"Kumusta exams ate? Dapat ay nag-absent ka nalang para maka-review ka." Ngumiti ako kay Cassie habang tinatali ang apron sa aking likod. Kaaalis lang ng cashier na pang umaga. Si Cassie ay ala-una ang time ng pagpunta niya rito kaya madalas siyang nauuna sa akin- actually hindi madalas kasi palagi. "Ayos lang. Keri naman." Ayun na naman ang nanunukso niyang mga tingin. "Zale is not my boyfriend, Cassie." Humagalpak siya ng tawa saka ngingisi-ngising humarap sa menu, pinupunasan niya ang menu board pero ang nang-aasar na ngisi niya ay hindi mawala-wala. Humarap siya at lumabi, kapagkuwan ay muling hinarap ang ginagawa. "Wala naman akong sinabi, ate ah?" Ang pang-aasar at hinala ni Cassie ay mas lalo niyang napatunayan ng makitang si Zale na naman ang susundo sa akin. Argh! Sa kabi