Patuloy sa pagmamaneho ng kanyang kotse si Andrei sa kahabaan ng highway. Walang mababasang anumang emosyon sa kanyang mukha at tila malalim ang iniisip. Paulit-ulit ding lumilipat ang kanyang mga mata sa rear view mirror upang silipin ang kinalalagyan ni Mia na ngayon ay kasalukuyang nasa mahimbing na pagtulog sa back seat. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila ng siyudad. Nilampasan niya ang isang subdivision kung saan naroroon ang mansion ng kuya niyang si Ghian at kung saan kasalukuyan ding tinitirahan ni Mia. Ang plano niya ay iuwi ito sa bahay niya sa Pasig ngunit hindi niya malaman kung bakit inihinto niyang bigla ang kanyang sasakyan at muling sinilip ang dalaga sa kanyang likuran. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga bago niya iniikot ang k