CHAPTER 1

2580 Words
Nikki Pov It's saturday in the morning. Nandito kami ngayon sa sala kasama si, Mom at Dad. Dahil wala kaming pasok sa school. Nakagawian na namin lagi ang tumambay sa sala habang nanonood. Para lang kaming nasa sine kumakain ng popcorn habang nanonood ng kdrama. Ideya ito ni Mom, na alam kong ayaw ni Ashley, dahil kita ko sa busangot niyang pagmumukha. Mahilig kasi ito sa fantasy movie. "Ashley, what are you doing?" narinig kong sabi ni Dad, sa malumanay na boses. "Nothing Dad," Ashley replied, frowning. Paano ba naman kasi pinaglalaruan ni Ashley, ang popcorn. Imbes na kinakain sa trashcan na malapit sa kanya ito binabato. Habang si Nathalie, on the other side ay walang pakialam sa paligid. Naka-focus lang sa pinapanood habang kumakain. Uminat-inat ako at nakaramdam ng bagot. I decided to go out kaysa maburo sa loob. "Dad, Mom, can I go out for a while?" Nikki asked. "Why? Hindi pa tapos ang pinapanood natin," Mom replied. "Im bored, maglalakad lang ako sa labas," Aniya at tumalikod na. Hindi ko na hinintay na magsalita pa ang aking mga magulang. Dali-dali akong lumabas at baka hindi pa ako payagan. Nasa gate na ako nang mapansin kong may bagong lipat malapit sa bahay namin. Naglakadlakad ako. Narinig ko pa na may kausap sa cellphone 'yung lalaking bagong lipat. "Kuya, please tell Mom, that im ok here. Im fine Kuya, don't worry about me. I can take care of myself," Dinig kong sabi ng lalaki. Napahinto ako bigla sa paglalakad at lumingon sa gawi ng lalaki. Paglingon ko, saktong lumingon din ang lalaki sa'kin. And gosh! He is so handsome. Matangos ang ilong, maputi at matangkad. Maybe, he is six footer height. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya. Bigla akong nagbawi ng tingin at naglakad nang mabilis. Pakiramdam ko pulang-pula ako. Hindi nga ako nagkamali. Napatingin ako sa cellphone kong hawak at nakita ko ang mukha kong parang kamatis sa pula. Tinapik-tapik ko ang mukha ko. "Tsk! nakakahiya ka, Nikki," saway ko sa aking sarili. Minsan lang ako humanga sa lalaki dahil wala sa vocabulary ko ang salitang gwapo. Pero ngayon parang mabubura na yata 'yon, dahil sa lalaking nakita ko kanina. Kinapa ko ang dibdib ko nang bigla akong kinabahan. Na parang gustong kumawala ng puso ko sa kaba. "Hays! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?" tanong ko sa aking sarili at bumuntonghininga. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Nakarating ako sa isang park at umupo saglit sa may upuang bato. "Mamaya na lang siguro ako uuwi," aniya ko sa aking sarili. Maraming tao sa park may mga couple na ang sweet tingnan. Nagyayakapan at 'yung iba naman nakahiga ang lalaki sa hita ng babae. Meron pang naka-akbay at naka-hilig sa balikat ng kasama. Hindi ako nai-inggit dahil wala pa naman sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Nakakatuwa lang silang tingnan dahil mukhang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Ilang minuto rin akong nakaupo at nagmamasid lang sa paligid t'saka ko napagpasyahan umuwi na lang. Napadaan ulit ako sa bahay ng lalaki kanina. Laking pasasalamat ko, dahil wala akong nakita kahit anino n'ya. Ewan ko ba, bakit ba ganito pakiramdam ko? "Baka dahil nakakahiya ang ginawa ko kanina," sa isip-isip ko. Nakarating ako sa bahay nang walang imik. Bumungad sa'kin si Ashley, na nakikipag-video call at nakikipagtawanan sa mga kaibigan n'ya. Habang si Natalie, nakatutok lang sa laptop n'ya. Umakyat ako sa kwarto ko at humiga na. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako sa mga katok sa pinto. Pagbukas ko si Ashley, na naka-ngiti nang malapad ang bumungad sa'kin. "Can I come inside, Sis?" tanong ni Ashley. Tumango lang ako dahil wala ako sa mood, lalo na't nasira ang tulog ko. "What?" wala kong ganang tanong kay, Ashley. "Niyaya ako ng barkada sa bar pero hindi ako pinayagan ni, Dad. Sabi n'ya, makakapunta lang daw ako 'pag kasama ko kayo ni Nath," paawa epek pa niyang sabi. "Hindi ka pala pinayagan ba't ka pa pupunta?" tanong kong nakataas pa ang kilay. "Sige na Nikki, ngayon na lang ito. Magpapasukan naman na kaya pumayag kana. T'saka wala naman tayong gagawin doon. I just wanted to meet all my friends," mahabang paliwanag nito na hindi ko pinaniwalaan. "Makikipag-meet ka lang pala sa kaibigan mo ba't sa bar pa? T'saka bar 'yon, sure ka na wala kang gagawin dun? Tutunganga ka lang? Hindi ka iinom? Hindi ka rin sasayaw? 'Wag ako dahil kilalang-kilala kita mula kuko, atay, balunbalunan at bituka mo," mahaba kong lintaya sa'king kambal. "Hey, can you lower your voice? Mamaya marinig tayo ni Dad," Ash said. Sabay tingin sa pintuan na akala mo andoon si, Daddy. "Sige na Nikki, sumama kana minsan lang tayo magkakasama ni Nath," dagdag pa n'ya. "You know what? Si Nath, ang kausapin mo kapag pumayag sya sasama ako," Sabi ko na lang sa kanya dahil sumasakit lang ang ulo ko katatanggi rito. Biglang nagliwanag ang mukha ni Ash, sabay tili. "Haaaahh really Nikki?" Napatakip ako sa tenga dahil sa tili ni Ashley. Akala mo'y nanalo sa lotto ng milyong-milyon. "Si Nath ang una kong kinausap bago ikaw at pumayag si Nath, na sumama ibig sabihin sasama ka na rin," tuwang-tuwa nyang sabi. Wala na akong nagawa kundi um-oo na lang din. Bago pa lumabas si Ashley, sinabihan akong 'wag daw mag pantalon. "Wear something nice not always jeans and t-shirt. Bar ang pupuntahan natin hindi market," pahabol pa n'ya. I just rolled my eyes to her. Kasi naman hindi ko hilig mag-dress. I always prefer jeans and shirt. Feeling ko 'di ako komportable 'pag naka-dress. No choice ako kung 'di isuot ang ilan sa mga binili ni Mom, na dress na hindi ko naman naisusuot. Pinili ko ang black dress na above the knee ang cut. Hapit s'ya sa katawan. It's like three-fourth style and v-neck na medyo kita ang cleavage. Bumagay sa'kin ang kulay. Mas lalong nakita ang kaputian ko at hubog ng katawan ko na hindi napapansin dahil sa loose shirt and jeans na lagi kong suot. Paglabas ko hinihintay na pala ako ng dalawa. Ashley, wear a red tube dress na above the knee din. She is really beautiful. While Nathalie, wear pink spaghetti strap na malalim sa likod. Bagay na bagay sa kanya ang damit. Nakababa na ako nang marinig kong mag-wow nang sabay si, Nath at Ash sa'kin. "What a gorgeous lady," Ash said. Hindi ko alam kung totoo o biro ba ang sinabi n'ya dahil sa laki nang ngiti. "Nagmukha kang tao," sabi naman ni Nath. I just rolled my eyes to her. "Im just kidding, you're really beautiful Sis," Nath said, smiling. "Syempre maganda kayo, kaya maganda rin ako. Para saan pa at naging triplets tayo," sabi ko na ikinatawa naming tatlo. Bago kami umalis sinabihan kami ni Dad, na 'wag masyadong magpagabi. Si Ash, na rin ang nag-drive ng kotse dahil hindi pa naman ako marunong. Mas gusto ko mag-drive ng motorbike. I have duccati na regalo pa sa'kin ni, Mom and Dad, nung nag-eighteenth birthday kaming tatlo. Si Ash and Nath, kotse sa kanila kasi 'yun naman ang gusto nila. Kami sanang tatlo, but I choose the duccati instead of car. After a few minutes, nakarating din kami sa isang high class na bar. Sabi ni Ashley, pagmamay-ari raw ito ng isa sa mga kaibigan n'ya. Pagpasok mo pa lang mapapaindak kana sa mga tugtugin. Ang class ng bar. Hindi s'ya iyong tulad ng ibang bar na makikita sa tv na puro alak at bubungad agad sa'yo ang usok ng yosi. This one is different. Hindi s'ya amoy yosi o amoy alak. Halatang pang mayayaman lang ang kayang pumunta