Matuling lumipas ang ilang taon. Naging maganda ang takbo ng buhay ni Lily kahit ramdam niya sa puso ang labis na pangungulila sa binata. Nasanay siya sa presensiya nito na palagi siya nitong inaasar at pinapatawa. Naging masigasig si Lily sa bawat araw na nagdaan sa kanyang buhay at nag-focus sa goal niya na maging ganap na guro. Nakapagtapos siya ng master's degree, nakapasa sa board-exam at naging top 5. Ngayon, sa awa at tulong ng Dios sa dinami-daming unibersidad na nag-aagawan sa kanya, natuto siyang lumingon sa unibersidad kung saan siya hinubog. Mas pinili niyang magturo sa Montenegro University College. Gustuhin man ni Lily na bumukod, pero hindi pa rin pumayag ang kaibigang si Micah. Papayag lang daw ito kung mag-aasawa na siya. Lihim na napangiti si Lily. Wala pa sa bukabularyo