“Is he okay?” Pagka-sent ng message niya ay nilapag niya ulit sa table niya ang kanyang cellphone. Umupo siya at tahimik na nakatingin sa bintana kung saan tinatangay ng hangin ang kurtina na nasa bintana. Nakatulala siya habang malayo na nakatingin sa kalawakan. Muling na agaw ang atensyon niya ng tumunog ang kanyang cellphone. “He is okay. Right now, he is calm compared earlier when he was really losing his temper.” Sagot sa kanya at hindi na siya nag abala pang tumipa ulit. Mabigat niyang nilapag ang kanyang cellphone sa lamesa niyang bubog. Sa pagkakataong ito para siyang nanlulumo na parang tamad na tamad ngayong araw kahit wala naman siyang ginawa na dapat ikalambot ng kanyang katawan. Para siyang lalagnatin base sa nararamdaman niya ngayon. Tumayo siya para lumabas ng kanyang li