#2:

2722 Words
2 Kinausap ni Dr. Lian ang isa pa sa co-doctor na kasama niya sa hospital. Maliban kay Karrim ay isa si Dr. Devon sa kasosyo nila sa hospital. Isa sa mga Alpha na naging kaibigan niya. Nagpaalam siya dito na mawawala muna siya ng isang buwan dahil dadalawin niya ang kanyang mga magulang. "Dadalaw ka lang ba? Bakit dala mo na yata ang lahat ng mga gamit mo?" Natatawa pa nitong tanong sa kanya. Napatingin siya sa mga isinalansan sa loob ng kanyang sasakyan. Ang motorhome na matagal na niyang binili pero hindi naman niya nagagamit dahil hindi naman siya lumalabas ng nasasakupan ng hospital. Malaki iyon. Kung talagang gusto niyang maglakbay ay kahit hindi na siya umuwi ng ilang taon dahil dala dala na niya kung sakali ang bahay niya. "Bakit hindi ka na lang sumakay ng eroplano para apat na oras lang ay nandoon ka na? Hindi ka pa maliligaw." Sabi pa nito sa kanya dahil alam nitong mahina siya sa direksyon. "Kaya nga dinala ko ang mga kakailanganin ko sa daan. Sakali mang maligaw ako ay kumpleto ako sa gamit." Sabi naman niya dito. "At alam mo naman kung hindi ko gusto ang sumakay ng mga airplanes." "Yeah! Dahil nabibingi ka sa tuwing sasakay ka sa mga iyon. Kahit sino naman." "Basta ikaw na muna ang bahala dito sa hospital para sa akin. Babawi na lang ako kapag nakabalik ako." Sabi pa niya dito ng maisara na nga ang pinto ng van niya. "Sige, mag-ingat ka." Sabi pa nito na sinabayan ng pagkaway ng pasakay na siya. Tumango na lamang siya bago tuluyang sumakay. "Sana naman hindi ako mawalan ng signal sa daan." Bulong niya ng umarangkada na paalis ang kanyang sasakyan. And signal na lang ang kanyang inaasahan ng makapagturo sa kanya ng tamang daan at hindi siya mawala sa kahabaan ng kanyang biyahe para madalaw ang kanyang mga magulang. Isa, dalawa, tatlong, hanggang sa apat na oras na siyang nagmamaneho ng magpasya siyang magpahinga. Malayo-layo pa ang lalakbayin niya bago siya makarating sa Nirvana kung saan doon nakatira ang kanyang mga magulang na may sariling hospital na pinamamahalaan. At ang hospital na iyon ay ang pinakamalaki na sinusundan ng hospital na pinamamahalaan niya. Ipapamana iyon sa kanya pero hindi na muna niya iyon tinanggap dahil nais niyang ipakita sa mga magulang na may mararating siya na wala ang tulong nila at napagtagumpayan naman niya iyon dahil sa may hospital na siyang pinamamahalaan. Kahit sabihing may kasosyo siya doon ay sapat na iyon para maipagmalaki niya ang sarili. At ang mga magulang niya ay ang private doctor ng maharlikang pamilya ng mga Marques na sa pagkakaalam niya ay mortal na kalaban ng Maharlikang pamilya nila Aaric. At para sa kanya ay labas na siya sa kung ano man ang hidwaan ng dalawang pamilya. Ayaw niyang makisawsaw sa mga iyon dahil ayaw niyang may panigan sa dalawang maharlikang pamilya. "Sinunod ko na lang sana ang sinabi ni Dr. Devon." Aniya habang iginagala ang paligid matapos maitabi ang kanyang Van. Nasa kalagitnaan parin siya ng malawak na kagubatan ng Val Verde. Malayo pa siya sa hangganan ng bansa para marating niya ang Bansa ng Molvania. Ang Tierra na ang pinakamalapit sa border line ng dalawang bansa na ang akala niya ay mabilis lamang niyang lalakbayin ang pagitan ng dalawang bansa pero nagkamali siya. "Ugh. Ang liit naman ng pagitan nila sa mapa pero bakit ang layo." Sabi niya na sinabayan pa ng buntong hininga. Bumaba siya ng Van at muling iginala ang paningin sa paligid. Hindi naman siya natatakot kahit na mag isa siya. At para saan niya ilulugar ang takot niya kung isa naman siyang lobo? Maliban na lang kung makasalamuha siya ng mga rogues na gumagala lamang sa kagubatan. At pagtangkaan siya ng hindi maganda. Hindi pa naman siya marunong makipaglaban, maliban na lang kung gagamit siya ng pheromones to dominate them para hindi siya magawan ng masama. "Hmmm." Nagpahinga lang siya ng halos isang oras bago siya muing nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi na siya tumigil pa na umabot na naman ng limang oras bago niya narating ang hangganan ng bansang Val Verde at makapasok na sa bansang Molvania. Nagpasya na siyang tumigil muna sa pagmamaneho ng muling maka paghinga ng mas mahaba dahil aabutin pa siya ng labing dalawang oras bago siya tuluyang makarating sa Nirvana. Ipinagpasalamat niya na hindi siya nawalan ng signal habang naglalakbay dahil baka maligawa talaga siya lalo na at maraming sanga-sangang kalsada ang dinaanan niya. Pumili siya ng magandang pwesto kung saan niya ipaparada ang kayang Van pero dahil sa kagubatan parin ang sumalubong sa kanya sa Molvania ay hindi siya nakakita ng magandang pwesto. Kaya naman basta na lang niyang ipinarada iyon sa kung saan na niya inabot ng pagod sa pagmamaneho. Sa pagtigil niya kasabay ng pagsulpot ng kung sino sa harapan ng kanyang sasakyan. Madiin niya ang pag apak ng preno dahil sa gulat niya. "Who is that?" Tanong pa niya sa sarili na dumungaw pa sa harapan ng sasakyan kahit na wala naman siyang makita. "But I'm sure it's a person." Mahinang usal niya na binitawan sa pagkakadiin ng preno sa paa. Magkakasunod pa ang ginawa niyang paglunok na nagdadalawang isip kung bababa ba siya ng sasakyan. "Pero sigurado naman akong hindi ko siya nabunggo." Sabi pa niya ulit na nagtatalo ang isip kung titignan ba niya ang taong bigla na lang sumulpot sa harapan. "Bahala na." Maingat ang naging galaw niya sa pagbaba ng sasakyan. At habang palapit siya sa harapan ay unti unti na ding lumabas ang mga matatalas niyang kuko sakali mang manganib siya. Nagpakawala na din siya ng pheromones para maprotektahan ang sarali sakaling rogues ang nabunggo niya. "Huh." Nagulat siya ng makita iyon saka niya inusisa at hindi niya alintana ang kahubdan ng lalaki. "Hey." Pero ganun na lang ang naramdaman niyang pag aalala ng makita kung sino ang taong basta na lang sumulpot sa harapan ng sasakyan niya kanina. Mabilis niyang dinaluhan ito dahil sa nakitang may mga sugat ito. Sa tulong ng liwanag ng ilaw ng sasakyan niya ay nakita niya kung gaano kalala ang kalagayan niyo. Pero hindi ang mga sugat na natamo nito ang nakapagpagimbal sa kanya dahil nakita niya ang nakabaong matulis na bato sa likod nito. Isa siyang doctor kaya natural lamang na mag alala siya sa kahit na sinong nangangailangan ng tulong lalo na sa mga katulad nito na ngayon ay malala ang sugat na natamo. "S-sandali. Halika, kaya mo bang tumayo?" Tanong niya sa lalaki pero mahinang pagdaing na lang ang itinugon nito. "Ah! Ano ba yan?" Hindi naman sa nagrereklamo siya pero ng subukan niya itong itayo ay hindi man lang niya natinag o maiangat ang katawan nitong nakahandusay sa lupa. "Wait here. Kukunin ko na lang ang gamit ko dito." Muli ay sabi niya dito. Mabilis na pumasok siya sa loob ng sasakyan at kinuha ang mga gamit niya. Kinuha niya ang banig na dala. At ang medical kit niya. Isa iyon sa mga inihanda niya nung umalis siya sa hospital. Kaya nga napuna iyon ni Dr. Devon dahil halos dinala na nga niya ang mga gamit niya. Kumpleto ang surgical tools na dala niya na may dala ding mga gamot. In case of emergency lang naman iyon pero hindi niya akalain na magagamit siya sa kalagitnaan ng biyahe niya papunta ng Nirvana. "Hang on. I can help you." Sabi niya habang inilalapag ng maayos ang banig sa lupa. "C'mon. D-dito. Ugh." Saka niya itinulak ang katawan ng lalaki at talagang ipinagulong niya hanggang sa ipadapa niya ito sa banig na inilatag. "Ugh." Daing ng lalaki na napangiwi pa dahil sa pagkakagalaw ng nakabaon sa likod nito. Napangiwi din siya. "Sorry for that. Hindi naman kasi kita mabuhat, you know. Ang laki naman ng katawan mo kumpara sa akin. At hindi ako mahilig mag exercise kaya mahina ako pagdating sa buhatan." Pagpapaliwanag pa niya dito kahit hindi naman kailangan iyon. "Okay, let's start." Doon na siya sumeryuso. Matapos niyang iayos ang kanyang mga gamit ay hinarap na niya ito. Nilagyan ng oxygen sa bibig ito at tinurukan ng dextrose saka niya din ito tinurukan ng anistisya. Wala man siyang machine na magmomonitor sa pulso nito ay hindi na niya iyon inisip. Basta ang mahalaga ay mabigyan niya ng paunang lunas ang sugat nito at matanggal ang nakabaong bato sa likuran nito. Inuna na niyang nilinisan ang sugat nito sa balikat. Bago siya dumako sa likod nito na may nakabaong matulis na bato. Maingat ang bawat galaw niya pero nandoon ang ekspertong galaw ng isang doctor na mahusay sa operasyon. Hindi man niya forte ang ganung operasyon ay iniisip na lang niya na isang bata ang tatanggalin niya sa katawan nito. Sa tulong ng ilaw ng sasakyan niya ay hindi siya nahirapan kahit madilim ang paligid. Hindi na din niya alintana ang naramdamang antok kanina dahil mas nanaig sa kanya ang tulungan ang lalaki. Inabot siya ng halos isang oras bago siya natapos at naging matagumpay ang pagtanggal nito sa bato sa likod nito. Ligtas niya itong naoperahan pero nakatulog na ito bago pa man siya matapos kanina. Nilinisan na din niya ang buong katawan nito bago niya binalot iyon ng bendahe. Tinanggal na din niya ang oxygen dito dahil okay naman ang paghinga nito. Kumuha na din siya ng damit niya na pwedeng ipasuot dito ng hindi naman ito nakahubad. "Uhm. Okay na yan." Sabi niya ng pinagmasdan ang lalaki matapos ipasuot dito ang pinakamaluwan na niyang long pants na naging 3/4 na lang ang haba dito. Inayos na din niya ang pagkakaparada ng kanyang sasakyan para itapat dito ang extended tent sa kaliwang bahagi ng van niya para may masilungan ito. "Gusto kitang ipasok sa loob ng Van pero hindi naman kita mabuhat kaya dito ka na lang muna hanggang sa kaya mo ng tumayo." Kausap niya sa natutulog na lalaking tinulungan. Kumuha pa siya ng isa pang banig para ipalit sa nauna dahil nabahiran na iyon ng dugo. Kumuha na din siya ng kumot para hindi naman ito lamigin dahil malamig ang simoy ng hangin sa kagubatan. "It's my job to help people pero ano ang nangyari sayo?" Muli ay tanong niya na nakatitig sa mahimbing na lalaki. Nagkibit balikat pa siya dahil patuloy lamang siya sa pakikipag usap dito kahit alam naman niyang hindi nito masasagot ang mga katanungan dahil tulog ito. "Whatever." Sabi niya na napagod na din sa mga ilang pagtatanong dito. Tumayo na siya sa pagkakaupo sa tabi nito at nagpasya siyang ilabas ang maliit na lutuan at magluluto siya ng instant noodles dahil wala pa siyang kinakain simula ng umalis siya ng hospital. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain ng noodles niya ng marinig niya ang pagdaing ng lalaking tinulungan kaya itinabi na muna niya ang kinakain at nilapitan ito. "Damn." Narinig niyang mura ng lalaki at hindi makagalaw sa pagkakahiga. Nadako ang tingin nito sa kanya. "f**k, what did you do to me. Why I can't move?" Galit na tanong ng lalaki na pilit ikinilos ang mga kamay. "May bisa pa ang anistisyang na naiturok ko sayo." Sagot niya dito. "Damn, I don't need anesthitic. f**k you, and you dare to touch me." "Huh." Nanlaki ang mga mata niya na napanganga dahil sa sinabi ng lalaki. "Hello, if I didn'y help you, baka hindi ka na humihinga ngayon. At saka ganyan ba ang isusukli mo sa tumulong sayo." Sumbat niya dito pero hindi naman siya galit. Nainis lamang siya dahil sa hindi magandang ugaling ipinakita ng lalaking tinulungan niya. "And who tell you to help me?" Marahas ang pinakawalan niyang paghinga dahil sa pangit na ugali ng lalaki. Pero dahil isa siyang doctor at sanay siya sa mga ugali ng mga pasyente niya minsan na masasama ang mga ugali ay hindi na iyon bago sa kanya. "Just rest. Hindi ako pumapatol sa mga kasungitan ng mga pasyente ko." Sagot niya dito bago niya ito tinalikuran. Pero natigilan siya sa paghakbang ng maramdaman niya ang pheromones ng lalaki. Napalingon siya dito. An Alpha. "Kung nais mo akong takutin sa pheromones mo ay magpagaling ka na muna dahil walang epekto iyan sa akin." Sabi niya dito bago muling tinalikuran. "Ugh! Fuck." Narinig pa niyang mura nito pero hindi na niya pinansin. "An Alpha but weak. His good look are useless." Bulong pa niya habang palayo dito. Binalikan niya ang itinabing noodles at muling iyong kinain. Napangiwi siya dahil hindi malamig at na hindi na masarap. Muli siyang nagsalang ng mainit na tubig para muling magluto ng noodles. Dinamihan na din niya para sa kanyang pasyente sakaling gusto nitong kumain. "Gusto mo bang kumain?" Tanong niya dito ng balingan ang lalaking nakaupo na kahit na hindi pa masyadong naigagalaw ang katawan dahil sa anistisya. Natanggal na din nito ang ikinabit niyang dextrose. "Trash." Sabi nito kaysa tanggapin ang alok niya. Kung hindi lang mahaba ang pasensya niya ay kanina pa niya ito sinigawan. "Ikaw ang bahala." Sabi na lang niya pero hindi niya iyo tinalikuran bagkus kinuha pa niya ang maliit na upuan at umupo siya paharap dito. "Hmmm, yummy." Saka niya kinain sa harapan nito ang noodles na niluto. Nais niyang inggitin ito baka sakaling magbago ang isip nito. Matalim lang na binawi nito ang tingin sa kanya. Napangiti siya ng makita niya ang paglunok nito. "Ugh! Yummy." Saka niya nilakasan ang paghigop ng sabaw ng kinakain. Pero naubos na niya iyon ay wala parin itong imik at talagang binalewala lang siya nito. Napalabi siya na tumayo na dahil walang napala ang ginawa niyang pang iinggit dito. "Bahala ka sa buhay mo." Bubulong bulong pa siyang muling lumayo dito. Hindi na niya ulit ito tinapunan ng tingin habang inaayos ang kanyang pinaglutuan at itapon ng maayos ang pinagkainan. Pumasok siya sa loob ng van saka niya sinaraduhan ang lalaki. Wala na din siyang pakialam kung aalis agad ang lalaki kapag nakabawi na ito ng lakas. Ang nais lang niya ngayon aya ng magpahinga ng mas matagal dahil mahaba haba pa ang lalakbayin niya bago makarating sa Nirvana. "Isang Alpha." Sagot niya sa kaibigang babaeng omega na isa ding doctor sa hospital nila. Naikwento niya dito na may tinulungan siyang lalaking sugatan. At nasabi niyang isa din ito sa kanilang lahi. "Really." "Yeah. Pero bakit parang natuwa ka pa?" Tanong naman niya dito dahil kahit wala ito sa harapan niya ay nakikinita niyang nakangisi ito at kung nasa tabi lamang siguro niya ito ay baka pinaghahampas pa siya sa braso. "It's you chance, Lian." Sabi nito. "Chance?" "Yeah! Bakit hindi mo siya ngayon gamitan ng pheromones habang mahina pa siya. Tapos akitin mo. Siguradong bibigay yan, gurl kahit sinabi mong masungit. And you can dominate him." Kunot ang nuo niya sa sinabi ng kaibagan. Hindi niya akalaing itutulak siya nitong gumawa ng bagay na gawain lamang ng mga omegang disperado na sa buhay. Pero.. minsan na din niya iyong naisip. Na gumawa ng paraan para magkaroon siya ng sariling anak na hindi niya kailangang matali sa isang Alpha. "Pag iisipan ko." Naitugon niya dahil hindi pa naman siya sigurado kung kaya ba niyang gawin iyon lalo na sa kanyang pasyente. "Yeah! Kunin mo na ang pagkakataong ito, Lian. Saka sabi mo naman na gwapo at may dating. Hayaan mo na ang mahinang pheromones niya. Madadala ka naman siguro sa pustura ng isang iyon." "Yeah, yeah! Pag iisipan ko pa nga." Sabi niya dito. "Sige na, magpapahinga na muna ako. Saka na lang ako tatawag ulit kapag nakarating na ako sa Nirvana." "Okay, okay. Huwag mong kalimutan ang sinabi ko. Bye bye." Pahabol pa nito bago naputol ang linya nilang pareho. Nagpakawala siya ng malalim na hininga na napatingin sa labas ng bintana. Dahil walang ilaw sa loob ng hindi siya nito makikita kahit habang siya ay kitang kita niya kung ano ang ginagawa nito. Pilit paring iginagalaw ang katawan kahit na paralesado parin ito dahil sa anistisya. "Why not?" Sa loob loob niya na nakapagpasya na agad sa gagawin niya. "This is my first doing this." Aa loob loob niya. Na kung magtatagumpayan niyang akitin ito ay hindi niya pagsisisihan na ito ang magiging unang karanasan niya sa isang Alpha. "At sana nga, magtagumpay ako para hindi naman masayang ang desisyon ko." Sabi pa niya na nagpasyang muling lumabas ng sasakyan. At sa paglabas niya ay nagpakawala na siya ng pheromones na pang akit sa pasyente niyang Alpha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD