BRIXON Fvck! Nahihirapan akong matulog. Nasanay na kasi ako na katabi ko si Lyka. Para kasi siyang sleeping pill ko. Ang bilis kong makatulog kapag siya ang nasa tabi ko. I miss her natural scent, her hugs and kisses. Pero higit sa lahat ay nami-miss ko ang lahat sa kanya. Nami-miss ko rin si Lucio. Dahil nasanay na ako sa kanya at sobrang gaan ng loob ko sa batang ‘yun. “Kuya, sama ka sa amin? Minsan na lang tayo makumpleto e.” sabi sa akin ng pinsan ko sa kabilang linya. “Sige,” sagot ko sa kanya kahit hindi pa ako nagpapaalam sa babaeng mahal ko. Saka na lang ako tatanggi sa mga pinsan ko kapag hindi ako pinayagan. Gusto kong magpaalam sa kanya. Para alam niya ang mga ginagawa ko dito sa probinsya at habang hindi kami magkasama. Alam ko na kailangan kong sabihin sa kanya dahil gust