Chapter 6

1554 Words
"Mabuti pa ay tumigil ka na sa kaka-iyak mo d'yan, Dorren," Napalingon sina Rem at Dorren nang may biglang magsalita sa likuran nila. "Mama! Papa!" Anang dalaga. Gulat na makita doon ang kanyang magulang. "Tito." Sambit ni Rem. Gulat silang pareho. Mabilis na nailayo ni Rem si Dorren sa pagkakayakap sa kanya. Nakangiting lumapit ang ginang sa kanilang dalawa. "Bakit ka pa ba nagmamaktol diyan, Dorren. Kung pwede mo namang gawin ang last dance mo ngayon. It's not yet too late, honey. "wika ng Mama ni Dorren na halatang may galak sa mga mata nito habang nakamasid pa rin sa kanilang dalawa. "T-tita, kasi..." naiilang na protesta ni Rem. "Bakit, Rem?" Tanong ng Mama ni Dorren sa kanya. "K-kasi hindi naman po ako marunong sumayaw." nahihiyang pag-amin ni Rem. Napakamot pa ito sa kanyang batok. "Okay lang 'yon, Rem. Hindi naman kayo magsasayaw ng hiphop eh," Biro ng Mama ni Dorren sa kanya. "Huwag kang mag-alala. Magaling naman ang baby namin. Tuturuan ka niya." Dagdag pa nito sabay kindat kay Dorren. "Ma!" suway ng dalaga. "What?"anitong nakangiti pa rin. "Sige na, darling. Music please." utos nito sa kabiyak. Agad naman tumalima si Darren sa request ng kanyang asawa. A sweet love song filled the silent night. Nahihiya pa noong una ang dalawa dahil nakatingin sa kanila ang dalawang matanda subalit ng kalaunan ay kusang umindak ang kanilang mga paa. His gentle hand caressed her waist at sinabayan ang pag-indak ng dalaga. And it's like magic that it seems no end. Tila wala nang katapusan sa kanila ang mga oras na iyon. Their eyes met at kusang nangungusap para sa isa't-isa. Hanggang sa hindi na nila namalayan na tumigil na pala ang tugtog. Palakpakan ang mga magulang ni Dorren na animo'y mga teenager na kinikilig para sa kanilang dalawa saka lang sila natauhan at naghiwalay. Tapos na ang pantasya ni Rem kanina at ngayon ay dala niya ang isang plato ng hugasin papuntang kusina. Naiwan niya si Dorren sa may porch. Itutulak na sana niya ang pinto sa may backdoor when he heard a conversation inside. "Sigurado ka na ba, Kiera? Hindi ka ba magsisisi kapag ginawa natin 'to?" tanong ng boses lalaki. Alam niyang ang parents iyon ni Dorreb dahil na rin sa mga boses nito at wala namang ibang Kiera sa pamamahay na iyon. "Ano ka ba, Darren. 'Di ba nga ay pinag-usapan na natin 'to? Hindi ako papayag na sila ang magkatuluyan. No way! Kaya dapat ngayon pa lang ay hadlangan na natin sila." wika ng Mama ni Dorren. "Okay, mahal. Okay. We'll follow the plan." Tapos na ang usapan ng dalawa nang itulak ni Rem ang pinto. Nagkibit-balikat na lang siya sa narinig dahil hindi naman siya tsismosong tao. Nagulat pa ang mag-asawa nang makita siya. "Rem!"sabay pang sambit ng dalawa. "Ilalagay ko lang po muna itong hugasin dito baka kasi maulanan sa labas."sagot ng binata. "Kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Darren, ang Papa ni Dorren. "Po?" bigla tuloy naguluhan si Rem. "Kakapasok ko lang po, Tito." walang gatol niyang sagot. Nakahinga ng maluwag ang mag-asawang Althea. "Okay. Sige na, ilagay mo iyan dyan at samahan mo kaming mag-inuman." dagdag pa ng Papa ng dalaga. "Po?" Muli siyang naguluhan sa sinabi nito. "Sige na, Rem. Sumunod ka na lang sa amin doon sa porch." Dorren's mom added. Wala ng nagawa si Rem kung hindi ang tumango. Habang papunta sa porch ng bahay ay nag-iisip pa rin siya. Ngayon lang kasi nagyaya ang Ama ni Dorren na mag-inuman sila mula ng mawala ang kanyang Ama five years ago. Ang totoo n'yan, kaya malapit si Rem sa mga magulang ni Dorren dahil friends ang mga magulang nila. Ang Tatay ni Rem ang unang naging kaibigan ni Darren magmula nang mabili niya ang hacienda kung saan nagbabakasyon kapag gusto nilang lumayas ng syudad. Kaya nga Tito at Tita ang tawag niya sa mga magulang nito. Ang papa ni Rem ay isang government employee sa bayan nila. May konti ring pagmamay-ari ng lupa ang mga magulang niya. Hindi naman ganoon kahirap ang buhay nila na mag-anak noon. Until one day ay nadiagnose na may sakit ang Papa niya sa baga dahilan para masangla nila ang lahat ng kanilang ari-arian kasama na ang lupa na ang gobernador nila ang nakakuha, na siyang Papa ni Lance. Kaya ngayon ay nakatira na lang sila sa isang maliit na dampa na ang lupang kinatitirikan ay pagmamay-ari naman ng pamilya ni Dorren. Habang papalapit sa mga ito ay nagtataka pa rin si Rem. Naguguluhan talaga siya sa mga inaasal ng mga ito. Alam naman kasi ng parents ni Dorren na hindi siya umiinom. "O, Rem. Halika na rito. Umupo ka na dito sa tabi ko." wika ni Darren. Tumalima naman si Rem at naupo na katabi ang ama ng dalaga habang nasa harap naman niya si Dorren at ang Mama nito. Nakita niyang may nakahandang apat na baso at dalawang bote ng mamahaling wine. Ibinigay nito sa kanya ang isang baso na puno ng wine, habang ang isa pa ay kay Dorren. "Okay, let us toast for the debut of my beloved daughter pati na rin sa late niyang last dance." sabi ni Darren. "P-pero.. Hindi po ako umiinom, Tito." Saad ni Rem. Nakita niya kung paano natigilan ang mag-asawa at nagkatinginan pa ang mga ito tapos ay pilit na ngumiti. "Oo nga, Papa. Huwag mo na kasing pilitin si Rem. Sige ka kapag nalasing iyan ay ikaw talaga ang magbubuhat sa kanya pauwi." Wika naman ni Dorren. Napahagikhik ito sa tawa pagkatapos magsalita. Sa palagay ni Rem ay nakainom na rin ito. "Ayos lang iyon. Pwede naman siyang matulog rito eh."sabat naman ng kanyang Mama. "Sige na, Rem. Just for tonight lang naman. Saka paminsan-minsan ay nakakabuti rin naman ang alcohol sa katawan natin." Pangungumbinsi pa nito sa kanya. Ayaw naman niyang madisappoint ang Papa ni Dorren kaya pumayag na rin siya. "Okay. Let us toast!" muling wika ni Darren. Napangiwi si Rem nang malasahan ang medyo mapaklang likido. Ganito pala ang lasa niyon. Ngayon lang kasi siya nakatikim ng alcohol. Ganun pa man ay inubos pa rin niya ang isang baso para hindi magtampo ang Papa ni Dorren. Pero laking gulat ni Rem nang dagdagan pa nito ng isang baso hanggang ang dalawa ay naging tatlo hanggang sa naging apat. Pakiramdam ng binata ay umiikot na ang kanyang paningin. Napansin niya rin na lasing na si Dorren dahil kung anu-ano na ang pinagsasabi nito. "Sige na, Rem. Ihatid mo na si Dorren sa room niya, mukhang lasing na yata ang batang iyan eh." wika ng Papa ni Dorren. Tumango at tumayo naman siya at saka nilapitan si Dorren. Napa-iling pa niya ang ulo dahil mukhang dumoble na yata ang paningin niya. "Let's go, Dorren."aniya habang hinihila ang dalaga patayo. "N-no."nagulat pa siya nang yumakap ito sa kanyang beywang. "D-dorren, tumayo ka na nga." wika niyang pilit na tinatanggal ang kamay ng dalaga sa pagkakayapos sa kanya. Nahihiya si Rem dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga magulang ng dalaga sa kanya. "Dorren, sige na," bulong niya rito. "I s-said, n-no. T-tinatamad ako m-maglakad. Just carry me, please?" namumungay ang mga mata nitong nakikiusap sa kanya. Ang babaeng talagang ito. Ipapahamak pa yata siya. "Sige na, maglakad ka na lang." Pamimilit pa rin ni Rem. "Ayoko nga." sabi ni Dorren na mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Sige na, Rem. Buhatin mo na lang siya. Hindi kayo matatapos n'yan at baka abutin pa kayo hanggang mag-umaga." Biglang nagsalita ang Mama ni Dorren dahilan para mapalingon si Rem sa mga magulang ng dalaga. "Yeey!!" tuwang sabi ng dalaga at bumitiw na sa binata. Okay, siya na talaga ang spoiled brat na anak. Sa isip-isip ni Rem. Nahihilo pa naman siya. Habang papaakyat sila ng hagdanan ay biglang nagsalita ang dalaga. "Rem, don't we look like just a newlywed?" Tanong ng dalaga sabay inihilig ang ulo nito sa dibdib ng binata. Napa-ubo naman si Rem sa sinabi ni Dorren. Lasing na yata talaga ang babaeng ito. Naramdaman niya na biglang nag-init ang magkabila niyang mukha. Bumilis rin ang pintig ng kanyang puso lalo na ng takpan ni Dorren ang kanyang bibig. Para bang gusto na yatang kagatin ni Rem ang daliri ng dalaga. Inaakit ba siya nito? Kasi kung gano'n ay waging-waging siya. Mabuti na lang at nakakapagtimpi pa si Rem. "Rem, cover your mouth please when you cough." reklamo ng dalaga. "Why? Don't you agree to what I've said?" muling untag pa ni Dorren nang hindi siya tumugon. "No, Dorren. Ang totoo n'yan ay we're like a slave and princess." sabi ng binata habang humahakbang. Malapit na sila sa last step ng hagdanan. "Slave and princess?"ulit nito sa sinabi niya. "Yeah, you're the princess and I'm your slave." Sagot ni Rem. Tumango-tango lang ang dalaga. 'Cause I'm not Lance and not even a prince.' Rem whispered to himself. Malapit na sila sa pintuan ng dalaga nang laru-laruin ng daliri nito ang chin niya. Nakikiliti naman si Rem kaya kinakagat niya ang daliri ng dalaga. "Stop it, Dorren." saway niya sa dalaga. Humagikhik lang si Dorren sa sinabi niya. Itinulak na ni Rem ang pintuan at pumasok na sa loob ng silid ng dalaga. Nagulat pa siya nang bigla iyong sumara. Hindi na lang niya iyon pinansin. Ibinaba na niya si Dorren sa kama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD