Belyn “Mommy,” wika ni Aaron, lumapit sa mommy nito at humalik sa pisngi. Bahagya akong napanguso sa nasaksihang kong tagpo. Mabait naman pala kapag sa magulang nito pero hindi magbabago ang galit ko sa kanya. Inaalala ko lang ngayon ang anak ko, baka nag-aantay na iyon ngayon sa akin. Usapan namin ni Rhonda aalis ako ng bahay lampas alas-singko kasi nga abangers pa ako sa pag-alis nila Mommy at Ate Anely. Paano na ngayon? Tiyak iyon namumuti na ang mata nila ni Benesha at maging sa Sampaloc inaasahan na darating kami roon ng hatinggabi. “Mabuti hindi kayo gaanong ginabi anak,” naulinigan kong saad ni Mrs. Ching kay Aaron. Malambing din nito tinapik ang balikat ni Aaron, pagkatapos ay sa akin naman siya tumingin. “Hija, tayo ng pumasok sa loob,” aniya nilapitan ako. Napatda ako kasi