica iyon nang magkasama na sila sa entertainment room ng malaking bahay na iyon at nanonood ng TV. Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Ara. "Oo naman, pangako hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari," totoo iyon sa loob niya. Wala naman talaga siyang planong iwanan si Daniel. At kahit pa siguro dumating ang time na ipagtabuyan siya palayo ng binata ay patuloy parin niya itong susundan, dahil sa labis na pagmamahal na nararamdaman niya para rito. Ngumiti si Danica. Makahulugan ang ngiti na iyon na pinukaw ng husto ang kaniyang curiosity. Pero kahit pa sabihing gusto niyang itanong o alamin kung para saan at kung ano ang kahulugan niyon ay nagpigil ang dalaga. Hindi naman dahil sa ayaw niyang magmukhang chismosa o mausisa kundi dahil sa pag-aalala na baka hindi niya kayanin ang sagot na pwede niyang makuha mula kay Danica. "Gustuhin ko man pero maaga pa ang flight ko bukas. Matutulog na ako, tatawagin ko lang si Daniel para may kasama ka dito," pagpapaalam pa ni Danica na tumayo na. Tumango lang siya. Eksaktong kabubukas pa lamang niya ng pinto nang mabungaran nito si Daniel na may dalang malaking bowl ng pop corn. "Tulog ka na?" tanong nito sa kapatid. "Oo, ihatid mo ng kotse si Ara mamaya ah?" paalala pa ni Danica. "Sure," sagot ni Daniel saka nito itinulak pasara ang pinto. Nang pumihit si Daniel paharap ay parang nagulat pang mabilis na nagpabawi ng tingin si Ara saka ibinalik ang pansin sa pinanood na romance movie. "Okay ka lang?" si Daniel na naupo sa tabi niya saka iniabot sa kaniya ang bowl ng pop corn. "B-Bakit naman hindi?" aniyang bahagya pang nakagat ang ibaba ng kaniyang labi dahil sa narinig na panginginig ng sarili niyang tinig. Hindi sumagot si Daniel at sa halip ay tumawa lang ng mahina. Nararamdaman ni Ara ang matinding tensyon na bumalot sa paligid. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay pinipilit parin niyang gawing normal ang lahat ng ikinikilos niya kahit kung tutuusin ay wala na sa pinanonood niya ang kaniyang atensyon at sa halip ay sa binatang nakaupo sa kaniyang tabi. "Ara?" matapos ang ilang sandaling katahimikan ay untag sa kaniya ni Daniel. "Bakit?" tanong niya saka nilingon ang binata ng sandali lang saka muling nagbawi ng paningin mula rito. "Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong ng binata sa kaniya. Nabigla si Ara sa tanong na iyon kaya naman hindi niya napigilan ang magpatitig ng may pagtataka sa kaniyang mga mata sa napakagwapong mukha ng kaniyang katabi. "A-Ano ba namang klaseng tanong iyan?" ang sa halip ay isinagot niya. Noon kumilos ang kamay ni Daniel saka kinuha sa kaniya ang hawak niyang bowl. Mabilis na nagtaka roon si Ara kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay niya. "Look at me," nang mapuna marahil ang pagiging mailap ng kaniyang mga mata ay iyon ang narinig ni Ara na winika ni Daniel. Kasabay ng unti-unting pagbilis ng tahip ng kaniyang dibdib ay ang parang robot niyang pagsunod sa sinabing iyon ng binata. Pagkatapos, nang tila hindi pa makuntento ay hinawakan pa ni Daniel ang magkabila niyang balikat saka ipinihit ng husto paharap rito. "A-Ano ba, Daniel," protesta ni Ara na sinubukan iiwas ang paningin mula kay Daniel pero nabigo siya. Hinawakan ng binata sa pagkakataong ito ang kaniyang mukha kaya wala na siyang iba pang nagawa kundi ang makipagtitigan rito. Ilang sandaling nanatiling nakatitig lang silang dalawa sa isa't-isa. Pakiramdam ni Ara nang mga sandaling iyon ay inuubos ng husto ni Daniel ang lahat ng kaniyang eneriya kaya wala narin siya kakayahan kahit iwasan man lang ang paningin nito. "Alam mo bang for me ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo?" simula ni Daniel sa tono na humaplos ng husto hindi lang sa kaniyang puso kundi maging sa kaniyang pagkatao. Hindi nakapagsalita si Ara sa narinig. Hindi naman kasi niya alam ang tungkol doon maliban nalang sa nakikita niyang kislap sa mga mata ni Daniel tuwing tititigan siya ng binata. Pero dahil nga wala naman itong sinasabi sa kaniya ay hindi siya nag-e-expect dahil narin sa katotohanan na takot siyang masaktan. Umiling siya kalaunan bilang tugon sa tanong na iyon sa kaniya ng binata. Noon umangat ang sulok ng labi ni Daniel saka banayad na hinaplos ang kaniyang kaliwang pisngi. Hindi tiyak ni Ara kung ang ginawang iyon ba ng binata ang dahilan kaya siya nagkaroon ng lakas ng loob para magbuka ng bibig at magsalita pero hindi na iyon mahalaga. Dahil sa huli siya man ay nagulat sa sinabi niya. "A-At doon sa unang tanong mo, hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend, kahit na minsan," sagot niya. Tumango si Daniel ng nakangiti. "Ibig bang sabihin noon, ako ang first kiss mo?" tanong ulit ni Daniel habang nanatiling titig na titig sa kaniyang mga mata. "O-Oo," maikli man pero ramdam parin ni Ara ang matinding pamumula ng buong mukha niya dahil sa ginawa niyang pag-amin. "Kaya ka siguro nagalit sa akin noong hinalikan kita? Kasi hindi ganoon ang way na gusto mo para sa first kiss mo, tama ba ako?" tanong muli ni Daniel sa tonong may paglilinaw. Tumango lang ulit si Ara saka napalunok ng kusa nang maalala kung gaano katindi ang epekto ng ginawang paghalik sa kaniya noon ni Daniel. At hindi man niya kayang aminin iyon sa binata pero sa sarili niya alam niyang hindi niya kayang magsinungaling. Alam niya na gusto niyang maranasan ang muling mahalikan ng binata. "Kung sakali bang halikan kita ulit ngayon, magagalit ka?" tanong ulit ni Daniel sa mabait parin nitong tono. Parang naumid ang dila na hindi kaagad nakapagsalita si Ara dahil sa tanong na iyon. Bakit pakiramdam niya parang nababasa ni Daniel ang nilalaman ng isipan niya? Dahil kung hindi, papaano nito nalaman ang tungkol doon na siya ring nilalaman ng isipan niya sa kasalukuyan. "Ara?" muli ay untag sa kaniya ni Daniel na tila ba naiinip nang makuha ang kaniyang sagot. Noon huminga ng malalim si Ara. Pagkatapos ay nag-ipon ng sapat na lakas ng loob saka umiling. At dahil nga nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa mga mata ni Daniel ay kitang-kitang niya kung paano nagliwanag ng husto ang aura ng mukha nito lalong higit ang mga bintana ng kaluluwa ng binata. "Gusto kitang halikan, at seryoso ako doon, is that okay with you?" tanong muli ni Daniel bilang paglilinaw. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang napangiti si Ara. Ilang sandali rin matapos iyon ay ang pagbubuka niya ng bibig bilang pagtugon sa tanong na iyon ng binata. "Gusto ko rin iyon, Daniel, gusto kong halikan mo ako. But this time, more passionate, at mas matagal," pagsasabi niya ng totoo bilang pagbibigay pahintulot sa gustong mangyari ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD