Ilang lingo na ring nanliligaw si Aga sa akin. Sa loob ng mga lingong iyon, araw-araw niya akong sinusorpresa. Bukod sa mga bulaklak at cards, sa mga pagkain naman niya ako binubusog. Matiyaga niya akong hinahatid sa aming bahay, minsan nga sinusundo pa eh. “Halika na?” untag niya sa akin. Nasa bahay kami ngayon at may usapang magsisimba kami ngayong araw. Madalas na kapag off niya at pang-umaga ako, nagkikita kami para mamasyal, o kaya’y magsimba. At ngayon nga ay natapat na Lingo, kaya magsisimba kami sa Quiapo. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng simbahan, at nagmimisa nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya para lang malaman na dinarasal na pala ang Ama namin. Akala ko pa naman nagpapaka-sweet na naman siya sa akin eh. Bahagya tuloy akong napangiti dahil