Kinabukasan, nagising akong magaan ang pakiramdam. Pakanta-kanta pa ako habang tinutupi ang pinagtulugan ko. Nagsuklay ako ng buhok ko saka inipitan ng pagkataas-taas iyon. Ngayong araw kasi balak kong maglaba, at maglinis ng buong bahay. Kaya naman matapos kong mag-ayos ng sarili, ay lumabas na ako ng aking kwarto, at nagtungo sa kusina para kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may kumatok sa aming pintuan. Wala na sila mama kaya ako na lang ang mag-isa sa bahay. Tinungo ko ang pintuan, at nagulat pa ako nang makita si Aga na ngiting-ngiti, na nakatayo sa labas ng pintuan ng aming munting tahanan. “Good Morning!” bati niya sa akin, saka iniabot ang bulaklak na dala niya. Tinanggap ko ang mga bulaklak na iniabot niya saka ko siya pinapasok at pinaupo sa sala. Kinikilig naman ako