*Ami's POV* Kanina pa ako inaayusan sa kwarto namin ni Achilles sa malaking bahay nial dito sa Corinthian. Birthday kasi ni Theseues pero parang hindi siya masaya. Kanina pa niya hawak ang cellphone niya at kausap ang girlfriend niya. Mukhang may tampuhan ang dalawa at sinusuyo naman siya ni Theseus "Ang ganda-ganda mo, Ma'am. Kahit light lang po ang make-up mo ay sure na mangingibabaw ka this night!" nakangiting sabi sa akin ng sikat na make up artist na nag-aayos sa akin ngayon. "Salamat" simpleng sagot ko lang. Nilagyan niya ako ng pink lipstick tsaka niya inayos ang buhok ko. Big curl lang ang inilagay niya sa buhok ko. Mamayang 8 P.M pa naman ang party pero inayusan na ako ng 6pm at 7:30 na. Hindi ko pa din nakikita si Achilles. Kanina pa siya wala. Ayoko naman tawagan mamaya sa