Belyn “Itigil mo sabi ano ba! Isusuplong kita sa pulisya makikita mo. This is kidnapping!” singhal ko pa kay Aaron, ngunit hindi lang nakitaan ng pagka bahala sa kanyang mata. Para bang sigurado ito sa ginagawa niya ngunit ako kabado bente kung saan ako dadalhin ng tukmol na ito. “Kapag makatakas ako Mr. Stalker. Humanda ka. Dahil irereklmo kita sa presinto—” “I'm not afraid. Baka si Daddy at Mommy mo ang ipakulong ko—” “Ano? Sira na siguro ang ulo mong animal ka pati magulang ko idadamay mo rito,” “Let see,” bulong nito but it still reached my ears, kaya nagbabaga ang titig ko sa kaniya. Kung nakakasunog lang ang masama kong tingin kay Aaron, his whole body must have been on fire now. Pinilit ko pa ring buksan ang pinto baka sakaling bukas na iyon. Subalit napagod at nanlumo lang a