Chapter-2

1008 Words
"Kuya saan tayo pupunta?" Tanong niya sa kapatid ng biglaan siya nitong yayahing lumabas. Nagulat nga siya nang mayaya ito, dahil hindi naman siya niyayang lumabas ng kapatid. Hindi sila close nito, malaki kasi anf agwat ng kanilang edad. Halos hindi nga siya pinapansin ng Kuya Joseph niya pag nasa bahay. Hindi rin sila nito nagkakausap. Kaya hindi niya maiwasang magtaka sa biglaang pagyaya nitong kumain sa labas. "Sinabi ko na kanina sa iyo hindi ba, Tamara? Kakain tayo sa labas," inis na tugon nito sa kanya. "Sumakay ka na,," sabi pa nito sa kanya. Sumimangot lang siya at inikot ang mga mata saka binuksan ang pintuan ng passenger seat at sumakay na sa loob. Stepbrother niya si Joseph, anak ito ng napangasawa ng Mommy niya. Wala kasi siyang Daddy, dahil bago pa man siya isilang namatay na raw ang Daddy niya sa aksidente. Kinse anyos naman siya nang magpakasal ang Mommy niya at iyon ay sa Daddy ni Joseph. Malaki ang agwat ng edad nila ni Joseph kaya marahil hindi sila nito naging close, bente otso na kasi ito at siya naman eh kaka eighteen palang niya. "Kuya saan ba tayo pupunta?" Muli niyang tanong habang tinatahak na nila ang kalsada ng bayan ng San Miguel. Masamang tingin naman ang pinukol nito sa kanya. Hindi naman siya nakakaramdam ng takot sa Kuya Joseph niya. Kahit hindi sila nito close, hindi naman siya nito inaaway o sinasaktan. Sadyang may pagka suplado lang ang stepbrother niya at baka busy lang din sa trabaho. "Bakit ba ang kulit mo? Bakit tanong ka ng tanong Tamara?' Inis na tanong sa kanya ni Joseph. "Eh, Kuya ngayon mo palang kasi ako niyayang lumabas," saad niya. "Oh.. Ano ngayon? Pasalamat ka nga niyaya kita eh," sabi naman nito na hindi man siya sinusulyapan. Nakatuon ang atensyon nito sa kalsada. Matapos ang halos bente minutos alam na niya kung saan ang tinutumbok ng sasakyan nila. Papasok sila ngayon sa VincElla Hotel ang pinaka luxury hotel sa bayan nila. "VincElla Hotel?" Bulalas niya. "Huwag madumi ang isip mo ah!" Saad naman ni Joseph. "Eh Kuya bakit dito?" Nagtatakang tanong niya. Hindi sila magkapatid ni Joseph. Hindi sila bloody related. Anong malay niya kung may pagnanasa pala sa kanya ang stepbrother niya. Hindi nga lang halata. "May restaurant diyan. Kakain lang tayo, kasama ang kaibigan kong si Elijah," tugon nito sa kanya. "Kilala mo naman si Elijah hindi ba?" Tanong nito sa kanya. Hindi siya agad nakakibo. Kilalang-kilala niya si Elijah na kaibigan ng kapatid. Elijah Dela Merced. Nag guest speaker ito sa San Miguel University noong last sem. Isama pang ilang beses na niyang nakitang nagpupunta sa bahay nila noon si Elijah. Sikat na sikat si Elijah Dela Merced sa mga teenager na katulad niya. Paano naman napakagwapo kasi nito, malakas ang dating. Isama pang napakatalino daw nito kaya napaka successful ng nito pagdating sa pag ne-negosyo. Si Elijah rin ang nag ma-manage ng VincElla Hotel sa bayan nila, pati sa ibang lugar. "Kilala ko siya Kuya," tugon niya na hindi maitago ang excitement. Tiyak kasi na kaiinggitan siya nina Maddie at Lacey pag nalaman ng mga ito na nakasama niya si Elijah Dela Merced. "Good," tanging tugon ng kapatid sa kanya at nag park na ng sasakyan. "Bakit naman kasi Kuya hindi mo sinabi agad na kasama pala natin si Elijah di sana nagbihis ako ng maayos," taranta pa niyang sabi habang nag-aayos ng buhok at sinusuri ang mukhan. Casual lang ang suot niya. Blouse and pants lang. Pero maganda naman kasi siya. Kaya ng sikat na sikat siya sa San Miguel University. Sa edad niyang eighteen may mga naging boyfriend na rin siya. Although hindi naman niya kino-consider na boyfriend talaga ang mga iyon, parang fling lang ganon. Gwapo at mayayaman lang ang pinapatulan niya syempre. Bukod sa gwapo, mayaman kailangan matalino rin. Dahil ayaw niya sa lalaking mahirap kausap, mahirap umintindi. Hindi naman siya play girl or whatever, nais lang niyang i enjoy ang kanyang kabataan, kaya sa tuwing may manliligaw sa kanya na pasado naman sa panlasa niya eh sinasagot niya agad. Para kasi sa kanya hindi na uso ang matagal magpaligaw kung gusto mo naman, at kung marami pa ang makapila. Kaya tama lang na sagutin na niya agad para kung magsawa na siya agad eh makapili siya muli sa mga nakapila sa kanya. Ewan kasi niya kung bakit lapitin siya ng mga lalake. Ang madalas niyang marinig sa mga nakakarelasyon niya eh, maganda daw kasi siya at sexy kaya siya nagugustuhan ng mga ito. Isama pang sikat siya sa school nila. Ganoon pa man papalit-palit man siya ng sinasamahang lalake, alam naman niya ang limit niya. Iniingatan pa rin niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang magaya sa Mommy niya na maagang nabuntis. Nais lang talaga niyang mag enjoy sa buhay, iyung walang regret pagtanda niya. Basta aware siya sa ginagawa niya at may pag iingat siya sa kanyang sarili. Nakangiti siya nang pumasok sila ng Kuya Joseph niya sa loob ng hotel habang nakayuko naman ang kapatit at pa text, text marahil si Elijah na ang ka text nito at sinasabi marahil na nasa loob na sila ng hotel. Sa ganitong biglaan eh hindi tuloy niya maiwasang maisip na baka naman si Elijah mismo ang ang request sa Kuya Joseph niya na mag set up ng date para sa kanila. Baka naman katulad din niya na hindi siya makalimutan ni Elijah nang makita siya nito sa San Miguel University. Buti na lang at nakipag break na siya kay Cody last week, kaya malaya na siyang makapag entertain ng bagong manliligaw. Napakaswerte naman niya kung type nga siya ni Elijah Dela Merced. At ginamit pa talaga nito ang Kuya niya para makilala siya Pumasok silang magkapatid sa kilalang restaurant. May naka reserved na nga para sa kanila. Kaya naman lalo siyang natuwa. Para bang pinaghandaan talaga ni Elijah ang pagkikita nila. Well, kung si Elijah na nga ang susunod niyang magiging boyfriend i se-secure na niya ito at hindi na pakakawalan. Sure na ang future niya. Isama pang napakagwapo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD