Chapter 16

2003 Words
Kaya naman ay bago pa man siya lumabas ng kusina ay tiningnan niya muna ang pagkaing tinakpan sa ibabaw ng lamesa. Nag-aalala siya na baka kasi hindi na naman kinain ni Dorren ang inorder niya at hinayaan magutom ang sarili dahil sa galit nito sa kanya. Ngunit gano'n na lang pagkagulat ni Rem nang makitang hindi iyon ang pagkain na kanyang order kung hindi ang medyo sunog na hotdog at porkchop ang naroon. Sigurado si Rem na si Dorren ang nagluto ng pagkaing iyon dahil hindi naman ito marunong magluto at pritong sunog lang ang alam nitong lutuin. Isa pa ay walang ibang taong gagawa niyon maliban sa kanyang asawa dahil mag-isa lamang ito sa bahay nang umalis siya. Walang pagdadalawang isip na umupo siya at napapangiting kinain iyon. For the first time ay nagluto ang asawa niya para sa kanya kaya naman kakainin niya iyon kahit na sunog pa. Wala siyang pakialam kahit na ano pa ang lasa nito. Hindi sasayangin ni Rem ang effort ni Dorren kaya inubos niya ito. Mababaw lang ang kasayahan niya. At dahil ipinagluto siya ng asawa ay umaapaw sa kaligayahan ang kanyang puso. Pakiramdam ni Rem ay maiiyak na siya sa subrang galak at saya at idagdag pa ang mapait na lasa ng kanyang pagkain. Gano'n pa man ay inubos pa rin nito ang luto ni Dorren. Kinabukasan ay maaga na naman silang pumasok para hindi pa masyadong matao sa campus ayon sa napagkasunduan nila ni Dorren na dapat ay walang makaalam sa relasyon na mayro'n sila. Kanina pa niya napansin na matamlay si Dorren pero ayaw pa rin niyang magtanong kung may dinaramdam ba ito? Natatakot kasi si Rem na baka iyon na naman ang pagmumulan ng kanilang pagtatalo. Rem never see her smile mula nang makasal sila na nagpapabigat lalo sa kanyang damdamin. Hindi niya pa alam kung sa ano'ng paraan niya gagawin ang tuluyang pakikipagkalas sa dalaga. Siguro, dapat ay makausap niya muna si Lance to make sure that everything is okay, when he's gone. Literally. Iyon lang kasi ang pinakamadaling paraan na alam niya para makalaya na ang dalaga. Gustong-gusto na ni Rem na makita ang ngiti ng kanyang asawa. At alam niyang hindi ito ngingiti hangga't hindi niya ito napapalaya at naibabalik sa piling ni Lance. Pakiramdam ni Rem ay nakakulong si Dorren, nakakulong sa rehas na siya mismo ang gumawa. At hindi niya iyon matanggap. Kailangan niyang gumawa ng paraan para maging malaya ito at nang maging masaya na ng tuluyan. Kinahapunan ay habang pababa ng hagdanan sa labas ng library si Dorren ay para bang nag-slow motion ang lahat. Especially seeing him again under that umbrella make her heartbeat fast. Umuulan na kasi. Tatakbo na sana si Dorren papunta sa parking lot nang masalubong niya si Lance. Nasa baba si Lance samantalang nasa kalagitnaan pa ng hagdanan si Dorren. Hindi na alintana ni Dorren ang ulan. Tila ba nanigas na siya sa kanyang kinatatayuan, pagkatapos ng mahabang panahon na lumipas ay nagsalubong na rin ang landas nila ni Lance at dito pa sa school. Law kasi ang kinukuhang kurso ni Lance kaya nasa ibang building rin ito. Siguro sa kaiiwas na rin ni Lance sa kanya ay nagtagpo rin sila ngayon. Their eyes met. Malungkot na nakatitig sa kanya ang binata at kinukurot na naman ang puso ni Dorren dahil doon. Alam niya kasi na siya ang dahilan noon. Hahakbang na sana si Dorren nang may marinig siyang tumawag sa kanya. "Dorren." dinig ni Dorren. Nang lingunin niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses ay walang iba kung hindi si Rem. Namalayan na lang ni Dorren ay pinapayungan na pala siya ni Rem. He apolitically look at her. Hindi kasi inaasahan ni Rem na naroon pala si Lance. Biglang nanuyo ang lalamunan ni Rem dahil pakiramdam niya ay sinira niya ang moment ng dalawa at inaasahan na nito na magagalit na naman sa kanya si Dorren. Tahimik na umalis si Lance sa kanilang harapan at nagtungo sa ibang direksyon. "Lance!" sambit ni Dorren. Hinabol niya ang papalayong binata. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya ng ulan. Ang mahalaga ay masundan niya ito. Nakatingin lamang si Rem sa kanyang asawa habang hinahabol nito ang lalaking mahal niya. Hindi na rin siya pinigilan ni Rem, alam kasi nito na hindi rin naman niya mapipigilan ang dalaga sa gusto nitong gawin. And besides, Rem also wants them to talk, talk about their relationship. Kahit pa masakit iyon sa loob niya ay magpapaubaya na siya para sa ikaliligaya ng babaeng mahal niya. Gusto n'ya na kasing makitang ngumiti at tumawa ng tagos sa puso ang dalaga. And it will only happen when he return her to the rightful man, to whom she truly loves. At hindi siya iyon kundi si Lance. "Lance, wait!" habol pa rin ni Dorren. Tumigil sa paglalakad ang binata at saka hinarap siya nito. Tiningnan ni Lance ang dalaga na may awa at lungkot sa kanyang mga mata. Gusto niyang iwasan si Dorren hangga't makaka-iwas siya pero ngayon ay mukhang langit na yata ang nagtakda para pagtagpuin muli ang kanilang landas. "Lance, please talk to me." Sambit ni Dorren. Nakita ni Lance ang pagmamakaawa sa mga mata nitong kausapin siya. Isinukob niya sa payong ang dalaga, basang-basa na kasi ito at nag-aalala pa rin naman siya sa kalusugan nito. Walang pakundangan na kinuha ni Lance ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang pisngi ni Dorren. Nagulat na naman siya nang hawakan ni Dorren ang kanyang mga kamay na nagpupunas sa mga pisngi ni Dorren. "Lance," gumaralgal ang boses ng dalaga habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kamay ni Lance. "B-bakit ka ba naliligo sa ulan?" sa halip ay sabi ng binata. Nakatitig siya sa mga mata ni Dorren. To those eyes that is full of sadness and hurt. Gusto niyang pawiin iyon pero paano niya gagawin? In an instant ay naramdaman niya ang paglapat ng mga labi ni Dorren sa kanya. He was shocked sa ginawa nito. Hindi na niya natugon ang halik nito dahil binawi rin kaagad ng dalaga at lumayo sa kanya. "I-I love you, Lance. And I will always love you." she said while sobbing. "Pero hindi na pwedeng maging tayo, Dorren." Matigas na saad ni Lance. "Rem promise me that he will put things right. Makikipaghiwalay na siya sa akin kaya pwede pa ring maging tayo." Sagot ni Dorren. Puno ng pag-asa ang kanyang boses. "Pero kasal kayo. Makikipag-annul ba siya?" Saad naman ni Lance. Nakangiting umiling-iling si Dorren na ipinagtaka ni Lance. "Sabi niya ay mahirap makipag-annul kaya sa ibang paraan na lang na alam niyang madali. Pero hindi pa sa ngayon, sana mahihintay mo pa rin ako sa pagkakataong iyon." hiling niya sa binata. "Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Rem sa'yo, Dorren. Malay mo naman kung pinapaasa ka lang niya sa wala." malamig na tugon nito. Walang buhay pa siyang tumawa. "Pero Lance, nangako siya sa akin." giit pa rin ni Dorren sa binata. "I do not trust him anymore, Dorren. Since the moment he stole you away from me." mariing sabi nito na mas lalong ikinalaglag ng mga luha ni Dorren. "Just please give me a chance, Lance. I love you at sa'yo lang ako liligaya." Pagmamakaawa ng dalaga. "Hindi ko pa rin maipapangako sa'yo na mahihintay kita, Dorren." saad ng binata at tuluyan na nga siya nitong tinalikuran. Napahawak sa dibdib niya si Dorren, pakiramdam niya ay sumisukip ang kanyang dibdib habang patuloy sa pag-iyak. She cries under the rain at nakita lahat iyon ni Rem. Dorren cried again because of him at habang nakatali pa rin sila sa kasal ni Dorren ay patuloy at patuloy pa rin itong iiyak nang dahil sa kanya. At hindi iyon kayang tiisin ni Rem kaya nilapitan niya na ang dalaga. "Don't look at me like that, Rem!" bulyaw nito sa kanya. Wala nang masyadong tao ngayon sa bandang kinatatayuan nila dahil hapon na at malakas pa ang ulan. "Halika na, ihahatid na kita pauwi." sa halip ay sabi niya sa dalaga. "Masaya ka na ba seeing me like this, huh? Begging for the love sa taong mahal naman ako. Ganito ba ang gusto mong mangyari?" Sigaw ni Dorren sa kanya. Agad na umiling si Rem. " Hinding-hindi ako magiging masaya habang nakikita kang nagkakaganito, Dorren. Maniwala ka man sa hindi, hindi ko gustong maranasan mo ang lahat ng ito," usal ni Rem. Kahit kailan naman talaga ay hindi siya naging masaya sa ganitong setup nila ng dalaga. Hindi siya masaya dahil alam niyang malungkot sa piling niya si Dorren. Walang ibang hinangad si Rem kung hindi ang makitang masaya ang babaeng mahal niya. "Then, gawin mo na ang ipinangako mo. Huwag mo nang patagalin pa, Rem."she begged for that. Malungkot na tumango lang si Rem sa sinabi nito. Hindi na siya nagsalita pa dahil alam niyang papatak lang ang kanyang mga luha kapag binuksan pa nito ang kanyang bibig. So, kailangan niya na talagang gawin ang iniisip niyang paraan para mapagbigyan na ang dalaga. Kailangan na niyang mawala para maging masaya na ito sa piling ni Lance. Half-day lang kinabukasan ang klase ni Dorren kaya ala-una pa lang ay nag start na ang time in niya sa fastfood. Habang nasa trabaho ay lutang pa rin ang kanyang isipan kung paano ba isasagawa ang hinihiling ni Dorren. "Rem? Masama ba ang pakiramdam mo?" maya-maya ay tanong ni Yesha sa kanya nang mapansing wala siya sa kanyang sarili. "H-hindi naman."sagot niya habang inilalagay ang mga tray sa ibabaw ng lamesa. "Okay." masiglang tugon ni Yesha. "Kung gan'on ay pwede bang pakideliver na lang ito sa faculty nila sir Leon, please..."tukoy nito sa bitbit na supot. "Okay, ako na lang bahala rito. Mukhang ang dami pa naman nito." Sagot niya. "Thank you, Rem. Ang bait-bait mo talaga." nakangiting sabi ni Yesha. Walang imik na kinuha ni Rem ang mga supot sa kanya at saka umalis na. Malapit lang kasi ang fastfood sa university kaya lalakarin na lang niya iyon. Lutang pa rin ang kanyang isipan at wala sa sariling naglakad siya sa may daan habang iniiisip na naman ang pagtatalo nila ni Dorren kagabi. Tinitingnan niya ang maraming sasakyan na dumadaan sa kanyang harapan. Mabilis ang takbo ng mga ito at maingay. Hanggang sa pakiramdam niya ay halos mabingi na siya sa ingay ng mga ito at nag-slowmo na ang lahat sa kanyang paligid. Humina ang busina ng mga sasakyan at ang takbo ng mga ito. Tanging ang naririnig niya lang ngayon ay ang malakas na t***k ng kanyang puso. Tiningnan ni Rem ang malaking gate ng eskwelahan nila na nasa harap niya lang at luminga-linga muna bago ihinakbang ang mga paa. Mabilis na mabilis pa rin ang pagtibok ng puso niya na para bang may dumadagundong sa kanyang dibdib. Ilang saglit pa ay isang malakas na busina ng sasakyan ang huling narinig ni Rem. Naramdaman na lang nito ang pagdidilim ng kanyang paningin at narinig niya rin ang hiwayan ng mga tao sa kanyang paligid. 'Dorren...' Walang boses na sigaw ng isipan ni Rem. 'marahil sa paraan na ito ay matutupad ko na ang kahilingan mo.' aniya pa ng kanyang isipan. Pagkatapos niyon ay tuluyan na ngang nagdilim ang paligid ni Rem at wala na siyang marinig pa kahit lumipas na ang ilang segundo. "Rem!" sigaw ni Yesha. Agad siyang tumakbo papunta sa nakahandusay na binata. Nakita niya na duguan ito. Napa-iyak na lang siya ng tuluyan nang makalapit kay Rem. Agad niyang inilabas ang kanyang cellphone at nanginginig na nag- dial para humingi ng saklolo. Kailangan kasing madala kaagad sa ospital si Rem dahil mas dumadami pa ang dugong nawawala sa kanyang katawan. Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Yesha nang hawakan nito si Rem, pero lupaypay na ito dahilan para mas lalo pa siyang mapa-iyak. Natatakot na siya sa kaligtasan ng kanyang kaibigan. "R-rem... please! Huwag ka munang bumitaw, huh? Humingi na ako ng tulong at malapit na sila. Lumaban ka, please..." iyak niyang sabi rito habang hawak ang isang kamay ni Rem.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD