Chapter 3: Mapait na Pagbangon

2054 Words
Chapter 3: Mapait na Pagbangon "Itay..." muling bumisita si Lorena sa puntod ng kanyang ama mahigit isang buwan mula noong ilayo sa kanyang piling ang anak. "Bakit ganyan ka? Hindi mo man lang sinabi sa akin na anak ako sa labas. Hindi mo man lang ako pinakilala sa tunay kong ina. Napakarami palang lihim ng buhay ko. Napakaraming kasinungalingan." Emosyonal siya ngunit walang luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Naubos na ang mga iyon.  "Hindi ako nandito para sumbatan ka itay. Nandito ako upang patawarin niyo ako. Patawarin sa mga naging kasalanan ko. Lumandi ako kaagad. Hindi ako naging mabuting anak kaya namatay ka at ina kaya nawalay sa akin ang anak ko. Naging tanga ako. Naging mahina sa tukso. Humihingi rin po ako ng pagpapatawad para sa mga kasalanang gagawin ko palang. Gagawin ko ang lahat para mabuhay itay. BABAWIIN KO ANG ANAK KO. Wala akong hindi kayang gawin para sa kanya. Hindi siya matutulad sa akin na walang kagigisnang ina na magmamahal sa kanya ng buong puso. AT MAGHIHIGANTI AKO. Maghihiganti ako kina inay at ate. Maghihiganti ako sa pamilya ni Ruben. Magbabayad silang lahat. Lintik lang ang walang ganti. Luluhod sila sa harapan ko. Magmula ngayon mabubuhay ako at baka makagawa ng mga bagay na taliwas sa utos niyo at ng Diyos. Ihingi niyo nalang din po ako ng tawad sa Kanya." Kaagad umalis si Lorena sa sementeryo. Nakatira siya sa Hermosa, Bataan. Nangungupahan siya roon. Maraming bahay-aliwan sa lugar. Mabigat man sa loob ay pumasok siyang GRO. Hindi na siya nakabalik pa sa pag-aaral. Walang dating kaanak ang nais tumulong sa kanya utos na rin ng kanyang inay. Habang nasa aliwan ay hindi PA siya nagbebenta ng laman. Sumasayaw lang siya ng sexy at kumakausap sa mga guest ng bar. Pero hindi siya sumasama sa mga lalaki upang makipagtalik.  "Hoy Lorena! Ano'ng drama mo? Bakit hindi ka sumama sa mga lalaki? Lalo na dun sa matatanda? Malaking magbayad ang mga yon! Hindi ka makakaipon ng malaking pera kung sasayaw ka lang at makikipagbolahan sa kanila!" Komento ng isa niyang kasamahang babae sa aliwan. Napaisip siya. Ngunit nangibabaw pa rin ang pagkadala niya kay Ruben. "Salamat nalang sa payo mo pero hindi pa ako handang makipagtalik sa mga lalaki. Lalo na rito. Kung yung lalaki ngang minahal at pinagkatiwalaan ko nagkaganito ako paano pa kaya sa lalaking hindi ko naman gusto." Tugon niya. "Wow! Ibang klase rin ang ere mo ah! Sa tingin mo malinis ka nyan?! Kaya ka pumasok dito kasi marumi ka rin! Tinatapon ka rin ng lipunan! Wag kang magmalinis Lorena! Hindi porket ikaw ang pinakamaganda, pinakamakinis at pinakabata dito ay santa ka na!" Tila hindi naman nito nagustuhan ang sagot niya.  "Tama na! Lika na girl! Wag mo nang patulan yan. Bibigay din yan kapag nagugutom na. Gutom na ang tiyan at ang p**e. Hahaha!" Pag-awat naman ng isa pang babae.  "Hoy! Ano yang pinagsasabi niyo sa bestfriend ko ah?! Mga walang hiyang p****k 'to!" Bigla namang dumating si Betty. Madalas siyang dalawin nito bago umuwi galing sa eskwela. Sakto naman kapag dumadating ito ay alas sais palang ng gabi. Wala pang masyadong parokyano.  "Betty! Bets tama na yan! Wag mo na silang patulan!" Pagpigil naman niya rito.  "Inaano ka Lors. Ayos ka lang ba?" Tanong nito. "Oo naman no. Fighter yata ang bestfriend mo. Wala na akong susukuan." Huminga siya ng malalim. "Isa pa tama naman sila. Wala akong maiipon kung di ako magbebenta ng katawan ko." "Lors..." "Pero wag kang mag-alala Bets. Di ko pa talaga kaya." Habang nag-uusap sila ay may mga lalaking dumating. Apat ang mga ito. Tila mga bata pa, nasa edad bente singko at hindi regular customer ng lugar. Nakuha ang kanyang atensyon ng isa sa kanila. Isang lalaking matangkad. Moreno. Maskulado ang pangangatawan. Gwapo rin ito. Nakatingin ito sa kanya ngunit hindi mapang-akit na titig. Kakaiba. Hindi niya maipaliwanag. "Hoy Lors!" Bumalik ang atensyon niya kay Betty. "Makatitig ka dun sa hot na yun wagas ah. Hindi ko naman in-expect na may bata rin pala kayong customer. At gwapo ah. Sayo na yung katitigan mo. Akin na yung tatlo niyang kasama." Biro nito.  "So gusto mo na ring mag-GRO? Ano di ka na ga-graduate?" Sarkastiko niyang tanong. "Joke lang naman Lors!" "Pero bago nga lang yang mga yan. Baka magkakabarkadang natripang pumunta sa ganitong lugar."  Nang lumalim ang gabi ay nagpaalam na si Betty. Nagsimula na ring mag-entertain ng mga lalaki si Lorena. Nasa isang sulok grupo ng lalaking nakakuha ng kanyang atensyon. Wala pa ring tigil ang pagtingin nito sa kanya. May naisip siyang plano.  "Aakitin ko siya. Baka matulungan niya ako." Bulong niya sa sarili. Saka siya nag-focus sa pagsayaw at sa lalaki na rin siya palaging nakatingin. Binigyan niya ito ng mga mapang-akit na pagsulyap. Hindi naman siya nabigo. Siya ang request nito. Pero imbes na sa loob ng aliwan kasama ang mga kabarkada nito ay sa labas sila nag-usap. Silang dalawa lang. "I'm Lorena." Inabot niya ang kamay dito.  "J-joaquin." Nauutal na tugon naman ng lalaki saka naiilang na inabot ang kamay sa kanya.  "Nice to meet you Joaquin. Gusto ko lang malaman mo na hindi ako sumasama sa lalaki. Sulitin mo na ang inuman at kwentuhan natin. Hanggang sa ganito lang ako." Pinrangka niya kaagad ito. "A-alam ko. Nang makita palang kita kanina naramdaman ko ng iba ka sa mga babaeng narito." Tugon nito habang hindi makatingin ng diretso sa kanya. "Wow ah! May powers ka ba para masabi yan?" Pagkontra niya. "W-wala. Pero nakita ko sa mga mata mo ang lungkot. Nakita ko sa mga mata mo na mabuti kang babae." Nahihiya ito. Hindi bagay sa laki nitong tao. "Hahaha! Nakakatawa ka! Nanay mo ba si Madame Auring? Hindi niyo bagay na mga lalaki yung ganyan. Shy type. Soft spoken. Hindi kayo ganyan. Be yourself Joaquin." Pagtataray niya. "Pero ganito talaga ako lalo na k-kapag nasa harap ako ng isang magandang babae na g-gusto ko." Lalo pa itong nautal at hindi na napirmi ang mga mata. Napatitig nalang siya rito. Hindi ganoon si Ruben noong magtapat sa kanya ng pagtingin. Marami na siyang nakilalang lalaki sa bar. Iba-iba ang paraan ng mga ito sa pambobola. Pero kakaiba itong si Joaquin. She felt sincerity from him. Gayunpaman ay hindi siya magpapadala rito. Wala sa plano niya ang muling mahulog sa kahit na sinong lalaki.  "Cheers sa pagkakagusto mo sa akin!" Itinaas niya ang hawak na beer. She played it cool sa rebelasyon ng lalaki. Naging mahaba ang kwentuhan nila nang gabing iyon. Nalaman niyang sa tatlong kasama nito ang dalawa ay kaibigan nito at ang isa ay nakatatanda nitong kapatid. Nagkayayaan lang daw dahil kaarawan ng isa. Twenty six na ito at nagtatrabaho bilang factory worker sa Maynila. Every weekend ito umuuwi ng Bataan.  "Tol tara na!" Lumabas na ang mga kasama nito. Inaya si Joaquin ng isa. Lasing na ito at iba na ang tingin sa kanya lalo na sa legs niya. "Mukhang naka-jackpot ka rito ah." "Tara na kuya. Wag mo siyang bastusin please." Pinauna ni Joaquin ang mga kasama bago muling binalik ang atensyon sa kanya. "T-thank you ulit Lorena. S-sana maniwala ka nang sinabi kong gusto kita. L-love at first sight yata ang nangyari. See you ulit." Saka ito mabilis na umalis. Nabunggo pa ito sa kasunod na lamesa. "Iba rin yung lalaki yun." Napailing siya. "Love at first sight? Totoo pa ba yun sa ngayon? Mga lalaki nga naman. Hindi nauubusan ng pakulo." Malaki ang binigay na tip sa kanya ng lalaki. Tulad ng iba niyang mga naging kliyente ay mabilis niya itong kinalimutan. Ngunit makalipas ang isang linggo ay muli itong nagpunta sa bar. Mag-isa nalang. "Ikaw?" Tanong niya. "A-ako nga. L-lagi kitang dadalawin dito kapag weekend. O-okay lang ba?" Gentleman si Joaquin. Kahit minsan ay hindi niya naramdamang binastos siya nito. She found herself enjoying his company. Sa paglipas ng mga buwan at maging taon ay naging consistent ang lalaki sa pagbisita sa kanya. Pinapadalhan din siya nito ng pera. Hindi siya nabigo sa paggamit dito. Still, she considered him as a friend already. Kaibigan nga lang. Apat na taon ang mabilis na lumipas.  "Congrats Bets! Naka-graduate ka na at mamaya luluwas ka na ng Maynila para magtrabaho." Pilit na ngiti ang binigay niya rito. Pangarap niya rin kasing makatapos ng pag-aaral at makahanap ng matinong trabaho.  "Thank you Lors! Excited na akong magtrabaho sa Asian Primera Hotel. Korean daw ang may-ari non. Alam mo naman medyo naadik ako sa mga KDrama kaya na-excite ako. Sana makilala ko rin yung may-ari." Saad ng kaibigan. Kinuha nito ang kanyang mga kamay. "Ikaw ba? Ano ng plano mo? Ilang taon ka ng nagtatrabaho sa bar ah. Wala ka pang sapat na ipon?" "Sa tingin ko hindi pa rin sapat ang pera ko. Wala pa ring laban yun kina Ruben. Kahit siguro pamasahe pa ibang bansa para makuha ang anak ko ay hindi pa rin kakasya. Pero may plano na ako." She paused. "Inaya na ako ni Joaquin na sumama sa kanya. Siguro ngayon ready na ako. Ilang taon na rin. Kung ibibigay ko man ang katawan ko sa lalaking tulad na ni Joaquin." "Naku! Si Joaquin na naman. Ang kawawang si Joaquin. Gamit na gamit. Sasama ka na sa kanya? Para maging asawa niya ganon? Mahal mo na ba?" Binitawan siya nito. "Hindi ko siya mahal. Gusto ko lang siya. Hanggang ngayon nga kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya eh. Pero handa akong maging asawa niya. Alam niya ang mga plano ko at handa niya akong tulungan. Handa na akong ibigay muli ang sarili ko sa isang lalaki. Kung iyon ang paraan upang makuha ko ang anak ko." Napatingin siya sa malayo. "Kawawa talaga yung lalaki sayo Lors. Hindi ka man lang na-fall? Todo effort yun sayo ah!"  "At least kahit kaibigan lang ang tingin ko sa kanya handa pa rin akong pakasalan siya." She blankly replied. Tuluyan na ngang umalis si Lorena sa bahay-aliwan upang sumama kay Joaquin. Nagsama na muna sila habang nag-iipon ng pampakasal kahit sa huwes lang muna. Sakto lang din ang pamumuhay ng lalaki. Factory worker lang ito ngunit talaga namang masipag at matiyaga. Pinapakain pa nito ang nakatatandang kapatid na si Julio. Isang lasinggero at palamunin. Wala ng magulang ang mga ito. Para makatulong siya ay nagbukas siya ng maliit na sari-sari store. "Lorena!" Tawag sa kanya ni Julio. Silang dalawa lang sa bahay. Hindi kaagad nakauwi nang weekend na iyon si Joaquin. "Kuya? Bakit po?" Tanong niya. "Halika nga muna rito." "Kuya baka kasi may bumili eh." Tugon niya. Iniiwasan niya rin ito dahil lasing na naman. Tanghaling tapat pero nakainom na naman ito.  "Lorena! Kapag sinabi kong halika rito! Pumunta ka kaagad! Palamunin ka rin naman dito ah! Anong pinagmamalaki mo?! Akala mo ba hindi ko alam na ginagamit mo lang ang kapatid ko!" Kung anu-ano na ang lumabas sa bibig nito. Napilitan na tuloy siyang lumapit dito. "K-kuya anong ibig sabihin nito?" Napatakip siya ng bibig. Dinatnan niya itong nakahubad at pinaglalaruan ang ari. "Di ba doon ka sa bar nagtatrabaho? Baka pwedeng magpalipas oras muna tayo Lorena. Please naman oh." Saad nito sa bastos na tono. "Kahit minsan hindi ako nakipagtalik sa kahit na sinong lalaki sa bar na 'yon!" Saka siya tumalikod at akmang babalik sa tindahan. Ngunit tumayo ito at dagli siyang hinigit. "Aaaah! Kuya ano ba!"  "Tama nga ang sabi nila sayo! Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo! Kung ang kapatid ko nauuto mo! Ibahin mo ako!" Pinaghahalikan siya nito sa kanyang leeg. Pilit niyang iniwasan ang lahat ng iyon pero masyadong itong malakas. Naging mapusok din ang mga kamay nito. Agad nitong nasira ang suot niyang damit hanggang sa nakatambad na ang kanyang bra.  "Tama na Kuya Julio!" Inipon niya ang kanyang lakas saka ito sinipa sa ari nito. Ngunit tila wala lang ito sa lalaki na lango sa alak. Walang anu-ano ay sinuntok siya nito sa sikmura. Namalipit siya sa sakit. "Tulong! Tulong!" Pilit siyang sumigaw.  Nilagyan nito ng busal ang kanyang bibig. Habang nanghihina siya ay saka nito hinubad ang suot niyang shorts. Sinunod nito ang kanyang bra at panty.  "Sa wakas matitikman na kita Lorena!" Para itong halimaw. Si Ruben ang naalala niya rito. Pilit pa rin siyang lumaban ngunit ilang beses siya nitong sinuntok. Hanggang sa nagawa na nga siya nitong pagsamantalahan.  "Hayup ka... hayup kayong mga lalaki."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD