LYKA’S POV
Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa trabaho ngayon. Ang sinabi kasi sa akin ni Chef na isa lang ay nasundan pa ng dalawa. Marupok ako bumibigay rin agad. Maliban sa puyat na ako kagabi ay masakit rin ang nasa pagitan ng mga hita ko at hindi ko alam kung makakalakad ba ako ng maayos ngayon.
Kinuha ko ang phone ko dahil balak kong magpaalam kay Chef na hindi ako papasok. Pero kaagad na bumungad sa akin ang mga text messages niya.
Chef: Good morning, babe.
Chef: How’s your feeling?
Chef: Huwag ka ng pumasok ngayon.
Chef: Reply me when you wake up.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla na lang bumilis ang t*bok ng puso ko. Hindi ito puwede dahil pagkakamali lang ang lahat. Hindi kami puwede dahil alam ko na may mahal na siya. At ayaw ko ng ganito, kaya buo na ang pasya ko. Iiwasan ko na siya dahil ako rin naman ang masasaktan kapag hinayaan ko itong nararamdaman ko.
“May anak kana at hindi ikaw ang nararapat sa kanya.” Saad ko sa sarili ko. Tumulo ang mga luha ko dahil kailangan kong tanggapin ang lahat. Na wala ng seseryoso pa sa akin. Pinilit kong bumangon para puntahan ang anak ko.
“Good morning, ate. Kumusta ang pakiramdam mo? Ang akala namin ay hindi ka makakauwi kagabi dahil sobrang lakas na ng ulan. Sa susunod ate ay ‘wag ka ng umuwi ng madaling araw. Kung may matutulugan ka naman ay doon ka na magstay. Alam namin na ina-alala mo si Baby Lucio pero kaya namin siyang alagaan.” Sabi sa akin ng kapatid kong si Yen.
“Oo nga po ate, kaysa mapuyat ka at mapagod. Mabait naman po ang pamangkin naming ito e.” Dagdag pa ng isa kong kapatid.
Bigla akong nakonsensya dahil sa ginawa ko. Alam ko na nahihirapan ang mga kapatid ko sa pag-aalaga sa anak ko at hindi na nga sila nakakapag-enjoy ng dahil sa akin. Dahil inaalagaan nila ang anak ko.
“Ate, bakit ka umiiyak?” Tanong niya sa akin.
“Salamat sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung paano na lang ako kung wala kayo. At pasensya na kayo kung hindi kayo kung hindi niyo nagagawa ang mga gusto niyo.” Sabi ko sa kanila.
“Kasi ate, ginagawa mo rin naman ang lahat para sa amin. Kaya tutulungan ka namin sa paraan na alam namin. Habang wala pa kaming pasok. Huwag ka ng umiyak, Ate. Mahal na mahal ka namin.” Malambing na sabi sa akin ng bunso kong kapatid.
“Mahal na mahal ko rin kayo. Darating ang araw na makakaahon rin tayo sa hirap at magiging okay ang buhay natin.” Nakangiti na sabi ko sa kanila at niyakap ko sila.
“Ate, may mga pagkain pala na dumating kanina. Galing po yata sa trabaho mo.” sabi sa akin ni Yen.
Nagulat naman ako sa sinabi nila kaya mabilis akong pumunta sa may lamesa at tama nga sila. Galing nga sa restaurant ang mga ito. Wala sana akong balak na magreply sa kanya pero dahil dito sa mga pagkain ay napa-reply ako bigla.
Me: Chef, bakit pa po kayo magpadala ng mga pagkain?
Me: Hindi niyo po dapat ito ginagawa.
Halos mabitawan ko ang phone ko dahil bigla na lang siyang tumawag sa akin. Napatingin sa akin ang mga kapatid ko kaya napalunok naman ako dahil kinakabahan akong sagutin. Kagabi lang siya mabait dahil alam ko na galit na naman ito ngayon. Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag niya.
“H–Hello po,” kinakabahan na sagot ko sa tawag.
“Kakagising mo lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi mo ba nagustuhan ang pinadala ko? May iba ka bang gusto na kainin?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“Chef, okay lang po ako. Hindi niyo naman po sana ito ginawa. Hindi niyo po kailangan na gawin ito. At kung okay lang po sa inyo ay pagbigyan niyo na po ako na maging server na lang ulit. Hindi ko pa po kasi talaga kaya sa kitchen.” Sabi ko at binaba ko na ang tawag.
