#HGDChapter14 Pretend "I think there's something missing in you," ani Hurricane na nakapalumbaba sa sofa habang mataman akong tinitingnan. Ngali-ngaling ihampas ko sa kanya ang pumps na suot-suot ko. Damn this guy! Hindi ko inaakalang mapapapayag niya ako sa kalokohan niya. Just a week ago nang sinabi ko sa sarili kong mamamatay muna ako bago niya ako mapapayag sa gusto niyang mangyari pero tingnan mo at heto ako sa isang sosyaling boutique, namimili nang isusuot para sa gaganaping party sa Sabado kung saan ipapakilala niya ako sa ama niya bilang girlfriend niya. Isang linggo pa lang akong nagtatrabaho sa kanya pero grabeng stress na ang inabot ko dahil sa rumors na kumalat sa akin-I mean sa amin sa HGOC. Ikaw ba naman ang maging bulung-bulungan sa opis. Iilang kilay ang ninais kong