"Tapos na ang klase?" Pabulong kong isinigaw iyon. Damn. Tapos na? Nakatulog ako at hindi man lang ako ginising nitong katabi ko? Ugh! Buti nalang at kahit papaano'y minor subject lang ito at medyo madali lang kumpara sa ibang asignaturang kinukuha namin. "Yup," she said confidently. Tinignan ko siya ng masama. "Bakit? Kasalanan ko bang natulog ka? Hindi na kita ginising kasi baka nga pagod ka-- oopss. Walang halong green minded iyon ha?" Aish! Kahit naman singhalan ko ito ay tapos na rin. Wala naman daw ginawa at halos inulit lang ang lesson noong nakaraan kaya ayos na rin. At least nakapag-pahinga ako saglit bago magtrabaho. Right? "Let's go. Tambay ako sa shop ngayon hanggang six," ani Trina at isinukbit ang kamay sa aking siko sa padarag akong hinila palabas ng University. Sakto