LYKA’S POV Kinabukasan ay wala na si Brixon sa tabi ko. Pinilit kong bumangon kahit na masakit ang buo kong katawan. Paglabas ko sa silid namin ay nakangiting mga mukha ng kapatid ko ang bumungad sa akin. Kaya naman napangiti na lang rin ako. Lalo na nakita ko ang gwapo kong anak. “Good morning, ate. Pinaliguan na po namin si Lucio.” Nakangiti na sabi sa akin ni Yen. “Thank you, Yen.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Kumain kana, ate. Kabilin-bilinan ni Kuya na huwag ka raw papagutuman.” natatawa na sabi niya sa akin. “Kayo talaga nagpapaniwala kayo sa kanya.” sabi ko sa kanila. “Alam mo, ate. Minsan naiisip ko, na sana si Kuya Brixon na lang ang tatay ni Lucio. I mean si kuya kasi ideal man siya. Nakikita ko na mahal ka niya kahit na minsan ay pabebe ka. Noong una namin siyang makita