JACE’S POV
Mabilis natapos ang klase ko 'nung mga oras na iyon. Napagpasyahan kong mauna sa tambayan naming magbabarkada. Mas gusto kong tawaging “tambayan” ang office kung saan miyembro ako at mga kaibigan ko. Dito kami madalas nagkikita at nagkukwentuhan kapag pare-pareho kaming walang pasok sa isang subject.
I look after our log book sa office. Napangiti ako as I turn the pages at hinanap ang blankong pahina. I wrote my name and put my signature sa kaliwang bahagi ng pangalan ko. Whoah! I clicked my tongue as I touch my chin.
‘Artistahing lagda ah…’
Hindi ko naiwasang mapangiti sa pagpuri ko sa sariling sulat-kamay. Iba na talaga ang nagagawa ng pagiging bored ko sa buhay. Marami tuloy akong napapansin hindi lang sa sarili ko kundi pati sa mga bagay na nakapaligid sa akin.
Bumungad ang maaliwalas at malapad na opisina. Maraming luma at nakatenggang mga diyaryo at magazines sa paligid. Kung hahawakan mo ang iilang mesa, mararamdaman mo na medyo maalikabok ang loob. Dahil na rin siguro wala pang time ang mga officers para mag-general cleaning sa loob ng office.
I'm the layout editor at dahil na rin sa magagaling din ang apat kong kaibigan ay napabilang din sila rito. Hindi talaga kami mapaghiwalay kung kaya naging mas malapit ako sa kanila kung ikumpara sa mga kaklase ko ngayon. Napagpasyahan kong buksan ang P.C sa loob ng office at doon ko ibinaling ang sariling oras habang naghihintay sa mga katropa ko.
I logged in to f*******: and decided to check on it for a while at bumungad sa akin ang message galing kay Jennica.
[hi pogi ^_^]
[hi, miss beautiful :) ]
[che! bola! haha]
[musta na?]
[I have a class right now.]
[huh?! eh bk8 nagmessage ka?]
[to kill boredom? he-he.]
[Huwag pasaway. ^^]
[hmp! ganon?]
Itinigil ko na ang pagpadala ng mga text messages sa kanya. Mahirap nang mapagalitan ang kaibigan ko habang nasa loob siya ng silid nila at nakikinig sa prof nila ngayon. Mabuti nang maging maingat kesa naman masisi sa huli.
I smiled. I am now looking at her profile picture while I happen to go to her f*******: profile. Hindi ko napigilang mapatingin sa kanyang kasalukuyang profile picture. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at faded jeans. Nakataas ang kilay at bahagyang ngumiti at humalukipkip pa. Well, she’s this type of girl na masasabi mong “ideal girl” ng halos lahat ng mga lalake sa campus.
She's both beauty and brains. Masayahin siyang babae ngunit kung minsan parang tigre din kung galit. No wonder she's a gemini...displaying dual personality at times pero maaasahan siyang kaibigan.
Jennica’s POV
Huh?! Seenzoned?
Hindi ko napigilang sumimangot at ibinaling na lamang ang tingin sa aking professor. Magaling naman siyang magturo eh, ako lang talaga itong tinatamad na makinig ngayon. Mas gugustuhin ko pang kulitin si Jace pero sa nakikita ko parang hindi naman siya interesadong makipag-usap sa akin. Tuloy pinagsisihan ko pa kung bakit sinabi ko sa kanyang may klase pa ako. Siguro, mas gugustuhin niyang makinig ako sa klase ko keysa makipagtext sa kanya.
It’s too unfair! Hmp!
I am seated sa last row sa may bandang likod para hindi halata na hindi muna ako nakikinig. Well, I don’t want to boast a lot but I knew the subject too well kahit nakapikit ako. Kaya naman nawawalan na ako ng ganang makinig sa lectures ni ma'am. Sa sobrang sama ba naman ng loob ko, I locked my cell phone at inilagay ko ito sa bulsa ko. I looked at Aaron na classmate ko rin. I am hyped with the idea of making use of this boredom to do something that’s on my mind right now.
I winked and smiled at him.
“Hi Jen…gumaganda ka lalo.” Nagtaas-baba pa ang kilay ng mokong sabay ngisi. Yayks! Parang manyak lang ang datingan niya. Sabay naman na nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan sa mga papuri galing sa kanya.
“I know.” Tipid kong sagot. Naku, pinipilit ko talaga ang sarili kong makisabay sa trip ng mokong na to pero hindi ko talaga kayang makipagplastikan.
“Tama nga sila na ang mga magaganda, matataray nga…” He joked around. I stared daggers at him as I folded my arms.
“May sinasabi ka?”
“Ah...he-he, wala naman.”
I avoided my gaze at him and tried to listen to our teacher but to no avail. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nawalan na talaga ako ng gana kahit intindihin ang mga salita na sinasabi ng prof namin sa harap.
I am wishing for our period to end too soon to get out of this boredom that’s killing me slowly.
“May gagawin ka ba mamaya? Date naman tayo oh. Treat ko. He-he!” Pangungulit naman ni Aaron pagkatapos ng ilang minutong pananahimik. Ang sarap batukan ng classmate ko na ‘to. Sinasadya niya talagang magpacute at iniiba ang boses para maging kaakit-akit sa pandinig ko pero honestly, parang sinasaniban siya ng masamang ispiritu.
“Umayos ka nga. Parang kapreng naipit sa banga ang kausap ko.” Pagtataray ko sa kanya. Bigla naman siyang napakamot sa kanyang ulo.
“Bakit, ano ba ang ginawa ko?” Inosente niyang tanong.
“Huwag mo nang ibahin ang boses mo. Naaalibadbaran akong pakinggan.”
“Ay, he-he...sorry.” Hindi ko napigilang mapahalukipkip sa mga “trying-hard” moves niya. Gwapo naman itong classmate ko at maraming naghahabol na mga babae sa kanya pero hindi ko talaga siya kayang mapagtuunan ng pansin.
‘Duhh, if only he’s Jace. I’d gladly talk to him all the day long, however, he’s not...so, I’m sorry.’
“Ayan, mas mabuti ‘yung ganyang boses mo kapag kausap ako.” I said in my most serious tone. Agad naman niya itong sinunod. Umayos siya ng pagkakaupo at naging seryoso na rin ang reaksyon na nakikita ko sa mukha niya. That’s a bit better.
“Huwag mo kasing iniiba ang topic. Sasama ka na sa akin mamaya?” Ngumisi naman siyang bigla sabay harap sa akin habang nakapatong ang isang kamay niya sa kanyang pisngi. Sinadya niya pang kumurap ng mabilis na para bang sinasadyang magpa-cute sa harap ko.
“Pag-iisipan ko.”
“Ako na nga ang manlilibre.” Agad naman niyang sagot.
“Ay? Anong akala mo sa akin, patay-gutom?” I raised one of my eyebrows.
“Hala, hindi naman ‘yan ang ibig kong sabihin…” Depensang sagot niya.
“ Iba na lang ang yayain mo baka “yes” agad ang sagot nila.”
“Gusto ko kasi ikaw eh. Please?” He insisted.
“Huwag ako, Aaron.”
“S-Sige. Text me kung payag ka na ha.”
“K.” I answered in my most exaggerated tone. I know that’s one letter he hated the most coming from me but I just don’t care. Marami namang babae na pwede niyang yayain sumama sa kanya. Besides, he have a lot of friends to mingle to. Hindi lang naman ako.
‘Umasa ka sa hangin…’
I kept the last sentence to myself. I dreamily wish that it would be Jace who will be that kind of consistent when it comes to pursuing me to go out with him. Kaya lang, hindi siya ganoon. Mahiyain siya at maswerte na siguro ang babaeng magagawa niyang yayain kung sakali. She must be one in a million…
JACE’S POV
Nang dahil sa sobrang pagkabagot ay napagpasyahan kong lumabas muna sa office at naglibot-libot sa hallway. Katulad ng inasahan ko, maraming mga estudyante ang napapadaan banda rito, lahat sila ay nasa iba't ibang kurso at dahil malaki ang school namin ay halos lahat na yata ng mga kursong nanaisin mo ay makikita mo na sa University namin. Ang pinakagusto ko sa lahat ay ung estudyanteng kumukuha ng kursong tourism. Para kasi sa akin, lahat na yata ng mga magagandang babae ay napapabilang sa kursong iyon. May single pa kaya sa kanila?
Kadalasan, ‘yung mga magagandang estudyante ay malamang “taken” na dahil karamihan sa mga estudyanteng naglilibot sa campus ay kasama ang kani-kanilang mga nobyo at nobya. Sa panahon ngayon, kung wala ka pa kasing karelasyon, iisipin ng ibang tao na may gender identity crisis ka. Ang malala pa, ‘yung iba gagawin kang katatawanan kasi hindi ka marunong dumiskarte kaya wala ka pang nahahanap para sa sarili mo.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at may ibang estudyante rin na abala sa kanilang lessons at nagbubuklat ng kani-kanilang mga notebooks o di kaya'y mga libro. Sa isang sulok ng University, may mini-forest na mahilig gawing tambayan ng mga estudyante dahil maraming nagsitaasang mga puno sa paligid. Maraming kahoy na nagsisilbing lilim sa mga sementadong silya at lamesa sinadyang ipinagawa para sa mga taong nais manatili doon para gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin.
Patuloy lang ako sa pagmamasid sa paligid nang walang kung anu-ano'y may nahagip ang aking mata. Isang babae na maganda ang features ng likuran niya. Maganda ang kanyang mahabang buhok, damn, parang gusto ko tuloy haplusin at amuyin iyon... Nakasuot siya ng pang-education na uniform at sexy siya kahit likod niya lang nakita ko.
Hindi ko namalayang nakasunod na pala ako sa kanya at halatang papunta siya sa library ng school at dahil may kasama siyang mga kaibigan ay hindi naman ako nagpahalata na sumusunod ako sa kanila.
Naririnig ko pa ang mga katuwaan nilang magkakaibigan at narinig ko rin ang pagtawa niya...tila musika iyon sa aking pandinig. Parang gugustuhin kong marinig iyon araw araw at tila ba pinabilis nito ang pagtibok ng puso ko bigla.
Sino siya? parang nasabi ko tuloy sa loob loob ko, gusto ko siyang makilala at parang may kung anong nag-uudyok sa aking kaisipan. Sa unang pagkakita ko pa lang sa kanya, alam ko sa sarili ko na may kakaibang pakiramdam na nabuo dito sa puso ko na hindi ko mawari.
Alam ko magkikita pa kami at sana sa pagkakataong iyon, makikita at makikilala ko na siya ng mabuti.