Belyn Nang mailapat ko na ang pinto. May narinig akong nagri-ring na cellphone sa loob ng k'warto. Hindi akin 'yon, dahil nandoon pa kay Aaron, ang aking cellphone. Hindi pa ibinabalik sa akin ng lalaking 'yon. Mamaya nga pala kukunin ko na sa kaniya, aba! Namihasang itago. Over na sa pakikialam pero sabi naman ni niya. Ngayon niya ibabalik siguro naman marunong iyon tumupad sa usapan. Dahil alam n'yang hindi ako papayag kapag hindi niya ibabalik mamaya sa akin dahil iyon ang aming usapan. Tumigil ang tawag. Subalit hindi pa lumipas ang isang segundo. Ayun ulit nag-ring. Sinuyod ng mata ko kung nasaan ang tunog. Nakita ko sa study table lang pala at bakit cellphone iyon ni Aaron ang nakita ko. Hindi niya dala? Kumunot ang noo ko dahil nagtataka ako kung bakit iniwan nito ang cellphone