Chapter 7

1325 Words

"Sige, na aalis na ako." Paalam ni Rem. Pakiramdam niya kasi ay biglang nag-init ang kanyang katawan. Tatalikod na sana siya nang hawakan ni Dorren ang kanyang kamay. Nabigla si Rem dahil feeling niya ay may kung ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang kalamnan nang eksaktong naglapat ang kanilang mga balat. Bigla ay nabawi niya tuloy ang kanyang kamay. Pakiramdam niya kasi ay napapaso siya at mainit na mainit ang kanyang pakiramdam. "Sige na, Dorren. Aalis na ako, matulog ka na." Paalam ni Rem. "No!" Pagmamatigas ng dalaga at saka bumangon ito. Si Rem naman ay nagtungo na sa pintuan para lumabas na. Subalit nang pihitin niya ang door knob ay hindi na ito bumukas. Naka-lock yata, sa isipan niya. Kahit na anong pihit niya ay hindi talaga ito bumubukas. Bigla siyang kinabahan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD