Chapter 1: Great Love

2357 Words
*Ami's POV* Masigabong palakpak ang sinalubong namin ng mga bisita sa kakatapos lang na Silver Wedding Anniversary ng Mommy at Daddy ko.  Simple lang ang kasal, close relatives lang ang bisita naming lahat. Sa totoo nga niyan ay umuwi pa sila Mommy at Daddy mula sa Australia para lang dito.  Siguro nagtataka kayo kung bakit Australia. Doon na kasi naka-settle ang Family namin. Doon na namin pinili na tumira para naman new environment after ng k********g Issue kay Tita Aileen, seventeen years ago. Ang tagal na pero parang ang fresh ng lahat.  Namatay ang dapat kapatid ko sa accident na dapat si Inigo pero Mommy saved him. Maluwag naman sa amin lahat ang nangyari kasi we know na angel na namin ang kapatid namin na iyon. We may not know his or her personally pero nararamdaman namin ang presence niya everytime. Tsaka kasama naman na niya si Mama Tessie at ang Lolo at Lola ko.  Sa Tagaytay ang kasal nila Mommy at Daddy, isang Garden Wedding, sa totoo nga niyan. Kami lang ni Inigo ang nag-plan ng lahat ng ito. Pinapunta namin sila dito sa Pinas ang sabi kasi namin ay may importanteng kailangan gawin, so bumalik sila dito.  Naka-based na din ang work ni Daddy sa Australia. Once a month ay umuuwi ako doon para makasama sila. Dito kasi ako sa Pilipinas nakatira, dito ako nakabased, 4 years na din ako dito sa Pinas pero parang lagi ako nakakadiscover ng new things sa sarili kong Bansa.  "Ate" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Apple, ang bunso naming kapatid. She's 12 years old. Her full name is Abigayle Meredith. Siya na ang new barbie doll nila Mommy at Daddy. Hindi ako nagseselos sa kanya kasi pinalaki naman kami nila Mommy na naiitindihan ang lahat.  "Ang ganda ni Mommy noh?" nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango ako sa kanya tsaka ko siya inakbayan. Tinignan ko sila Mommy at Daddy na nag-pi-picture taking. Ang ganda nila tignan. Yung love nila sa isa't isa is so pure. Para silang mga teen-agers na sobrang mahal na mahal ang isa't isa.  Nakita ko lahat ng paghihirap sa Mommy at Daddy ko. Nakita ko kung paano malungkot si Daddy ng malagay sa Comatose si Mommy. Nandoon ako sa lahat ng iyon. Nandoon ako noong muntik na siya mapatay n i Tito Dionne dahil sa selos. Oo, bata pa ako that time pero nakwento lahat sa akin iyon.  And now... They are living and spending their Happy Ever After. Sabi nga ni Vice Ganda, walang Ending dapat ang Happiness. At iyon ang nakikita ko kila Mommy at Daddy. Hindi nila kaya na wala ang isa sa kanila. yung tipong papasok lang si Mommy sa bathroom kailangan alam ni Daddy.  "Family naman po!" tawag ng photographer.  "Tara, Ate" hinawakan ni Apple ang kamay ko. Lumapit kami sa Altar. Nakangiti sila Mommy at Daddy sa amin. Ako nga pala ang nag-design ng damit ni Mommy. Simpleng white dress na halter lang iyon pero hindi mababawasan ang ganda ni Mommy. Mint Green ang theme ng kasal nila Mommy at Daddy. Si Tita Aileen ang Matron of Honor at masaya na ngayon kay Tito James. Meron na silang tatlong anak: Si Isha, si James Matthew at si Kendrick Joseph. Yup. Only girl si Isha kaya lahat ng gusto niya ay nasusunod.  Pumuwesto kami sa Altar. Katabi ko si Mommy, nakaakbay siya sa akin. Si Apple naman ang nasa ibaba ko. Katabi naman ni Daddy si Inigo Gabriel (kasama din nila Daddy at Mommy si Inigo sa Australia.  Siya ang VP for Finance ng Sebastian Group of Company) tapos si Darren Miguel (sixteen years old naman si Darren at nag-aaral ngayon sa Australia) Ngumiti kami sa Camera matapos kaming sabihan ng gagawin namin.  Tapos ay kasama naman sila Tita ang sumunod na picture. Masaya ang lahat. Masayang-masaya kami sa nangyayari ngayon.  Ngayon, masaya ako.  Sa susunod na araw, alam kong mag-iiba na ang lahat at parang hindi pa ako handa doon.  Huminga ako ng malalim dahil reception na ang next namin.  Dumiretso kami sa Lounge ng Tagaytay Highlands kung saan namin i-sinet-up ang kasal nila Mommy at Daddy. Over looking pa din ang Taal Lake. Paborito kasi nila Mommy at Daddy ang Tagaytay.  Nagsimula ang munting program. Si Isha ang emcee at si Darren. Isa na kasing Journalist si Isha pero hindi siya masyado nag-fi-field kasi hindi siya pinayagan ni Tito James kaya ang nangyari ay naging Host siya ng iba't ibang shows na sikat sa Singapore. Doon na din sila nakatira. Sikat si Isha doon at talagang hinahabol siya ng mga lalaki.  Nasa gitna sila Mommy at Daddy at nakangiti habang pinapakinggan ang sinasabi ng mga emcee, "And now, may we call on Ate Ami to give some words to our lovers here" sabi ni Isha. Nagulat pa ako kasi hindi naman ako dapat magsasalita. Hindi ako mahilig sa crowd. Ayoko nga ng big crowd kahit sabihin na close relatives and friends lang ang nandito.  "Go Ate!" narinig kong sigaw ni Daddy. Pumalakpak pa ito. Naramdaman ko din ang pagtulak ni Inigo at Apple sa akin.  "Speech, Ate" nakangisi na sabi sa akin ni Inigo. Tinignan ko lang siya ng masama pero tinawanan lang niya ako. TUmayo na ako kasi ayoko din naman gumawa ng eksena.  HUminga ako ng malalim ng inabot ko ang microphone.  "T..thank you" "Don't get nervous, Princess" ngumiti na lang ako kay mommy tsaka inisip ang dapat sabihin sa kanila.  Tumikhim muna ako bago humarap sa kanila "Tatay, Nanay..." ngumisi silang dalawa "..it's been so long since natawag ko po kayo ng ganyan pero kahit ano po ang tawag ko sa inyo or ano man po ang matawag namin sa inyo ng mga kapatid ko ay mahal na mahal po namin kayo...At sobra po kaming masaya and blessed na kayo po ang naging magulang namin dahil alam po namin na ginawa niyo po ang lahat para sa amin kaya you deserve what you both have po." ngumiti ako sa kanila. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Great Love. Sana may ganyan din ako, sana magkaroon din ako ng ganyan pero alam kong mula ng makita ako ang lalaking iyon. Kahit kailan, hindi na ako magkakaroon ng Great Love sa ibang tao. "..thank you for loving us, loving us unconditionally. Tried and Tested na po ang love story niyo, Daddy and Mommy. Mahal na mahal po namin kayo. At alam ko pong wala ng kawala ang bawat isa sa inyo. Ilang years na din po yan" tumawa ako. LUmapit ako sa kanila pagkatapos kong ibigay ang microphone kay Darren.  Yumakap ako kay Mommy at Daddy "I love you so much, Mommy" humalik ako kay Mommy "I love you so much, Daddy" humalik din ako kay daddy.  Alam kong kahit dalaga na ako, I will always be their Princess. One of the Two.  Bumalik ako sa upuan ko "Andaya. kayo din" sabi ko kay Apple at Inigo. Nagkibit-balikat lang si Inigo  "Sorry Ate, usapan yan. Ikaw ang matanda kaya ikaw ang representative nating apat" humarap ito kay Apple at kinurot sa pisngi ang kapatid namin. Tinignan ng masama ni Apple si Inigo.  "Ate, si Kuya oh" nag-pout ito. Tinawanan ko lang si Apple.  Nagsimula na din ang ilan pang part ng program. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko ang nag-text Trixie: Sis, nandito na kami ni Troy Lumingon ako sa paligid nang mareceive ko ang text nila. Kinakabahan ako kasi makikita ko na naman SIYA. Parang noong isang linggo lang ay kasama ko siya, ngayon, makikita ko na naman siya.  Nakita agad ng mata ko si Achilles o Troy. Troy Achilles. Ako nga lang ang tumatawag sa kanya na Achilles kasi ang common ng Troy kapag nakipagsabayan pa ako sa iba na iyon ang itawag sa kanya. Ang gwapo niya kahit simpleng grey v-nceck shirt na pinatungan lang niya ng leather jacket na itim. Naka-faded blue jeans siya at nakashades,. Ang gwapo niya. Pero hindi siya magiging akin...kasi naka-set na ang kasal nila ng best friend ko na si Trixie.  Yup, I'm inlove with my Best friend's Fiancee. Mabait kasi si Achilles. Iniligtas niya ako noon kasi dapat mababangga ako pero iniligtas niya ako. Since then, nagustuhan ko na siya lalo na at AKO ang kasama niya sa pag-aayos ng wedding nila ni Trixie., Parang ako nga ang magiging wife niya kasi lahat ng decision ay iniiwan niya sa akin.  Si Trixie kasi ay anging busy ng hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Nang makita nila ako ay lumapit sila at humalik sa pisngi ko si Trixie.  Tumabi sila sa akin. Ang higpit ng hawak ni Troy sa kanya. Paano ba naman ay mahal na mahal ito ni Troy. "Now let's hear something from our lovers" tumingin ako kay Darren ng inabot niya ang mic kay Mommy at Daddy.  "Thank you, son"  nakangiti si Daddy at tumayo. Inalalayan niya si Mommy "Gusto lang namin magpasalamat, una sa lahat sa Panginoon dahil sa 25 years na ito. And every minute of those years ay mas minmahal ko ang babaeng ito" ngumiti si Daddy at hinawakan ang kamay ni Mommy. Marami namang kinilig sa sinabi ni Daddy "..I'm being corny. hehe. And second, thank you to my kids: Ami, Inigo, Darren and Apple. And to my two unborn childrens who are now Angels. I love you all. To my tangible Angels, I love you, my kids. Thank you for this surprise. We are not really expecting this but..you gave it.  To my sister, Maggie and my brother-in-law s***h bestfriend-in-crime, Jera. Thank you for being here. I know na masyadong hectic ang buhay niyo sa Hollywood but you came here. And to my parents who are our inspiration of this love that my wife and I have, thank you. And to those who came today, James and Aileen, thank you and to every one, thank you for being part of our day and to my Wife.." tumingin si Daddy kay Mommy "..I love you so much." hinalikan ni Daddy si Mommy sa noo Pumalakpak ang mga tao sa sinabi ni Daddy, now si Mommy naman ang nagsalita "Una sa lahat ay salamat dahil nandito kayo para maging part ng another journey namin ni Rafael. Sa mga anak ko, Anastacia, Inigo, Darren and Abigayle. Salamat mga anak kasi nandyan kayo lagi para sa amin ng Daddy niyo. Aileen..." luminga si mommy at hinanap si Tita Aileen, Kumaway si Tita ..thank you sa inyo ni James. Sa mga Pamangkin ko, Isabelle, Matthew, Kendrick (Tita Aileen's kids) Kristoff, Margarret and Gertrude (Tita Maggie and Tito Jera's kids) thank you. Sa lahat nga nandito. Marami pong salamat sa inyo. Maraming salamat sa oras na ibinigay niyo sa amin ng mahal ko." tumingin si Mommy kay Daddy "Sebastian, My great Sebastian, thank you and I love you so much" humalik si Mommy kay Daddy sa pisngi.  Pumalakpak ang mga tao sa sinabi nila. Nagpatuloy ang program hanggang sa hagisan ng bouquet at ang bridal garter.  "May we request our males, single or not to stay here in front to catch the bridal garter to be thrown by Tito Raf" naglakad ang mga lalaki sa gitna. "Hon, join them" narinig kong sabi ni Trixie. Lumingon ako sa kanila. Nakita kong umiling si Troy "Pretty, please" nag-puppy eyes si  Trixie sa kanya.  "Fine. But make sure that you'll be the one who'll catch the flowers. 'Kay?" ngumiti si Achilles at lumakad sa gitna.  Nakakainggit silang dalawa. Sana ako na lang si Trixie. Nagsimula na ang pagtanggal ni Daddy ng garter kay mommy at tumatawa itong tumalikod.  "Okay, let's start. One! Two! Three!" binato ni Daddy ang garter at saktong nag-landing iyon kay Achilles. Pumalakpak naman ang mga bisita.  "Oh!" lumapit si Isha sa kanya "Your name, Mr.." "Troy" "Troy.." ngumiti si Isha at hinanap ang mata ko. Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. Alam kasi ni Isha. Alam na alam niya. "So let's find out if who's the lucky girl naman! Single ladies and not, please, here in front naman" Tumayo ang lahat "Come on, let's join them, Ami" hinila ako ni Trixie. Pumuwesto kami sa gitna. Tinignan ako ni Mommy at ngumiti siya sa akin, gumanti ako ng ngiti sa kanya  "Get ready, girls. One! Two! Three!"  Binato ni Mommy ang flower. Wala akong balak na saluhin iyon kasi nakita ko si Trixie na inaabot iyon kaya hinayaan ko na lang siya pero malas, nang tinaas ko ang kamay ko para sana ayusin ang buhok ko ay bumagsak sa akin ang bulaklak.  Tumapat sa akin ang spot light. Nakita ko ang pag-ngisi ni mommy at ni Isha. Lumingon naman ako kay Trixie. Ngumiti siya sa akin at hinampas ako  sa braso "Go girl! " tumakbong bumalik ito sa upuan. Naiwan ako sa gitna "So our lucky girl is none other than but Ate Ami" pumalakpak si Darren at narinig ko ang pito ng mga tao. Ngumisi lang si Achilles at humakbang papalapit sa akin. He offered his hands, tinignan ko lang iyon.  "Come" I reluclantly accepted his hands. He held it and we walked towards the stage. Naghanda si Daddy ng upuan doon.  Umupo ako sa gitna. Achilles kneeled infront of me. Nag-angat ako ng tingin, kinukuhaan kami ng pictures ng mag ito.  My love, here I stand before you... Shet! Bakit favorite song ko pa? Tinignan ko ng masama s Darren. Tumawa si Darren sa akin.  I'am yours now from this moment on Take my hand, only you can stop me shaking We'll share forever, this I promise you Naramdaman ko ang paghawak ni Achilles sa paa ko. Tinanggal niya ang suot kong stiletto at isinuot sa akin ang garter ni Mommy. Umabot iyon hanggang sa may hita ko. Namula ako dahil kinakantyawan kami ng tao ng HIGHER. Tumawa lang si Achilles at inalalayan akong tumayo.  "Everyone! Our lucky couple here!" pumalakpak ang mga bisita Naramdaman ko ang kamay ni Achilles sa bewang ko tsaka siya lumapit sa akin at bumulong sa tenga ko "Glad that you're my fiancee's best friend. No awkward moments"  BEST FRIEND. Yup, best friend lang ako. At iyon ang nakakalungkot sa lahat.  Huminga ako ng malalim. Mali ang nararamdaman ko sa kanya.  **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD