Kasal na ng taong lihim kong minahal..teka. Ilang taon na ba?
Ah since noong iligtas niya ako kasi muntik na akong maaksidente. Hindi kami close pero naiinlove ako sa kanya lalo na at ang bait niya kay Trixie na best friend ko.
Ilang weeks na lang at kasal na nilang dalawa.
Nakakalungkot isipin na mawawala na siya sa akin. Pero hindi naman siya naging akin, in the first place.
Napapansin lang pala niya ako kapag wala si Trixie. Ang stupid din ng taong ito dahil ako ang kasama niya lalo na kapag mag-isa siya sa pag-aayos ng mga kailangan sa kasal nila.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang huling details ng ilalagay ko sa gown ni Trixie. Yeah, ako ang dakilang taga-design ng gown ng kaibigan ko. Ang gown na isusuot niya sa kasal nila ng taong mahal ko.
Weird ba?
Ganoon talaga eh. Minahal ko yung maling tao.
Minahal ko yung mahal ng best friend ko.
Oo nga pala. Ako si Anastacia Mikaella Sebastian "Ami" na lang para mas maiksi.
At ang taong mahal ko ay walang iba kundi si Troy Achilles Montevera.
**