Kabanata 2

1015 Words
Nagpabaling-baling sa higaan si Lily. Lagi niyang naaalala ang halikang nangyari kanina. Sh-t! Napasulyap siya sa orasan. It's already 11:30PM in the evening. Hindi siya dinadalaw nang antok. Bumalikwas siya nang bangon mula sa kanyang malambot na kama. Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti sa tuwing naaalala ang tagpo kanina. Hinaplos niya ang kanyang pang-ibabang labi. Ngunit ang ngiting iyon ay agad ring napalis. Ilang ulit na ba niyang naririnig kay Micah na palagi nalang napasok sa trouble si Isaac dahil sa babae? Paano nga ba kung biglang tumibok ang puso n'ya sa binata? May magagawa ba siya na ito'y pigilan? Sa tingin niya'y mahirap pigilan kung puso na ang kanyang kalaban. Pero kung gagamitin niya ang utak, baka maisalba pa niya ang sarili na huwag tuluyang magpadala sa damdaming unti-unting pinukaw ni Isaac. Ipinilig na lamang ni Lily ang ulo saka muling humiga sa kanyang kama. Kinuha niya ang throw pillow at niyakap ito. Hanggang sa hilahin na nga siya nang antok. "WALA  KA bang planong ipagpatuloy ang pag-aaral mo?" tanong ni Micah kay Lily habang karga nito si Joshua, samantalang si Mark naman ay binihisan ni Lily. "Hindi ko alam, para kaseng nawalan na ako nang gana," tanging nasabi ni Lily sa kaibigan. "I suggest na ipagpatuloy mo, kung ang gastusin ang iniisip mo, I can handle all those things na kailangan mo," saad ni Micah sa nagulat na dalaga. Lihim na nahihiya si Lily sa kaibigan. Sobrang bait nito, ayaw niya sanang tanggapin pero kailangan rin niyang makatapos sa pag-aaral. Nag-aaral siya dati sa kursong BEED (Bachelor of Elementary Education Major in Preschool Education), dalawang taon na lang ang kulang ay graduated na sana si Lily, kung hindi lang sana namatay ang kanyang ina siguro'y nagtuturo na siya ngayon. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga at napatitig sa nakangiting si Micah. "Alright, kakapalan ko na ang mukha ko, sige na nga tatanggapin ko," nakangiting sagot n'ya sa kaibigan. "Bukas na bukas ay sasabihin ko kay Isaac na ipasa ang mga requirements mo sa Montenegro University College. I'm sorry, Lily pero may lakad kase kami ng kuya Hugo mo at ng mga bata. Alam ko namang kaya mong i-handle ang pang-aasar sa'yo ni Isaac," medyo napangiwi si Micah, alam niyang aso't pusa sina Isaac at Lily, lihim niyang naalala ang kanyang Ate Levi at kuya Mike. "May magagawa pa ba ako? No problem, I can handle that man, basta 'pag sumobra ang pang-aasar niya pasensiyahan na lang kami," ani niya sa kaibigan. Ngumiti lang sa kanya ang kaibigan, hinawakan nito ang isang kamay ni Mark, habang karga naman nito si Joshua, may lakad kase ang mag-kapamilya. Maybe, family bonding. Tinungo ni Lily ang kanyang kwarto at inihanda ang mga dadalhin. Pangarap niyang maging isang guro noon pa man. Pero nawalan lang siya nang gana no'ng namatay ang kanyang pinakamamahal na ina. Since malayo pa ang buwan ng Hunyo hinikayat siya ni Micah na ibigay kay Isaac ang mga requirements niya para ipasa sa Montenegro University College. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyang maihanda ang lahat ay lumabas na siya nang sariling kwarto at muling tinungo ang garden para suriin kong may uod na naman bang kumakain sa mga dahon ng kanyang mga inaalagaang halaman. Napasimangot si Lily nang mapuno na naman ng tuyong dahon ang malawak na hardin. Kumuha siya nang walis at dustpan. Pero bago 'yon, sinuri niya muna ang mga Imperial Garden plants. Lumukot ang mukha ni Lily, inis na inalis niya ang uod. Ngunit nang suriin na niya ang mga Arrowhead Butterfly Plants, napaiktad siya nang may biglang bumulong sa kanyang tenga. "What the!" inis na turan ni Lily at hinarap ang nakangising si Isaac.  Damn it! Ang gwapo nito sa suot nitong gray suit with tie. Halatang pupunta ito nang opisina. Napamaang si Lily sa gwapong lalaki na nasa harapan niya ngayon. Kagalang-galang ang anyo nito. Halatang hindi si Isaac. His disheveled hair perfectly fits his features. His broad shoulders define perfectly. "Staring is rude," nakangising puna ni Isaac sa nakangangang si Lily. Lumapit siya sa dalaga at isinara ang bunganga nito. Namula ang pisngi ni Lily sa ginawang iyon ni Isaac. Para pagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, kunwa'y nag-galit-galitan siya sa harapan ng gwapong si Isaac. Umirap siya at saka muling ibinaling ang atensiyon sa mga halaman. "I'm here to pick you up, remember? Ipinakilala kitang girlfriend kay Febbie, tiyak kong susugod iyon sa distillery, to confirm, and I don't want that to happen," saad ni Isaac at ipinasok ang dalawang kamay sa magkabila nitong bulsa. Inis na napasulyap si Lily sa binata at saka tumayo para muli itong harapin. "At sino na man kase ang may sabing ipakilala mo akong girlfriend? Hindi ba't plano mo lang naman 'yon?" nakapameywang na sagot niya sa binatang halatang nag-eenjoy sa pagtataray n'ya. "But you'd agreed," simpleng sagot ni Isaac sa dalaga. "My answer is no, hinding-hindi ako sasama sa'yo, at 'wag mo na akong pilitin pa," taas-noong turan ni Lily sa nakangiting binata. Sh-t lang, ba't ba ang gwapo ng tukmol na 'to? Mabuti nalang matibay ang garter ng panty niya. "Really? What if kung papipiliin kita ngayon? Hahalikan kita o sasama ka sa'kin?" may panunudyong saad naman ni Isaac at dahan-dahang lumapit sa gulat na gulat na si Lily. Halos magrigodon sa kaba ang puso ni Lilly sa sinabing iyon ni Isaac. Bwesit talaga sa buhay niya ang lalaking 'to. Aba't tinatakot pa talaga siya, pero paano nga ba kung totohanin nga nito ang banta ng tukmol na ito? Aba, alas onse y medya na nga siya nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa halikang naganap no'ng isang araw at dadagdagan na naman nito ngayon? No way! Baka magmukha na siyang zombie. "Hoy lalaking tukmol na pinaglihi sa tsunggo, huwag na 'wag mo kong tatakutin at hindi ako natatakot sa mga pagbabanta mong 'yan!" matapang na sagot ni Lily, halos lumaki na nga ang butas ng kanyang ilong sa inis. "So, you mean, halik ang napili mo?" nakakalokong turan ni Isaac at dahan-dahan siyang lumapit kay Lily. Napaatras si Lily, ramdam niya ang mga paru-parong naglipana sa kanyang tiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD