November came by so fast. Dinig na dinig na kahit saan ang mga pamaskong awitin. Christmas decorations are everywhere and red color is dominating the place. Nakakatuwa na kahit nobyembre palang ay dama mo na ang maaliwalas at masayang salubong ng mga tao sa pasko at sa bagong taon. It's the 3rd day of November at nakasara ang shop. Mag-de-design kasi kami ngayon para sa holiday season. Gagawing mas romantic ang ambiance ng Lugar gayunpaman ay mananatili ang vintage theme nito. "Kapagod," nagpunas ng pawis si Cassie at tumabi sa akin. Dinig na dinig ko pa ang hingal niya. I handed her a glass of water, "Kaya pa?" She nodded. "Kering keri pa! Matatapos naman na siguro ito bukas." Mukha namang matatapos na ito bukas. Kaunting polishing nalang ng mga designs at kaunting linis na rin dahil