Alam ni Althea kung ano ang mga nangyari kay Xander at sa Buenaventura Groups of Company sa loob ng anim na taon. Alam niyang dalawang taon simula noong mawala siya sa syudad ay nagkaroon ng problema ang Buenaventura pero nalagpasan naman ni Xander ito sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Rowena Alcantara pero hindi iyon nagtagal. Ayon sa impormasyong nakarating sa kanya, makalipas ang tatlong taon na pamamayagpag, nagkaroon ng eskandalo ang kumpanya ng pamilya ni Rowena na siyang humihila ngayon sa Buenventura. Nagulat din si Alhea noon na may anak si Xander at Rowena na halos magkasabay lang silang manganak. Ang ibig sabihin ay noong nagsasama pa sila ni Xander ay may nangyayari na sa kanila na nagbunga ng isang batang lalaki, si Angelo. Napatingin si Althea kay Angelo. Ngayon lang ni