#HGDChapter15 Party "Wow, you're really gorgeous hija, kaya naman pala nasilo mo ang isang Hurricane Helios." Kimi lang akong ngumiti sa make-up artist na nag-make up sa akin ganoon din sa mga kasama niya na halos tatlong oras na akong inaayusan. Nanlalamig ang kamay na sinuot ko ang biniling kuwintas at hikaw ni Hurricane. This is it. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko hindi ako 'to. "You look perfect." Mula sa pagkakatitig sa salamin ay bumaling ako sa likuran ko at pinigilan kong mapanganga nang makita ang postura ni Hurricane. Fine. Aminado akong guwapo siya. This is not even the first time na nakita ko siyang nakasuot ng suit. So bakit tila isa akong teenager na nakaramdam ng paghanga para sa lalaking nasa harap ko? Ipinilig ko ang ulo ko at naglakad pa