CHAPTER 2

2018 Words
Zach Pov Dalawang linggo na ang lumipas nang huli kong makita ang magkakapatid. 'Yun ay nung hinatid ko sila sa kanilang bahay. Triplets sila pero hindi pare-pareho ng mukha pero pare-pareho silang may taglay na ganda. And Nikki, caught my attention. Iba ang dating n'ya sa'kin. Natatandaan ko pa 'nung una naming pagkikita. Mag ha-hi sana ako sa kanya pero nakatitig lang s'ya sa'kin. Na-amused ako sa kung paano n'ya ako tingnan. Gusto ko sanang magpakilala sa kanya pero biglang tumalikod at naglakad nang mabilis. Hindi ko na s'ya nagawang habulin pa dahil sa bilis nang kanyang lakad. Nasa ganun akong pag-iisip nang biglang magsalita si, Drew. May katabi itong babae na nagtatrabaho dito sa din si Gab, na nakikipaglampungan sa babaeng nakilala n'ya lang din dito sa bar. Nagkayayaan kaming tatlo na mag bar. Last time kasi kasama namin sila Sofia, Candy at ang triplets. "Hey Brad! Parang ang lalim nang iniisip mo? Andito tayo ngayon para magsaya. Look at you? Parang naiwan sa kung saan 'yang utak mo," natatawang sabi ni Drew sa'kin. "Gag* manahimik kana nga lang," aniya ko. "Bakit ka pa mag-iisip ng ibang babae kung kaya ko naman ibigay kung ano ang gusto mo," sabi ng babaeng nasa tabi ko habang hinihimas nito ang dibdib ko. Maganda ito, maputi at matangos ang ilong pero hindi ako na a-attract man lang sa kanya. Halata kasi rito na gawain na n'ya ang magpaligaya ng lalaki. In short mukha siyang prostitute at hindi ko pinangarap na maikama ang ganitong babae. "Alam kong babae yang iniisip mo dude. Care to share kung sino man yan," Gab said with an annoying smile. Tinawanan lang n'ya ako, pero tama naman s'ya. Im thinking about, Nikki. Ewan ko ba, simula 'nung una ko siyang makita iba na ang nararamdaman ko. Until I met her again sa bar na pag-aari nila, Candy. Ibang-iba ang itsura n'ya 'nung una kong siyang makita kumpara sa pagkikita namin sa bar. She's wearing above the knee dress na hapit sa katawan na lalong nagpatingkad nang ganda at hubog ng katawan n'ya.I feel horny looking at her that time. Minsan lang ako ma- attract sa babae at 'yun ang una kong naramdaman kay, Nikki. Hindi ko alam na kapatid pala s'ya ni, Ashley. Nakilala ko lang si Ashley, sa bar ulit at naging kaibigan dahil kay Candy, na pinsan kong buo. Ashley, is kind and sweet girl. May pagka-maingay pero nalulugar naman n'ya. Nakaka-ilang bote na kami ng Jack Daniel, pero hindi ko pa rin ramdam ang hilo. Dagdag pang malakas talaga uminom ang mga ugok na ito, nakakahawa sila. Umalis na rin ang mga babaeng kasama namin at binigyan ng tip. Nagpaalam na ako sa mga ugok kong kaibigan bago pa ako malasing. Pag-uwi ko sa bahay bumungad sa'kin ang tahimik na tahanan.Tahanan na malaki para sa isang tulad kong nag-iisa. I choose to be alone. Kaysa mamuhay sa tahanan na iba ang gusto para sa'kin. Third year college na ako and I want to take medicine. Gusto kong maging doctor. Magpatayo nang sarili kong hospital pero bussiness administration ang gusto ng parents ko para sa'kin. Para raw may hahalili kay Dad, sa negosyo namin pagdating ng panahon. Natatandaan ko pa ang sinabi sa'kin ni Dad, nang huli kaming mag-usap. "Masyado kang nagmamalaki wala ka pa ngang nararating. Darating din ang araw na kakailanganin mo kami ng Mommy mo. Hanggat hindi mo nagagawa ang gusto namin para sa'yo, wala kang makukuha kahit anong mana sa amin," Dad said, na may halong galit at diin sa pagsalita. "May sarili akong desisyon, Dad. Hindi lahat nang gusto mo ay gagawin ko. Why dont you tell Kuya, na s'ya na lang ang papalit sayo tutal s'ya naman ang panganay at s'ya ang may alam pagdating sa bussiness," sagot ko kay Dad. Napa-tiimbagang si Dad, pagkasagot ko sa kanya. Akma n'ya akong susuntukin nang biglang pumagitna si, Mom. Wala na akong nagawa 'nung oras na 'yun. Umalis ako sa bahay namin nang walang paalam kahit kanino sa kanila. Kaya heto ako ngayon, nag-iisa sa malaking bahay na galing pa kay Lola. Napa-buntonghininga na lang ako sa isiping 'yon. I have my own money na namana ko pa sa namayapa kong Lola. Ako ang paborito nyang Apo kaya 'nung namatay ito ay may namana akong pera sa banko at itong bahay. At ang ilan sa mga ari-arian ay sa mga anak napunta at ibang Apo. Kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa kahit hindi manghingi nang tulong sa aking pamilya. Although hindi naman ako pinalayas. Ginusto ko lang na mapag-isa. Nakatulugan ko ang pagbabalik tanaw ko sa aking nakaraan ilang buwan nang nakalipas. Kinaumagahan dumating ang dalawa kong ugok na kaibigan, si Gab and Drew. Kilala ang pamilya ni Gab, dahil kabilang din ito sa mayayamang angkan sa Pilipinas. His father Franco William, is a pure American. Only heir ng William Empire Company sa U.S.A, na nakapag-asawa ng pinay. Nanirahan dito sa Pilipinas at nagtayo ng sariling negosyo gamit ang mana. At ngayon kabilang na sila sa may malalaking company sa ibat-ibang panig ng Bansa. While Drew Falcon, anak ng multi-milionaire na si, Austin Falcon. Like Gab's father, pare-parehong tanyag at kilala sa malalaking negosyo ang kanilang pamilya. Dahil sa yaman, para sa mga kaibigan n'ya money is just a piece of paper na 'pag gustong lukutin at itapon sa basura ay gagawin nila. In short magwawaldas sila hangga't gusto nila. Pero sa katayuan ko ngayon malabo ko nang magagawa ang dating kong gawain. I need to be matured enough para mapatunayan sa kanila na kaya ko kahit wala sila sa buhay ko.Kahit walang mana galing sa kanila. I can stand in my own two feet ng hindi nanghihingi ng tulong sa kanila. "Hey dude! Bati sa'kin ni Gab and Drew, pagbukas ko sa pinto. Feel at home pa sila kahit hindi ko pa nga pinapapasok dire-diretso na agad sila sa sofa. Tumayo bigla si Gab, at dumiretso sa kusina. Pagbalik nito may hawak na siyang inumin. "Ayos ah! bahay mo?" aniya ko kay Gab. "Hindi feeling may ari lang," natatawa niyang sabi. "Bakit ba? Para inumin lang ipagdadamot mo pa," sabi pa nito sa'kin na akala mo batang pinagalitan dahil nakanguso pa ito. Napapailing na lang ako sa kanya. Iba talaga 'pag spoiled nadadala kahit saang lugar. "By the way dude, magpapasukan na naman, saan mo pala balak mag-aral?" Pag-iiba ni drew sa usapan. Umiling lang ako. "Hindi ko pa alam eh," Alam na kasi nila ang nangyari sa'kin kung bakit ako umalis sa bahay at mas pinili na mag-isa. Iisang school lang kami dati. Gawa nang umalis ako sa bahay kailangan ko rin lumipat ng school. "Bakit kaya 'di tayo mag-search sa online? Baka may magandang school na pwede natin mapasukan," Suggest ni Gab. Napalingon ako sa kanya sa tinuran n'ya at napakunot noo. Gab smiled at me. "Yes dude tama ka ng iniisip. Lilipat din kami ng school ni Drew," aniya nitong nakangiti nang malapad sa'kin. "Kung nasaan ang tae nandun din ang bangaw," aniya naman ni Drew. Natawa ako sa sinabi n'ya sabay batok dito. "Gag*! Mukha ba akong tae? Sabagay mukha naman talaga kayong bangaw," Saad ko sa kanila. "Gwapong bangaw!" Sabay pang sabi ng dalawa. Nagse-search na kami sa laptop ng magagandang school. Nakailang scroll na kami at ilang minuto na ang inilagi namin pero wala pa rin kaming makita. Ilang scroll pa ang ginawa namin nang may makita rin kami sa wakas. "Guys, how about this one?" Gab asked. Binasa ko ang nakalagay na pangalan. Summerville University, one of the most prestigious and expensive school in the Philippines. Its a catholic school. The school charge over two hundred fifty thousand pesos tuition fees. At hindi kabilang ang graduation fee, books, and other miscellaneous charges. "Do you agree dude? Kasi kung ayaw mo pwede tayong maghanap pa ng iba," Drew suggested. "Marami na tayong nakita wala man lang nagustuhan. Bakit hindi natin ito subukan," Gab said pertaining to the school. I just nodded. "Sige dito na tayo magpa-enroll," Sa online na rin kami nag-enroll at nakalagay na rin kung kailan ang pasok. "By the way Zach, hindi mo ba ito ipapaalam sa parents mo?" Gab asked again. "What for? Parang hindi mo kilala si, Dad. Sa sobrang pride n'ya wala na siyang sinasanto. Ultimo bunsong anak nagawang idiin sa bagay na hindi naman gusto. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang dinidiin ni Dad, sa paghawak ng negosyo namin. Samantalang andyan naman ang kuya ko," seryosong aniya ko. "Malay mo naman, 'pag nagsabi ka ulit sa kanila na iba ang gusto mo sa gusto nila baka sakaling matauhan ang parents mo," Drew said. "Matatauhan lang sila 'pag may narating na siguro ako. Kaya simula ngayon hindi ako hihingi nang tulong sa kanila hanggat hindi sila ang nagkukusa," saad ko. Actually, si Dad lang naman ang mahigpit wala lang talagang magawa si Mom, 'pag si Dad na ang nag-decide. "You know what dude? Mukhang namana mo pa yata ang pagiging ma-pride ng Daddy mo. Ma-pride ka ma-pride rin s'ya, like father like son," natatawang sabi ni Gab. Napapailing na lang ako kay Gab. Ang seryoso nang usapan biglang magbibiro. Pati si Drew natawa sa kanya. Naglagi pa ng ilang oras ang mga ugok kong kaibigan bago sila nagpaalam na aalis na. "Be ready for the new school. Panigurado maraming magandang chicks dun," sabi ni Gab, na halatang excited sa bagong school na lilipatan namin. " Hoy Gabriel! Hindi tayo pupunta dun para maghanap ng chicks. T'saka iwan mo na sa East International School ang pagka-playboy mo. Baka mamaya 'dun ka pa makabiktima patay kang bata ka," natatawa kong sabi. "Parang hindi mo gawain ah. 'Wag kang umastang good boy dude, dahil isa ka rin," Sabi nito habang inipit ang leeg ko sa kanyang braso at pilit akong kinutusan. "Hoy! dati 'yun hindi pa huli ang lahat para magbago. Lumayas na nga kayo ang dami nyong satsat," tinulak ko ang mga ito papunta sa pinto at pilit na pinalabas. Tawa lang sila nang tawa sa ginawa ko. "Sa susunod 'pag ikaw ang pupunta sa bahay hindi lang ganito ang gagawin ko sa'yo. Sisipain naman kita palabas," Gab said. Nag-dirty finger lang ako dito na ikinatawa naman ni, Drew. "Lumayas na kayo't baka kayo pa ang masipa ko ng wala sa oras." pagtataboy ko sa kanila. "Be ready for the first day of college. Alam kong marami kana naman mapapaiyak pagdating mo sa Summerville University. Ikaw pa naman ang dakilang playboy na nakilala ko," aniya ko kay Gab. "Hoy! Mr. Monteverde, kung makapagsalita ka akala mo napakatino mo. Sa'yo lang naman kami nagmana ng pagka-playboy kaya kami ganito," balik sabi naman ni Gab. "Huwag mo na naman akong idamay dyan, Gab. Dahil ikaw lang 'yun hindi ako," pagtatanggol naman ni Drew, sa kanyang sarili. "Whoa! Nagsalita ang isa pang matino. Para sabihin ko sa'yo Drew, mas malala ka pa kesa sa'min. Baka gusto mong ipaalala ko pa sa'yo kung paano mo pinagsabay- sabay ang babae mo?" natatawang aniya ni Gab. "Huwag na kayong magtalo dahil pareho lang kayong babaero, nadamay lang ako," aniya ko. Sabay pang tumawa ang dalawa sa aking sinabi. "May balak pa ba kayong umalis? O baka naman pati pananghalian eh gusto n'yo dito na rin kumain?" aniya ko sa kanila. "Pwede rin," sabay pang bigkas ng dalawa. "Ano kayo? Sinuswerte?" Magsilayas na kayo bago ko kayo kaladkarin palabas ng gate. At tinulak ko na nga sila palabas hanggang sa makarating kami sa gate. "Kaibigan ka pa ba namin?" sigaw ni Gab. "Kalimutan n'yo ng magkaibigan tayo," pabirong sigaw ko rin. Umiling-iling na lang si Drew habang natatawa. Bumalik na'ko sa loob ng bahay nang makita kong pinaharurot na ng dalawa ang kanilang kotse. Pagpasok ko, isang tahanan na tahimik ang bumungad sa'kin. Laking pasasalamat ko na lang dahil may mga kaibigan akong minsan pumupunta sa bahay para mag-ingay. Umupo ako sa sofa at huminga nang malalim. "Sometimes it is necessary to be lonely in order to prove that you are right. And being alone never felt right. Sometimes it felt good, but it never felt right.” He said, sighing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD