Chapter 2: Ang mga Pagdurusa

1635 Words
Chapter 2: Ang mga Pagdurusa "Ate Minerva! Ate Minerva parang awa mo na ate! Wag mo na munang sabihin kina inay at itay! Sasabibin ko na muna kay Ruben para mapamanhikan siya sa atin!" Pakiusap ni Lorena sa kanyang nakatatandang kapatid nang sabihin niya rito ang resulta ng kanyang pregnancy test kit. "Hindi Lorena! Pagdating na pagdating nila galing sa bukid ay sasabihin natin ang kapabayaan mong ito! Sinabihan na kita hindi ba? Wag mo nang dagdagan pa ang problema nila inay at itay! Ga-graduate palang ako! Pero anong ginawa mo? Lumandi ka kaagad! Hindi mo napirme ang p**e mo sa pangangati! Nagpabuntis ka pa!" Tugon ng kanyang ate. "A-ano? Buntis ka Lorena?" Natahimik silang magkapatid nang makitang naroon na pala ang kanilang mga magulang.  "Inay... Itay... patawarin po ninyo ako. Patawad po inay, itay..." baldeng luha ang sumunod na lumabas sa kanyang mga mata. Labis na pagsisisi ang nararamdaman niya. Nahihiya rin siya. Nalulungkot. Natatakot. "Walang hiya ka Lorena!" Agad na lumapit ang kanyang ina upang sampalin at sabunutan siya. Dali-dali namang umawat ang kanyang ama. "Napakalandi mong babae ka! Lumayas ka! Layas!" "Inay wag naman po. Inay! Sigurado po akong pananagutan ako ni Ruben! Hindi niya po ako pababayaan!" Pakiusap niya sa ina. "Ruben pala ang pangalan ng walang hiyang lalaki! Doon ka sa ama ng batang yan! Hindi mo pwedeng sirain ang mga pangarap ko para kay Minerva! Umalis ka! Layas!" "Memang wag mong palayasin ang anak ko! Hindi ako papayag!" Pagpigil naman ng kanyang ama.  "Lando! Sisirain ng anak mo sa labas ang buhay ni Minerva! Nagmana ang babaeng yan sa nanay niya. Nagmana ang anak mo sa naging kabit mo!" Bulalas ng kanyang ina.  Natigalgal si Lorena. Hindi niya alam ang bagay na iyon. Anak pala siya sa labas ng kanyang ama. Doon niya napagtanto kung bakit hindi siya nagawang mahalin ng kinagisnan niyang ina.  "K-kaya ho pala si itay lang ang nagmamahal sa akin. Kaya ho pala siya lang ang lumalaban para sa akin. Kasi siya lang ang magulang ko." "Oo Lorena! Ngayong alam mo na! Layas! Lumayas ka sa bahay ko!" Saka siya kinaladkad palabas ng kanyang ina. "Tumigil ka na Memang! Wag mong sasaktan ang a-anak ko.." saka humawak sa dibdib ang kanyang ama. Tila nahihirapan itong huminga. Hanggang sa bigla na lamang itong nahimatay. Dali-dali nila itong sinugod sa ospital ngunit huli na ang lahat. Pumanaw na ito dahil sa atake sa puso. Pagkauwi ng labi ng kanyang ama ay hinarang siya kaagad ni Memang. "Minerva! Dalian mo! Dalhin mo rito lahat ng gamit ni Lorena!" Mula sa loob ay lumabas si Minerva na bitbit ang dalawang bag na naglalaman ng kanyang mga gamit. "Ayan! Nandyan na lahat ng damit at iba mo pang gamit. Nilagyan na rin namn yan ng pera." Hinagis ito sa kanya ng kanyang ate. Pinagtitinginan sila ng mga taong nakikiramay sa kanyang ama. "Inay. Ate. Wag niyo naman po sana itong gawin sa akin. Aalis po ako pero sana pagkalibing na ni itay. Parang awa niyo na po. Parang awa niyo na poooo..." pagtangis niya. "Hindi Lorena! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Lando! Wala kang karapatan sa tatay mo!" Lumuhod siya sa mga ito ngunit hindi siya pinagbigyan. "Pwede ko po bang malaman kung sino nalang ang tunay kong ina?" Bigla niyang naisip ang bagay na iyon. "Kinalimutan ko na ang pangalan ng ina mo. Ang itsura niya lang ang hindi ko makalimutan dahil kamukha mo siya! Muntik na kaming masira ni Lando dahil sa kanya. Pero ikaw na anak nila ang siya rin palang sisira sa pamilyang ito! Layas Lorena! Wag na wag ka nang babalik! Wag na wag ka nang magpakita sa amin!" Inalala ni Lorena ang bata sa kanyang sinapupunan. Baka mapahamak pa ito kung magpumilit siya. Kaya masakit man sa kanyang loob ay lumisan siya. Dumalaw nalang siya sa puntod ng kanyang ama noong nalibing na ito. Pansamantala siyang nakitira sa kamag-aral at kaibigang si Betty. "Lors alam kong sobrang dami ng mga pinagdadaanan mo ngayon ah. Pero kasi..." napakamot ito sa ulo. "Alam mo naman mahirap lang din kami. Sampu kaming magkakapatid Lors di ba? Hindi ka namin kayang pakainin ng matagal na panahon. Gustuhin ko man pero kasi pinapaalis ka na nila nanay eh. Sorry talaga. Wala akong kwentang kaibigan." "Wag kang mag-sorry Bets. Naiintindihan ko. Thank you sa pagpapatuloy niyo sa akin ah. Salamat talaga." Saka sila nagyakap na magkaibigan. Umalis ito sa pagkakayapos sa kanya. "Alam mo Lors panahon na para pumunta ka kay Ruben. Kailangan ka niyang panagutan. Hindi mo naman kilala kung sino ang tunay na ina mo eh. Si Ruben nalang ang pag-asa mo." Payo nito. Bumuntong hininga siya. "Oo. Pupunta na ako kina Ruben." Kinabukasan ding iyon ay nag-abang si Lorena sa labas ng bahay nila Ruben. Matiyaga siyang naghintay na lumabas ito. Linggo iyon kaya walang pasok. Hindi naman siya nabigo.  "Ruben!" Tawag niya sa ngalan nito pagkalabas ng gate.  "Lorena? Anong ginagawa mo rito?" Lumapit ito sa kanya. "Nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya mo ah. P-pati na rin ang lagay mo." "Alam mo na pala?"  "Oo. Pinalaglag mo na ba?" Walang kurap na tanong nito. Nasampal naman niya ng ubod ng lakas ang lalaki. "Ano kamo? Hindi ko ipapalaglag ang bata! Nandito ako para panagutan mo ang bata sa sinapupunan ko!" Galit niyang tugon dito. Naiyak siya sa galit na nadama. "Maraming plano sa akin ang mga magulang ko Lorena. Nag-iisang anak lang ako. Hindi ko kayang panagutan ka. Kaya pwede ba umalis ka na. Ipalaglag mo na yan." Parang wala lang dito ang salitang "pagpapalaglag". Hindi siya makapaniwalang umibig siya sa ganitong klaseng lalaki.  "Hayup ka Ruben! Matapos mo akong parausan ngayong nabuntis mo ako sasabihin mo lang sa akin na ipalaglag ko ang bata?! Wala kang kwentang tao Ruben! Panagutan mo ang batang ito!" Sigaw niya. Sobrang emosyonal na siya. "Panagutan? Sino ang babaeng yan Ruben?" Isang babae at lalaki ang lumabas sa gate. Tila ito ang mga magulang ni Ruben. "Ako po si Lorena Asarol. Girlfriend po ako ni Ruben. Nabuntis niya po ako. Hindi ko magagawang ipalaglag ang batang ito kaya kailangan niya po akong panagutan." Kinuha niya na ang pagkakataong iyon para sabihin ang katotohanan sa mga magulang nito. "Hija, wag kang mag-eskandalo rito. Halika sa loob. Doon tayo mag-usap." Hindi niya inaasahang patutuluyin siya ng mga ito. Pinagkwento siya ng mga ito tungkol sa kanyang family background. Nilahad naman niy ang lahat sa kanila. Hanggang sa... "Dito ka na muna sa amin tumira Lorena. Ikakasal kayo ni Ruben matapos mong isilang ang bata." Saad ng ina nito. Labis naman siyang natuwa sa sinabing ito ng kanyang magiging biyanan.  "Maraming salamat po!" Sa loob nga ng siyan na buwan ay nanatili siya sa bahay nila Ruben. Hindi na muna siya pinapasok sa unibersidad upang maalagaan niya raw ang kanyang sarili. Ngunit kahit minsan naman ay hindi siya pinalabas ng bahay. Hindi na lamang niya iyon pinansin sapagkat pinapakain naman siya ng mga ito. Maganda pa ang trato sa kanya. "Malapit ka ng manganak. Makakaisa na ulit ako sa iyo." Bulong sa kanya ni Ruben ng pasukin siya nito sa kanyang silid. "Pwede ba Ruben tumigil ka nga. Ang dapat na pinag-uusapan natin ay ang kasal natin. Hindi yung puro kabastusan na naman ang nasa isip mo." "Kasal? Hahaha!" Tumawa lang ito at saka lumabas ng kanyang silid.  Isinilang na nga ni Lorena ang isang malusog na batang babae. Pinangalanan nila itong Irene. Dalawang buwan ang lumipas ngunit walang kasal na pinag-usapan. Hanggang isang araw ay hinayaan siyang umalis ng mga magulang ni Ruben. Pinamalengke siya ng mga ito. Pagbalik niya ay nakakandado na ang bahay at pasakay naman sa van ang mga ito kasama ang kanyang anak.  "Tita saan po tayo pupunta?" Tanong niya. "L-lorena sayo na ang lahat ng pinamili mo ah. Alam kong marami ring sumobra dyan. Sayo na rin yon." Sambit ng matandang babae. "Ano ho? Bakit sa akin lang? Hindi po ba ako kasama sa pupuntahan ninyo?" Nagtataka na siya. "Lorena ganito kasi. Nakapetisyon na kaming lahat pa-Amerika. Nag-stay lang kami para hintayin kang manganak at maging okay sa byahe si Irene. Ngayon na kami aalis. Paalam na huh?" Pagtatapat nito. Dagling pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Pero ikakasal pa po kami ni Ruben, hindi po ba? Tsaka paano na po ang anak ko?" "Walang kasal na magaganap Lorena. Hindi ka namin gusto para sa anak ko. Galing ka sa mahirap na pamilya. Itinakwil ka pa. Anak sa labas. Hindi ka namin gugustuhing maging bahagi ng pamilya namin. Tungkol naman kay baby Irene. Kami na ang bahala sa kanya. Bubuhayin namin siya at palalakihin na mabuting tao." Mahinahon ang pagkakasabi nito pero masakit ang bawat salitang lumabas sa bibig nito. Hindi totoo ang kasal. Pinaasa at niloko lamang siya ng mga ito. Pero hindi niya hahayaang kunin ng mga ito ang anak niya. "Wala rin kayong kwentang tao... pareho lang kayo sa kinagisnan kong ina! Pero hindi ko hahayaang kunin niyo ang anak ko!" Akmang lalapit siya sa van ngunit pinigilan siya ng babae. Sa galit niya ay itinulak niya ito. Bumaba tuloy si Ruben ng sasakyan. "Sumakay ka na nay." Inalalayan ni Ruben ang ina. "Pwede ba Lorena tama na. Hayaan mo nalang kami." "Anong hayaan? Sa akin lang si baby Irene! Ibigay niyo sa akin ang anak ko!" Pilit siyang lumapit ngunit masyadong malakas ang lalaki kaya napipigilan siya nito. "Hindi mo siya mabubuhay Lorena. Kami lang ang makakapagbigay ng magandang buhay sa bata." Sinampal niya ito. "Anong alam mo ah? Anong alam mo?! Ginusto mo ngang ipalaglag ko ang bata eh tapos sasabihan mo akong mabubuhay mo siya?!" Nagwala na siya ng tuluyan. Nang hindi na siya mapigilan nito ay sinuntok siya nito sa kanyang sikmura. Namalipit naman siya sa sakit. Pinagmasdan niya ang paglayo ng sasakyan.  "Irene! Anak koooo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD