IPINAGMANEHO nga ni Noah si Michelle hanggang sa bahay nito. Wala siyang pakialam kung umagahin man siya sa pag-uwi. Isa iyon sa pinakamasayang araw niya kaya susulitin na niya. "Pasok ka muna. Dito ka na mag-dinner," yakag sa kaniya ng dalaga bago ito bumaba ng sasakyan. Hindi na kasi sila nakakain sa labas dahil nawili sila sa presensiya ng isa't isa sa loob ng kotse nito. Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan. "Salamat. Pero sa bahay na lang. Nakakahiya sa parents mo. Gabi na." "Don't worry dahil mga kasambahay lang ang kasama ko ngayon. Nasa ibang bansa sina Mom and Dad for vacation. After one week pa ang balik nila." Pinisil ni Noah ang kamay nito. "Pero baka pagod ka. Magpahinga ka na lang muna. Magkita na lang uli tayo bukas." Nangingiting pinagsalikop ni Michelle ang mga k