Chapter 15

1847 Words
"Hindi kaya sila na ng muse ng engineering?"sabi ni Trixie habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng mesa. Nasa canteen sila ng mga oras na iyon. At katulad ng araw-araw na nangyayari ay si Rem na naman ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ni Dorren. "Sino? Si Yesha Ruiz ba?" Tanong ni Hana habang magkasalubong ang kanyang kilay. "Oo nga, te." sabat naman ni Lyka. "Mukhang hindi pa naman siguro." sagot na naman ni Hana, at saka umiling pa ito. "Paanong hindi? Eh, magkasama na nga sila sa fastfood ni Yesha." giit naman ni Trixie. "Kasi sa palagay ko ay hindi naman si Rem ang tipong nanliligaw kaagad. Mahirap basahin kung sino ang gusto niya. He's silent and handsome, just one look at him and you will know it. Kaya nga ang cool ng dating niya, eh. Hindi siya iyong tipo ng lalaking mayabang na sasabihing 'hello pogi ako' kaya habulin n'yo ako mga girls." mahabang litanya ni Hana. Tumawa pa ito sa huli na para bang pinapa-intindi sa dalawa niyang kausap. Samantalang si Dorren ay walang imik na nakikinig sa pinag-uusapan ng tatlo niyang kaibigan. She silently paying attention to her friends while sipping her juice. "Eh kasi nga hindi niya gagawin 'yon. You know why? Because he's already married." Trixie exclaimed. "Malalaman at malalaman ko rin kung sino ba iyang mystery wife niya." dagdag pa ni Trixie. Sa sinabi nito ay muntik ng mabulunan sa iniinom na juice si Dorren. Napaubo siya dahil sa subrang pagkagulat. Paano nga kaya kapag nalaman ng kanyang mga kaibigan na siya ang hinahanap nilang mystery wife wife ni Rem? Anong mangyayari? "Dorren, okay ka lang?" Hana asked immediately. "Oo, ayos lang ako." Sagot ni Dorren, at saka pilit na ngumiti sa tatlo niyang kaibigan na mariing nakatitig sa kanya. Pansin ni Dorren ang kakaibang titig ng kanyang mga kaibigan dahilan para kabahan siya. "Pero alam niyo, I smell something fishy talaga dito kay Yesha, eh." Biglang sabi ni Lyka. Nawalan ang paningin nilang lahat kay Dorren at napunta ito kay Lyka. "Bakit naman?" Curious na Tanong ni Trixie. Kapag talaga si Rem ang pinag-uusapan ay para bang nagiging detective Conan ang mga kaibigan ni Dorren. "Kasi nakikipaglapit siya kay Rem. Sa tingin ko she likes him at hindi malabong baka maging sila rin. Usap-usapan lang naman ang mystery wife ni Rem eh. O baka nga, si Yesha pa ang mystery wife na tinutukoy nito, malay natin!" Mahabang litanya ni Hana. Hell no! Agad na tumutol ang utak ni Dorren sa sinabi ng kanyang kaibigan. She could not explain to her self pero hindi niya talaga gusto ang ideyang iyon. Hindi niya na talaga maintindihan ang kanyang sarili. After that kiss three days ago, ay nagulo na talaga ang mundo niya. Hindi niya na malaman kung ano ba ang totoo sa kanyang nararamdaman. Lutang na palagi ang utak ni Dorren sa kaiisip sa relasyon na meron sila ni Rem. Kung ano na ba ang status ng kanilang marriage. Kinahapunan, dahil sa masama ang pakiramdam ni Dorren ay dumiretso na siya sa parking lot. Gusto na niyang umuwi at nang makapagpahinga. Pakiramdam niya ay subra siyang napagod sa araw na iyon. Hinintay niya ang pagdating ni Rem para ihatid siya nito pauwi. Ganoon na ang naging setup nila ng dalaga, ihahatid muna ni Rem pauwi ang dalaga bago pumasok sa fastfood kung siya nagtatrabaho. Six pm kasi ang time in doon ni Rem hanggang eleven ng gabi samantalang four thirty naman ang uwian ni Dorren kaya makakahabol pa siya sa trabaho nito. Iniiwan na ni Rem ang sasakyan sa bahay at nagco-commute na lang siya papunta sa workplace nito. "Pasensya na kung napaghintay kita, Dorren. Pinuntahan