“Hi!” May pagkabigla na sambit ng lalaking kasalukuyang nakatayo sa harapan ng kanyang pintuan. Nai-ayos niya basta ang kanyang pagkakatayo dahil tila nataranta siya. Kilala siya nito? Isang tikhim bago niya tinugon ang bati sa kanya ng binata. “H-hello..” Nag aalangan niyang tugon. “I thought it was Kate,” nahihiyang sabi nito. Nag ka ideya siya bigla. Kilala nito ang kaibigan niya. “Nakita ko na bukas ang gate kaya pumasok na ako. Sorry,” segunadang saad ng binata. Nagkamot pa ito sa ulo dahil parang napapahiya pa sa kanya. “Hala, sorry, nakalimutan kong isara. By the way I'm Janessa Faith, Kate's friend.” Hingi niya ng pasensya sabay pakilala. Mukhang mabait naman kaya walang hisitasyon din siyang nag lahad ng kanyang kamay. Walang masama kung makikipag-kaibigan. “Akinn,” sambit ng