*Ami's POV* Malayo ang pagitan namin ni Achilles. Naglalakad siya ng mabilis sa harapan ko samantalang ako naman ang nasa likuran niya at sumusunod lang sa kanya. Ano ba ang ginagawa namin sa Ospital. Ni wala man lang pasabi na pupunta kami dito, oo, may sinabi siyang aalis kami pero hindi ko naman alam na dito sa Ospital. Teka. nandito ba si Trixie? Magkikita na ba sila ulit na dalawa? Huminga ako ng malalim bago ko iniyuko ang ulo ko at naglakad nang hindi nakatingin sa daan. Hindi ko naman kasi alam kung ano na ba talaga ang dapat kong ikilos kapag kaharap siya. Tipong Bipolar. Nakakainis na din kasi minsan eh. Kung tutuusin talaga. Napakaswerte ni Trixie dahil may isang lalaki na sobra ang pagmamahal sa kanya. Yung tipong kahit langit ay ibibigay sa kanya. Eh tanga lang talaga an