Mabilis ko ring in-off ang phone ko para hindi na siya tumawag pa. Ngayon na gusto ko ng kalimutan ang nangyari sa amin. Marami ang mga pagkain at binigyan ko ang kapitbahay namin. Pagkatapos ay natulog ako ulit dahil inaantok pa talaga ako. Balak ko rin maglaba mamayang hapon kaya iidlip na muna ako ngayon.
Pero kakapikit ko pa lang yata ay bigla na lang ako nagising dahil sa ingay sa labas. Bumangon ako at paglabas ko sa silid ko ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Chef.
“A–Anong ginagawa mo dito?” Nauutal na tanong ko sa kanya.
“Binibisita ka,” medyo suplado na sagot niya sa akin.
“Ate, siya pala ang boss mo. Ang gwapo po ni Sir,” nakangiti na sabi ng kapatid ko.
“Really gwapo ako?” Tanong niya sa kapatid ko.
“Opo, diba ate gwapo siya?” Biglang tanong sa akin ng kapatid ko. Kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata pero tumawa lang ito.
Tumingin naman ako kay Chef at ang lawak ng ngiti niya. Feel na feel niya talaga na pinuri siya ng mga kapatid ko.
"Sakto lang naman ang kagwapuhan niya. Mas gwapo pa rin si Samuel." Biglang sabi ko.
Nakita ko na umigting ang panga niya at halatang galit siya sa sinabi ko. Pero wala akong pakialam. Baka mamaya kapag sinabi ko na gwapo siya ay isipin pa niya na may gusto ako sa kanya. Wala nga ba Lyka? Tanong ko rin bigla sa sarili ko.
"Pasalamat ka kuya ko 'yon dahil kung ibang lalaki ang pinuri mo ay malalagot ka sa akin. Paparusahan kita hanggang sa hindi ka makalakad." Bulong niya bigla sa tainga ko.
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko sa kanya. Pero bigla na lang itong tumawa kaya sa sobrang inis ko ay pumunta ako sa kusina para maghugas na lang ng mga hugasin. At para itago rin ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiyang-hiya ako.
"May problema ba?" Tanong niya sa akin.
"Alam mo ang sagot diyan sa tanong mo."
"Hindi ko alam."
"Pagkakamali lang ang nangyari sa atin kagabi.” Sabi ko sa kanya.
“Pagkakamali? Ginusto natin hindi ‘yun at pagkakamali.” Sabi niya sa akin.
“Please, Chef. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat. Sana ganun ka rin kasi may girlfriend ka diba? Empleyado mo ako at hindi dapat natin ginawa ‘yun. Pagkakamali lang talaga ang nangyari sa ating dalawa. Kaya sana huwag mo na akong kausapin. Kumilos na lang tayo bilang empleyado at boss.” sabi ko sa kanya.
“Fvck!” mahinang mura niya at umalis sa likuran ko. Narinig ko siyang nagpaalam sa mga kapatid ko.
Pinaki-ramdaman ko lang siya. Alam ko na lumingon muna siya sa akin bago siya tuluyang lumabas sa bahay namin.
“Tingin ko ate, gusto ka ni Chef. Bagay naman po kayo e. Maganda ka at gwapo naman siya.” Sabi sa akin ng kapatid ko.
“Hindi niya ako gusto. At isa pa hindi kami bagay, hindi porket maganda ako o gwapo siya ay bagay na kami. Lagi niyong tatandaan na mahirap pumasok sa mundo na hindi natin nakasanayan. Sa mundo na hindi tayo nababagay at isa pa may anak na ako. Kaya mas lalong mahirap makahanap ng lalaki na magmamahal pa sa akin. Kaya kayo mag-aral kayo ng mabuti at huwag kayong tumulad sa akin.” Saad ko sa kanila.
“Idol ka namin ate, kasi ang sipag mo at mapagmahal ka. Alam namin na nahihirapan ka pero kinakaya mo pa rin. Higit sa lahat ikaw ang pinakamabait sa lahat.”
“Binobola niyo ako, e ako lang naman ang ate niyo.” Nagtawanan kaming tatlo.
Tumigil lang kami sa biruan namin nang marinig kong umiyak si Lucio kaya mabilis akong pumasok sa silid ko para padedehin siya. Sa ngayon ay kailangan na naka-focus ang isipan ko sa anak ko at hindi sa kahit na ano pa mang bagay.
“Bahala na bukas. Kung aalisin o hahayaan niya ako sa trabaho.” saad ko sa sarili.