"Sinong nag-utos sayo na barilin ang girlfriend ko," mahina pero may diing tanong ni Isaac sa lalaking kaharap. Hindi makatingin ng diretso ang naturang suspek sa nagbabagang anyo ni Isaac. Nakaupo sila sa isang parisukat na mesa na gawa sa kahoy at magkaharap. Nakayuko lang ang naturang suspek at pagdakay napaluha. Tila na man naantig si Isaac sa nakita. Damn! Kailangan niyang huwag magpaapekto sa ka-dramahan ng kaharap. Buhay ni Lily ang pinag-uusapan dito. "Patawad, Mr. Montenegro pero totoong hindi ko siya nakikilala. May takip ang mukha ng babae. Bilang hit man, ginawa ko lang ang illegal na trabaho ko para sa anak kong may sakit. Isa po akong ama na kumakapit lamang sa patalim bunga ng kahirapan." Umigting ang panga ni Isaac. F-ck! Paano sila makakuha ng ebidensya? Nag-iisip ng