Hindi kami nakapagkita ni Aiden that night. Busy siya masyado and I respect that. Si George naman ay ilag pa rin sa akin at ganun din naman ako sa kanya. Ayoko muna siyang kausapin kasi naaalala ko pa rin yung sinabi niya kay Aiden. Ngayon ang unang araw ng show namin. Kabado ako dahil ngayon na lang ulit ako aarte sa harap ng marami. At dahil first show ay talagang nandito ang mga inimbitahan ni Sir Mark na kakilala. We are at the backstage, memorizing some of our lines. Kami pa naman ni Justin ang nasa first act and we have to do our best. I texted Aiden and mayroon siyang ticket for our show. Hindi ko lang alam kung makararating siya. Sabi niya kasi may group study daw sila. "10 minutes!" Sigaw ni Ate J. Mas naaligaga kaming lahat at kinabahan. Alam ko naman na we can pull this out