Belyn Saktong paglabas namin ni Aaron ng silid. Sumulpot ang anak kong si Benesha, nakangiti na agad pero naging seryoso akong tingingnan ‘to, dahil naalala ko ang pagsama niya kila Mommy Eulyn ng hindi ko alam. Kahit naman sigurong sinong Ina ay sobrang mag-aalala, kapag alam mong ang katabi mong anak, magigisnan mong na wala ito sa iyong tabi. Hindi kaya ika'y matataranta lalo na bago kaming salta sa bahay nila Aaron. Hindi naman din ako galit kasi Lolo’t Lola niya iyon at sabik din ang anak ko sa atensyon ng kanyang Lolo at Lola kasi ngayon lang niya iyon naranasan. “Daddy!” tili pa nito sabay bahagya nakanguso kasi hindi ako nakangiti unlike sa Daddy n'yang abot tainga ang tawa. Tumingin sa akin si Benesha ngiting-ngiti sa akin. “Mommy I miss you po,” ani nito binilisan ang paghakb