sa ganitong uri ng bar. And it's my first time. Kaya para akong ignorante. Pero syempre hindi ko pinahalata na first time ko. Sinalubong kami ng isa sa mga kaibigan ni Ash, si Candy. Dinala n'ya kami sa second floor. Pagdating namin andun na rin ang ilan sa mga kaibigan nila. Nakaupo sa paikot na sofa at may ilang alak sa gitna. Binilang ko pa kung ilan sila. Lima pang walo kami ni, Ash at Nath. Lima kaming babae at tatlong lalaki. T'saka ko lang napansin ang isa sa mga lalaki nang magsalita ito. "Ashley are you triplets?" tanong ng lalaki. Napalingon ako kasi parang familiar sa'kin ang boses. Hindi nga ako nagkamali s'ya iyong lalaking bagong lipat malapit sa bahay namin. "Yup!" Ashley, replied. Nagkunwari akong nanonood sa mga sumasayaw. Nakakahiya kasi lalo na 'pag naaalala ko iyong kagagahan ko 'nung una ko siyang makita. Nagulat pa ako nang bigla akong siniko ni Ashley. "What?" Mataray kong sabi. "Kanina ka pa kaya tinatanong ni Zach. Bingi ka ba o nagbingi-bingihan lang?" aniya nito. "Zach, pala ang name niya?" aniya ko sa aking isip. Bigla akong nahiya kasi tama naman si Ashley, nagbingi-bingihan lang ako. Naririnig ko naman na tinatanong n'ya ako kung ok lang ba ako at kung ano daw ang pangalan ko? Mas pinili ko na lang na hindi s'ya pakinggan. Nahihiya ako lalo 'pag naaalala ko ang una naming pagkikita. "H-huh a-ano 'yun?" nauutal kong tanong kay Ashley. "Ok ka lang ba daw sabi ni Zach?" Sagot nito. "Ah o-oo, ok l-lang ako," sabi ko na hindi makatingin nang maayos. Binulungan ako ni Nath sa tabi ko," 'wag kang pahalata Nikki, masyado kang obvious kay pogi," sabi nitong nakangiti nang malapad. Pinanlakihan ko s'ya ng mata. S'ya naman itong ngiting-ngiti lang sa'kin, na akala mo may ginawa na akong nakakatawa. Tumingin ako sa may gilid ko. Parang may kung sino ang nakatingin sa'kin. Paglingon ko nagtama ang mata namin ni, Zach. Nginitian n'ya ako pero hindi ako gumanti. Bagkus inirapan ko s'ya at tumingin na lang sa iba. Hindi ko alam na kanina pa pala s'ya nakatitig sa'kin. Bakit kaya n'ya ako tinitingnan? Nainis ako baka siguro pinagtatawanan na n'ya ako. Hindi ko na namalayan ang oras. Si Ashley, tipsy na. Si Nath, pakonti-konti lang nang inom at ako wala lang. Hindi ako uminom ng alak kasi hindi naman ako sanay. Nakikitawa na lang ako sa biruan nila. "Do you have boyfriend, Nikki?" Candy, asked me. Umiling lang ako dahil wala naman talaga akong boyfriend. "Paano magkaka-boyfriend, eh babae rin yata ang gusto," biglang sabat ni, Nath. "Really?" Sofia said. "Sa ganda mong 'yan? Babae rin ang gusto mo?" dagdag pang tanong ni Sofia. "Nope! 'Wag niyo paniwalaan ang sinasabi ni Nath, binibiro lang kayo niyan. Wala pa kasi sa isip ko and Im too young for that. Study is my priority," paliwanag ko sa kanila. "Oh I see," Sofia said again. "Guys, it's getting late. Mauuna na siguro kami sa inyo. Bago kami pumunta rito sinabihan kami ni Dad, na 'wag kaming uuwi nang late. T'saka lasing na rin kasi si Ash," saad ko sa kanila. "Who's drunk? Me? Im not drunk?" Biglang sabi ni Ashley, pero bulol na ang salita. Nakaagapay lang ako sa kanya para 'di matumba. "Ako na lang ang maghahatid sa inyo," Napalingon ako sa likod ko nang magsalita si Zach. "No! we can handle this. Kaya naman ni Nath mag-drive hindi naman s'ya masyadong uminom, di' ba Nath?" tanong ko. "Sis, I can't. Nahihilo na rin ako baka mabangga pa tayo," sabi nito na hawak-hawak pa ang kanyang sentido. "Sige Zach, Ikaw na lang ang mag-drive sa kotse," Nath said. Lumingon pa sa'kin si Nath na ngiting aso. Hindi ko alam kung ano na naman ang nasa utak nito. Ano kayang nakain ng taong ito? Gusto pa na si Zach, ang mag-drive samantalang kaya naman n'ya. "Baka may crush s'ya kay Zach, at gusto lang nito magpahatid." kausap ko ang aking sarili. Pero mali ang nasa isip ko ng inagaw ni Nath, sa'kin si Ashley, at silang dalawa ang umupo sa likod. Kasi kung crush ni Nath, si Zach, makikipag-unahan s'ya umupo sa tabi ni Zach, sa harap. Pero ako ang tinulak n'ya sa harap. "Ano kaya ang balak ng hinayupak kong kapatid?" aniya ko sa aking isip. Wala na'kong nagawa kung 'di umupo sa tabi ni Zach, kahit labag sa kalooban ko. Siguro napansin ni Zach, na naiilang ako sa kanya. "Are you ok?" Zach asked me. "Ah y-yes," I answered, "Sh*t! Nauutal na naman ako," sa isip-isip ko. "You look not," sabi niya ulit. Lumingon ako sa likod. Pagtingin ko tulog ang dalawa. Bumuntonghininga muna ako bago nagsalita. "ok lang ako," at lumingon na sa labas ng bintana para hindi na siya magtanong ulit. "How old are you Nikki?" maya-maya tanong na naman niya. "Paano niya nalaman ang pangalan ko?" Sabi ko sa sarili ko. Parang nahulaan naman yata niya kung ano'ng sinasabi ko. "Narinig ko sa mga kambal mo na tinatawag kang, Nikki. Tinatanong kasi kita kanina hindi mo ako sinagot kaya hinayaan ko na lang. Akala ko nga di' mo lang narinig eh," aniya nito. "Hah! Nagtanong ka ba? Hindi ko talaga kasi narinig," kunwaring sabi ko. "Back to my question, ilang taon kana nga, Nikki?" Balik tanong na naman nito. "Twenty," maikli kong sagot. "Dalawang taon lang pala tanda ko sayo, im 22," he replied. "Im not asking," Pagtataray ko. Natawa lang s'ya sa sinabi ko at tumingin na sa harap. "Gosh! Ang ganda nang tawa n'ya. Mas lalo syang pumogi," aniya ko sa aking sarili. Ilang minuto lang nakarating na rin kami sa bahay. Si Mom at Dad, agad ang bumungad sa'min. "Oh! what happened?" Dad asked. "Naparami po nang inom Dad," sabi ko. "Nilubos-lubos na baka di' na raw po makaulit," dagdag pa ni Nath, na ikinatawa ni Mom at Dad. "By the way Iho, whats your name?" Dad asked again. "Im Zach Monteverde po," magalang na sabi ni Zach. "Are you ralated to Monteverde Real State?" Dad said. "Yes Sir, my father owned it," Zach answered. "Oh I see, by the way thank you sa paghatid sa mga anak ko. Hayaan mo ipahatid na lang kita sa driver papunta sa inyo," aniya ulit ni, Dad. "No tito, its ok. Malapit lang po ako sa inyo. Mga apat na bahay lang po pagitan natin," Zach smiled. "Oh! How come? Bagong lipat ka lang pala rito kung ganun?" Tanong ni Dad. Tumingin muna sa'kin si Zach, na may pinapahiwatig bago nagsalita. "Yes tito, bagong lipat po ako dito at alam po 'yon ni, Nikki," sabi pa n'ya. Tumingin naman sa'kin si Dad, lalo na si Nath, na may mapanuksong ngiti. "Paanong nalaman ni Nikki?" Dad asked, na tumingin ulit sa'kin. Na-kwento ko sa kanila nang lumabas ako pero syempre hindi ko na-kwento 'yung pagkikita namin kung paano ko s'ya natitigan. "Ikaw ba naman first time makaka-appreciate ng gwapo hindi kaba matulala?" sabi ko sa aking sarili. "Why don't you come inside, Iho," pagyaya ni Dad. "Thank you po. But I need to go home too. it's getting late," Nakangiting ani ni Zach. Nagpaalam na rin si Zach, pero bago s'ya umalis sinabihan pa ni Dad, na pumasyal minsan dito sa bahay. And Zach, said yes for an answer. Naglakad na lang si Zach, dahil ilang bahay lang naman ang pagitan ng bahay nila Nikki, sa kanya at dahil naiwan din ang kotse nito sa bar nila, Candy. Tinawagan na lang n'ya si Candy, na bukas na lang n'ya ipick-up ito ang kanyang kotse. Habang naglalakad, hindi maiwasang hindi ngumiti ni, Zach. Lalo 'pag naaalala n'ya ang mukha ni Nikki, noong una n'ya itong makita. Nakanganga ito na parang gulat na gulat sa nakita. At hindi n'ya akalain na makikita n'ya ulit ito sa bar na pagmamay-ari ng pinsan niyang si, Candy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD