Nanginginig ang kamay ko pagkahinto namin ni Aiden sa tapat ng bahay nila. Sa isang maliit na subdivision sila nakatira. Yung lupa na tinitirikan ng bahay nila ay sa kamag-anak daw nila. Nagmamadali pa nga akong bumili ng kahit isang simpleng dress kasi pang student ang suot ko! I even insist to bought pizza and doughnuts for them. I can't just come in their house with empty hands! Ito na ata ang unang beses na nanginig ata ako. Kahit sa mga performance sa marching band o play sa Teatro Filipino ay hindi ako nanginig ng ganito! First time! "Tara na." he told me. Nauna siyang bumaba ng jeep pagkatapos ay ako. Mga kapitbahay ang unang nakakita sa aming dalawa. Maliit lang ang subdivision kung saan sila nakatira kumpara sa amin na village talaga. "Mama! Andyan na si Kuya!" narinig kong s