Nag plano siya at ngayon ay tagumpay naman dahil nakita niya kung paano naging masaya si Janessa kahit panandalian lamang. May kaguluhan sa isip at puso niya pero mas piniling isantabi muna ang mga bumabagabag sa kanyang pagkatao. Hindi ngayong araw. Masaya siya dahil sa ilang oras na mag kasama sila ay pakiramdaman niya nakiki-ayon sa kanila ang panahon dahil hindi sila nag babatuhan ng angilan na siyang nakasanayan nila kapag nagkikita sila. In the past month of being silent madami siyang nalaman na nag pa-buwag ng kataohan niya. Simula nang mamatay si Kate ilang buwan na ang makalipas hindi niya sukat akalain na may iniwan itong magiging konektado pa rin sa kanya. May lumukob na konteng kirot sa sestema niya dahil hindi niya ini-expect na bubunga ang ginawa nila noon ni Kate. Maayos sil