ko pa kasi si Yesha."wika ni Rem. Agad siyang nagsuot ng seatbelt at pinaandar ang makina. Nagsalubong ang kilay ni Dorren at may inis siyang naramdaman pero dahil dakila siyang spoiled brat ay sinubukan niyang huwag magpahalata nagpahalata. Gano'n pa man ay bigo pa rin siya, talagang naiinis siya mabanggit pa lang ang pangalan ng kaibigan ni Rem. "Bakit? Kailangan mo pa bang magpaalam sa kanya na uuwi ka muna?" iritang tanong ni Dorren habang hinihilot-hilot ang sentido. Masakit na ang kanyang ulo, isa pa sa mga dahilan kung kaya ay hindi na siya pumasok ngayon sa last subject niya. Gusto na niyang umuwi at nang makapagpahinga na kaya tinawagan niya kanina si Rem. Sinabi niya rito na uuwi siya ngayon ng maaga pero hindi naman sinabi kung ano ang kanyang dahilan. Hindi na rin nagtanong pa si Rem dahil sa takot na baka magalit pa sa kanya si Dorren. Wala siyang pakialam kung tatawagin siyang under de saya, ang tanging alam lang ni Rem ay ayaw niyang madagdagan pa ang galit ng babaeng mahal niya. Gustong-gusto niyang tawaging asawa si Dorren pero palagi niyang pinapaalala sa sarili na hindi siya mahal nito at kailangan niyang gumawa ng paraan para mapalaya si Dorren. Nang sa gano'n ay tuluyan na siyang liligaya sa piling ni Lance, ang lalaking mahal niya na kailanman ay hindi niya mapapalitan sa puso ni Dorren. Tanggap na niya at pinaghahandaan na niya ang naging usapan nila noon ng dalaga. Papalayain niya ang asawa sa kahit na anong paraan, kahit na sariling buhay pa nito ang magiging kapalit. "Ha?" gulat na saad ni Rem. Ilang sandali pa siyang natahimik na para bang nablangko ang kanyang isipan dahil sa sinabi ni Dorren. Naramdaman kasi ni Rem na para bang hindi nagustuhan ng dalaga ang kanyang sinabi. 'May mali ba sa sinabi ko?' walang imik na tanong ng isipan ni Rem. "Kailangan ko pa bang ulitin?" Iritang saad ni Dorren. "N-no. K-kasi a-ano, naki-usap lang ako sa kanya na siya na lang sana ang magpasa ng mga plates ko mamaya." Nauutal niyang paliwanag. Kagat ni Rem ang kanyang pang ibabang labi na pinaandar na ang sasakyan at nagmaneho na pauwi. Pasimple pa niyang pinagalitan ang sarili dahil sa ideayang ginalit na naman nito ang asawa. God knows kung gaano niya kagusto na makitang nakangiti si Dorren ang siya ang dahilan. "Bakit kailangan mo pang magtrabaho? Kulang pa ba iyong ipinapadala nina Mama at Papa buwan-buwan?" Tanong ni Dorren. Nagsasalita ito pero hindi nakatingin kay Rem. Saglit siyang sinulyapan nito bago sumagot. "Hindi naman sa gano'n, Dorren. Subra-subra pa nga kung tutuusin," sagot ni Rem. Pasimple siyang napabuntong hininga, heto na naman sila at mag-uumpisa na naman ang pagtatalo nila. Bagay na pinaka-iiwasang mangyari ni Rem. "Then why? Dahil ba hindi mo ma-i-date sa class na restaurant ang babae mo? Gano'n ba iyon?" Sagot ni Dorren, bakas ang galit sa tono ng pananalita nito. Dahil sa narinig ay biglang naapakan ni Rem ang break ng sasakyan at hindi makapaniwalang nakatingin sa asawa. "Ano ba ang gusto mong gawin ko? Akala ko ba ay pumayag ka na, na magtrabaho ako. And it's not about a woman, Dorren. Hindi naman pwedeng umasa na lang tayo palagi sa parents mo kung pwede naman akong magtrabaho." may halong inis sa boses ni Rem nang sabihin iyon. Muli niyang pinaandar ang sasakyan. "Eh, pwede ka naman magtrabaho sa iba, ba't doon pa kung nasaan ang babaeng iyon?" Mas inis na sagot ni Dorren. Kung may ibang tao lang sa loob ng sasakyan na naririnig ang kanilang pagtatalo ay iisipin nito na nagseselos si Dorren. Gustong isipin ni Rem na nagseselos ang kanyang asawa kaya gano'n ito makapagsalita. Pero