Almost 4 nang hapon namin natapos ang practice at para pakawalan ako ni Miss Ong. Kung hindi ko pa sasabihin sa kanya na may group study kami ay hindi pa niya ako papaalisin.
Hawak ang baton ko ay nagmamadali akong lumabas ng gym upang takbuhin ang library namin. It's quite far from where I'am.
Kaya hawak ang baton sa isang kamay at nakaalalay naman sa handle ng bag ko ay tinakbo ko ang buong hall ng Palma papunta sa library.
Saktong maraming lumalabas na mga estudyante dahil most of the juniors ay labasan na.
"Excuse me!" sigaw kong habang hinahawi ang mga taong nakaharang sa daanan ko.
Few gave way but others don't. Akala mo naglalakad sa mall or park dahil sa sobrang bagal nila. Kulang na lang ay ihampas ko ang baton na hawak ko para lang hawiin sila.
"Excuse me!" sigaw ko pa ulit dahil may ilang nasa gitna ng hall papunta sa library.
"Hi Summer!" may ilang tumatawag din sa akin dahilan din para mapahinto ako sa paglalakad.
I just waved my hand and smiled to that group of boys. Yung isa naman nilang kabarkada ay halos itulak papalapit sa akin. May hawak pa itong supot ng pagkain mula sa convenience store na nasa loob ng school.
"P... Para sa iyo nga pala" nanginginig na sabi nito sabay abot sa akin ng plastic.
Ngumiti ako sa kanya at inabot ang hawak niya. "Thank you..." I lowered my gaze to his ID. "... Jayson."
"Kilala mo ko?!" ngiting-ngiti na tanong nito sa akin.
Ngumiti lang ulit ako at itinuro ang ID na suot niya. Akmang magsasalita pa sana siya kaya lang nagpaalam na ako kaagad.
"Thank you ah! I have to go na rin kasi. Bye!" Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita kaya tumakbo na ako kaagad papunta sa library namin.
Kung bakit naman kasi napakalayo ng library na yan sa gym. Ay ewan ko ba talaga.
Halos hingal na hingal ako ng makapasok sa loob ng Dagot Library at tiyak na nasa second floor pa sila kaya nagmamadali akong umakyat doon.
Sinilip ko pa ang ibang section kung naroon sila pero natagpuan ko sila sa General Section. Nasa may bandang dulo sila malapit sa bintana kung saan kitang-kita ang mga dumaraan na sasakyan.
Few students were there also. May ilang senior high students na nasa malayong bakanteng pwesto namin.
"Sorry!" Hingal na hingal kong sabi kila Bryan at George. Silang dalawa lang ang naroon at may kung ano na rin silang natapos dalawa.
Tumabi ako kay George na takang-taka sa hitsura ko. Pinandilatan niya ako ng mata kaya natunugan ko ang nais niyang iparating.
I must be so haggard! Ibinaba ko ang baton at bag ko sa mahabang lamesa at kinuha mula sa bag ko ang panyo ko.
Hindi naman nakatingin si Bryan kaya grinab ko na ang chance na magpunas ng pawis para hindi niya makita na ang future jowa niya ay haggard masyado.
Tumikhim ako ng napunasan ko na ang pawis ko pagkatapos kong mag-sanitize ng kamay.
Bryan looked at me and he smiled a little kaya parang nag-vanish yung pagod ko mula sa practice.
"Nagawa na namin ni Georgina ‘yung template for the report. Nag-assign na rin kami kung ano ang part ninyo," sabi ni Bryan habang nakatingin sa akin.
Bigla tuloy akong na-concious kaya inayos ko ang buhok ko at inipit ito sa likod ng tenga ko.
Inabot niya sa akin ang dalawang bond paper na may laman ng report ko.
"Since hindi kayo pwedeng dalawa sa weekends, you might both want to study your parts. Oscar will discuss the first law, while Georgina is on the second law tapos ikaw na Summer sa third law then ako na ang magsa-summarize ng report natin. Ayos lang ba iyon?"
Tumango si George habang may kung anong sinusulat sa papel niya.
"H...Hindi na ba tayo gagawa ng powerpoint or visual materials para doon?" nauutal na tanong ko.
Umiling na si Bryan bago niya hinarap sa akin ang laptop niya. "I have made the powerpoint already. Just do your parts na lang."
Ngumiti ako sa sinabi niya. Ibang klase talaga ang bebe ko. Advance siya masyado mag-isip. Tumikhim ako at lumingon kay George.
"So are we done here na ba?" Tanong ni George. Pero pinandilatan ko siya ng mata.
Kakarating ko lang tapos aalis na kaagad? Ano may lakad ba siya?
Aalma sana ako kaya lang naunang tumango si Bryan. "Yes. Pwede na siguro tayo umuwi. Isesend ko na lang sa group chat na gagawin ko ang powerpoint para alam niyo yung gagawin niyo sa parts niyo."
Tumayo na si Bryan dala ang laptop niya. Aangal pa sana ako kaya lang binitbit na niya ang bag niya at umalis kaagad. Hinabol ko na lang tuloy siya ng tingin.
"Bebe..." bulong ko sa hangin.
Nilingon ko si George na abala na sa paggamit ng cellphone niya kaya hinampas ko siya sa braso.
"Aray!" gulat na sabi niya sabay harap sa akin. "Ano ba ‘yun, tag-araw? Nananakit ka bigla-bigla!"
"Nakakagigil ka ah! Alam mo namang kakarating ko lang, eh!" asar na sabi ko sa kanya.
Umiling siya sa akin bago muling hinarap ang cellphone niya. "He understands na nasa practice ka at you might be also tired from it kaya siguro nagdecide na siyang umuwi."
Napapadyak pa ako bago dinampot ang papel na bigay ni Tadhana sa akin kanina. "Mas matagal pa ‘yung tinakbo ko kaysa sa pakikipag-usap sa kanya."
"Ayos lang ‘yan. Ano ka ba? Malay mo naman sa laban mo naroon ang bebe mo at manood siya," pambobola pa niya sa akin.
I ignored her bago sumulyap sa paligid. There were students who were glancing at our place. May ilan na kapag nahuli ko ang tingin ay binabawi na rin kaagad.
Huminga na lang ako nang malalim bago ako tumayo. Nag-angat naman ng tingin sa akin si George.
"O, saan ka?" takang tanong niya sa akin.
"Hahanap ako ng related literatures about sa report ko."
She raised her eyebrow bago ako tawanan. "Gaga, may google. Doon ka na mag-search. Umuwi na tayo!"
Umiling ako sa kanya. "Hindi! Papatunayan ko sa bebe ko na nag-aral ako sa report ko. Hindi lang ganda at galing sa baton ang kaya kong gawin, noh?" mapanghamon na sabi ko sa kanya.
Umiling lang siya sa akin bago muling binalik ang tingin sa cellphone niya kaya naglakad na ako papunta sa mga shelf. Hinanap ko muna sa OPAC ang subject na kailangan ko para malaman ko kung anong numerical number ang hahanapin ko.
I went to the other side of the general info section. At doon ay hinanap ang libro na kailangan.