LYKA'S POV
Maayos na ang pakiramdam ko. Kaya pumasok na ako ngayon sa trabaho. Inaasahan ko na sana ay maging server na lang ko pero sa kitchen pa rin ako. Mas lalong naging mainitin ang ulo ni Chef.
At napapansin ko na para bang ako na lang ang lagi niyang napapansin o nakikita. Lahat ng mali ko ay binubulyawan niya ako kaagad. Hinayaan ko na lang dahil alam ko naman na galit siya sa akin.
Ako ang huling nag-breaktime. Libre naman ang pagkain namin kaya kumuha na ako ng pagkain ko. Wala naman akong gana kumain kaya kaunti lang ang kinuha ko. Umupo na ako at nagsimula na akong kumain. Pero nagulat ako dahil bigla na lang may drinks na nilapag sa harapan ko. At nakita ko si Chef na papalayo na sa puwesto ko.
Nakatitig lang ako sa inumin na binigay niya. May sa loob ko na ayaw ko itong buksan o galawin. Tinapos ko na ang pagkain ko at nilagay ko sa locker ko ang drinks. Pagbalik ko sa loob ng kusina ay wala na Chef dahil umuwi na daw ito. Ako naman ay tinuruan ni Chef Ray.
*****
Lumipas ang mga araw at walang nagbabago sa amin ni Chef. Ang trabaho ay trabaho. Nakakatuwa dahil kahit papaano ay marunong na ako sa kusina. Hindi ko namalayan na isang buwan na pala akong nagtatrabaho sa Griffins. Natanggap ko na rin ang unang sahod ko kahapon. Sakto naman dahil day-off ko ngayon.
Balak kong ilabas ang mga kapatid ko. Gusto ko silang ibili ng mga bagong gamit. Lumakas rin ang online selling ko. Palaging sold out ang mga paninda ko. Kaya masasabi ko na medyo maayos na kami ng mga kapatid ko. Nakaka-pagtabi na rin ako ng extrang pera para sa kanila.
Karga ko ang anak ko papunta sa loob ng mall. Hinayaan ko ang mga kapatid ko na pumili ng kakainan namin. Habang naglalakad kami ay may nabangga ang kapatid kong bunso.
“What the h*ll?!” Galit na sigaw nito.
“Sorry po,” hingi ng paumanhin ng kapatid ko.
“Anong sorry? Alam mo ba kung magkano itong suot ko?!” Galit na sigaw niya sa kapatid ko.
Mabilis akong lumapit sa kanila dahil bigla na lang niyang sinabunutan ang kapatid ko.
“Ma’am, bitiwan niyo po ang kapatid ko.”
“You?!” galit na sigaw ni Miss Cara sa akin.
“Pasensya na po kayo, hindi po sinasadya ng kapatid ko.” Saad ko sa kanya.
“So, kapatid mo. No wonder na pareho kayong tanga!”
Napayuko na lang ako dahil hiyang-hiya na ako. Nakuha na rin kasi namin ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi ko rin alam kung ano ba ang gagawin ko. Alam ko na hindi siya makikipag-usap sa amin ng maayos.
“What’s going on here?” Biglang tanong ng boses na kilalang-kilala ko.
“Baby, itong kapatid ng staff mo kasi binangga ako.” Sumbong ni Cara kay Chef Brixon.
“Sir Pogi, hindi ko na naman po sinasadya.” biglang sabi ng kapatid ko kay Chef.
“Sorry po, talaga. Hindi po namin sinasadya.” nakayuko pa rin na sabi ko at hinila ko na ang kapatid ko.
Bigla rin kasing umiyak si Lucio. Hindi ko alam kung bakit may mga ganitong tao na hindi kayang maging mabuti sa iba. Maliit na bagay pero pinapalaki nila. Siguro dahil sa mayaman sila kaya puwede na silang magsalita ng masakit sa kapwa.
“Okay ka lang ba, bunso?” Tanong ko sa kapatid.
“Okay lang po ako, Ate. Pasensya kana po ng dahil sa akin kaya galit ang babae. Sino ba siya ate? Kilala mo rin ba siya?” Tanong sa akin ni bunso.
“Girlfriend siya ni Chef. Pumunta na tayo doon sa palaruan.” Yaya ko sa kanila.
“Uwi na lang po tayo, Ate. Kasi parang hindi po kami bagay dito. Baka po kasi may mabangga na naman ako.” Malungkot na sabi sa akin ng kapatid ko.
“Huwag mong sabihin ‘yan. Nandito para makapag-enjoy kayo at hindi para malungkot. Hayaan mo na siya kasi may pagka-masungit talaga siya.” Sabi ko sa kapatid ko.
Ngumiti naman ang kapatid ko. Mabuti na lang at tumahan na si Lucio kaya napangiti naman ako dahil naglalaro silang tatlo. Ako naman ay nakaupo lang at nanunuod sa kanila habang kumukuha ng mga pictures. Pero nagulat ako dahil nakita ko si Chef sa camera ko.
Nakatayo ito sa labas at nakatingin siya sa mga kapatid ko. Nang nagtama ang mga mata namin ay kaagad siyang umiwas at umalis na. Ako naman ay nagtataka sa kinilos niya. Napatingin ako sa anak ko na masayang naglalaro.
Alam ko na darating ang araw na magtatanong ito kung sino ang ama niya. Pero hindi ko alam kung sigurado ba ako na kaya kong ipagtapat sa kanya ang lahat. Pero isa lang ang sigurado ako mamahalin ko siya at papalakihin ng maayos. Masyado man akong bata noong ipinanganak ko siya pero kinaya ko. Kinaya namin ng mga kapatid ko at alam ko na kakayanin ko pa ang mga susunod na araw.
Isang linggo na lang pala at magdalawang taon na siya. Habang lumalaki siya ay mas lalo siyang gumagwapo. Talagang nagmana siya sa ama niya. Pero hindi naman lahat ay nakuha niya. Ang mga mata niya ay nakuha niya sa akin. At ang tangos ng ilong ay nakuha niya sa daddy niya.
Darating kaya ang araw na may matatawag na daddy ang anak ko? Biglang tanong ko sa sarili ko. Kaysa mag-isip ng kung anu-ano ay itinuon ko na lang ang pansin ko sa anak at mga kapatid ko. Nang matapos na sila ay lumabas na kami para umuwi. Rush hour na kaya punuan na ang mga bus. Matiyaga kaming naghihintay sa bus stop. Nakatulog na si Lucio at medyo nanganagalay na ang mga braso ko. Laking pasasalamat ko dahil may nagbigay sa akin ng upuan dito sa bus stop kaya umupo muna ako.
Panay na ang tingin ko sa relo ko dahil medyo late na kami. May kotse na biglang tumigil sa harapan namin. At nang ibaba nito ang bintana ng kotse ay si Chef ito. Bigla itong bumaba at lumapit siya sa amin.
“Ihatid ko na kayo,” sabi niya.
“Huwag na po, maghihintay na lang kami ng bus.” sagot ko sa kanya at hindi ako tumingin sa kanya.
“Babe,” tawag niya bigla sa akin kaya nataranta ako.
“Okay lang talaga kami.” sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya.
“I insist, punuan na ang mga bus kaya mahihirapan na kayong makasakay. Lalo na tulog na ang a–anak mo.” Sabi niya sa akin.
Napatingin ako kay Lucio. Nakaramdam naman ako ng awa sa anak ko. Kaya pumayag na ako. Habang nasa biyahe kami ay nakatulog rin ang dalawa kong kapatid. Medyo traffic kaya alam ko na matatagalan pa kami bago makauwi.
“Chef, pasensya na po kayo sa nangyari kanina. Hindi po sinasadya ng kapatid ko na mabangga ang g–girlfriend mo.” nahihiya na sabi ko sa kanya.
“I’m sorry dahil wala akong ginawa para ipagtanggol kayo. Pasensya kana sa ugali niya,” biglang sabi niya sa akin.
“Sorry rin po dahil naabala ka pa namin ngayon.”
“Puwede ba na ‘wag kang panay sorry. It’s my choice kaya hindi mo kailangan na magsabi ng sorry sa akin.” Parang naiinis na sabi niya sa akin.
“I’m sorr—”
“Isang sorry mo pa at hahalikan kita.” Pagbabanta niya sa akin na ikinagulat ko.
Itinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na ako nagsalita. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay. Binuhat niya ang mga kapatid ko at ipinasok sa silid ang mga ito.
Pumasok rin ako sa silid namin ni Lucio. Akmang lalabas sana ako para magpasalamat kay Chef nang umiyak si Lucio kaya wala akong choice kundi padedehin siya. Nahihiya rin ako dahil alam ko na naghihintay sa akin sa labas si Chef. Kinuha ko ang phone ko dahil tatawagan ko na lang siya.
“Chef, sorry hindi na ako makalabas dahil umiyak ang baby ko.” Sabi ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.
Nanigas ako dahil may biglang humiga sa tabi ko at niyakap pa ako.
“Chef, a-ano po ang ginagawa niyo? Hindi pa po ba kayo uuwi?” kabado na tanong ko sa kanya.
“Can I sleep here? I’m tired already at hindi ko na kayang magdrive.” Bulong niya sa tainga ko.
Medyo nakonsensya naman ako dahil alam ko na napagod siya ng dahil sa amin.
“O–Okay,” kinakabahan na sagot ko sa kanya.
Hiling ko na sana makatulog ako ngayon. Lalo na katabi ko siya at nakayakap pa talaga siya sa akin. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko. Medyo nahihiya ako dahil amoy usok at pawis ako habang siya fresh pa rin ang mabango pa rin.
“Chef," tawag ko sa kanya.
"Hmmm.."
"Huwag niyo po akong yakapin kasi mabaho po ako." Mahina at nahihiya na sabi ko sa kanya.
Pero imbis na tanggalin ay mas niyakap pa niya ako ng mahigpit.