alam na alam ni Rem ang totoo. Hindi. Never na magseselos ito dahil si Lance lang naman ang lalaking pagseselosan niya. "Dahil nga kakilala ni Yesha ang manager doon sa fastfood na 'yon at pwede akong makarequest na maging flexible ang time ko kasi working student ako." mahabang paliwanag niya. Malumanay ang kanyang pananalita dahil ayaw niyang sabayan ang inis na nararamdaman ni Dorren. Kailangan niyang kumalma kahit na inaakusahan na siya nito. "Bakit ba hindi mo na lang sabihin na dahil nandon si Yesha kaya kailangan ay doon ka rin nagtatrabaho." nakabusangot ang mukhang sagot ni Dorren. She talk while leaning her head on the window and close her eyes. Bago niya pa napigilan sa pagsasalita ang kanyang bibig ay nasabi na niya na iyon. Kapagkuwan ay muli rin siyang pumikit at malungkot ang kanyang mga mata na nakatingin sa labas ng binata, pakiramdam pa ni Dorren ay para bang lalagnatin ata siya. "Kaibigan ko lang si Yesha, Dorren. We're just friends so don't think more than that." Mariing sagot ni Rem. Humigpit pa ang kapit nito sa manebela. "Pero kayo ang pinag-uusapan sa school. Kesyo siya ang mystery wife mo at kung anu-ano pa!" giit pa rin ni Dorren. Saglit na naman sumulyap sa kanya si Rem at nang makita ang nakabusangot nitong mukha ay bigla na lang gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ni Rem. "You know things more than them. Alam mo kung ano kami ni Yesha at kung sino ang asawa ko kaya huwag mo na silang intindihin." Mariin niya ring sagot. Kaunti na lang talaga at gusto na niyang isipin na nagseselos si Dorren. Pero ayaw naman niyang umaasa sa wala. "H-hindi ko naman talaga alam kung a-anong mayro'n kayo ni Yesha eh." mahinang bulong ni Dorren. 'Is she jealous?' Hindi na nakapagpigil si Rem at natanong na niya ang kanyang sarili. Pero hindi naman siguro dahil si Lance naman ang mahal nito. Sa halip na mag-isip pa ay nagpatuloy na lang sa pagmamaneho si Rem at hindi na siya umimik pa. Ayaw niya na kasing umabot pa sa kung saan ang usapan nila. Baka umiyak na naman siya sa harapan ni Dorren at ayaw niyang makita siya ng dalaga sa gano'n na senaryo. Ayaw niyang kaawaan pa siya nito, sapat na iyong siya lang ang naaawa sa kanyang sarili. Hindi rin niya alam kung bakit umuwi ng maaga si Dorren. Basta na lang kasi siyang tinawagan nito kanina na uuwi na daw ito agad-agad kaya hindi naman siya maka- hindi rito at para maihatid ito pauwi ay kinailangan ni Rem na umabsent. Hanggang sa puntong iyon ay hindi niya pa rin maintindihan ang dalaga kung bakit na lang ito biglang nagkaroon ng interested sa kanila ni Yesha. Dati naman ay hindi ito nagtatanong about kay Yesha. Pagdating ng bahay ay agad rin siyang umalis. Maayos naman siyang nagpaalam kay Dorren kahit na hindi na naman siya nito kinikibo. Tumawag na lang si Rem ng home service para sa hapunan ng dalaga, hindi na kasi siya makakapagluto pa. Mula sa bintana ay sinilip ni Dorren ang nagmamadaling pag-alis ni Rem. Malungkot siyang na-upo sa sofa. Hindi man lang kasi napansin ni Rem na mukhang may sinat siya. Humiga na lang siya sa sofa para kahit sandali man lang ay maka-idlip pa rin siya. Na-isip niya kasing magluto ng hapunan kahit na wala naman alam sa gawaing bahay. Quarter to twelve na nang maka-uwi si Rem galing sa trabaho. Tahimik ang buong bahay nang pumasok siya. Sa isip ni Rem ay sigurado siyang mahimbing na ang tulog ni Dorren sa mga oras na iyon. Kaya naman ay tahimik siyang nagpunta ng kusina para uminom ng tubig pero naagaw ang kanyang atensyon nang makitang may tinakpan sa ibabaw ng lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD