Dei's POV "Dei Marie, wake up!" Nagising ako sa yugyog sa may balikat ko. Nagmulat ako ng mata at nakita si Ice. Gulogulo ang buhok at halatang bagong gising. "Ano ba yun?" hinila ko ang kumot pataas at nagtalukbong. Pero hinila nya yun pababa kaya inis akong naupo. "Ano bang problema mo!" sigaw ko. "Unang araw ng klase" he crosses his arms. Oo nga pala. Tsk! Nakakatamad pang bumangon eh. "Five minutes!" Babalik na sana ako sa paghiga pero sinalo nya yung ulo ko ng kanang palad nya. "The f**k! Male-late tayo!" sigaw nya. "Ayan lang yung university oh!" inis akong tumayo at kinuha ang nakahanger na uniform ko sa closet. "Bilisan mong maligo" sigaw nya pagkasara ko ng pinto. Ang laking istorbo talaga ng lalaking yun. Matapos kong maligo ay si Ice naman. Inayos ko ang gamit ko sa scho