Dei's POV Ilang araw pa ang lumipas at hindi pa ulit kami nagkikita ni Ice. Baka nagback out na sya? Ni text ay wala ren sya. Bukas na ang pasukan. Hindi ko alam kung ready na akong umalis ng bahay ngayon. Ngayon kase ang lipat namin sa dorm. "Yung bilin namin sayo Dei ha. Pag aaral ang unahin mo" kuya Sam. "Oo na kuya" inis kong sabi dahil kanina pa sila paulit ulit. "Bakit ayan lang ang dala mo?" kuya Rick. "Ok na to kuya. Mga mahahalagang bagay lang naman ang dala ko eh" "Gusto mong ihatid ka namin?" "Naku hindi na kuya!" "Ikaw ang bahala. Sige na, umalis ka na at baka gabihin ka pa" sabi ni kuya Mike. Tumango ako at nagpaalam na sa kanila. Hindi ako sanay nang malayo sa mga kuya ko. Nagpara ako ng taxi at pumunta muna sa condo. Kinuha ko lang ang mga gamit na binili ni Ice at