#1:

2817 Words
1 HOSPITALES DE ALTA TIERRA Hospital na ginawa na niyang tahanan. Hospital na doon na lang umiikot ang mundo niya. Ilang taon na ba siyang nasa hospital na iyon, na halos hindi na alam kung ano ang hitsura sa labas ng malaking hospital na pinamamahalaan niya. Ang hospital na nasa pagitan ng Tierra de Lobo kung saan nandoon na halos ng kalahi nila at ang alta de Siyudad kung saan ordinaryong tao lamang ang nakatira. Ang hospital na pinamamahalaan ay ang isa sa pinakamalaking na sa lahat ng hospital. Magpaganun pa man ay bukas ang hospital sa lahat. Wala silang pinipiling pasyente. Kung ano at sino ang mga may kailangan ng tulong ay handa ang lahat ng nasa hospital na pagsilbihan at gamutin ang mga ito. Sa OB Gyn ang forte niya bilang doctor. At doctor siya ng mga omega. Omegang humihingi ng payo at mga gamot para sa mga heat cycle nila. Habang siya ay hindi na niya iyon problema dahil para sa kanya ay balewala ang heat cycle dahil doctor na siya para sa kanyang sarili. "Don't make any mistake again." Paalala niya sa nurse na nakagawa ng pagkakamali. "Remember this, just one mistake can kill the patient." "Yes, Dr. Velasquez. Sorry again." "And avoid apologizing because the mistake cannot be fixed either. Just do your job well." Seryusong sabi pa niya dito. "Yes, Dr. Velasquez. Excuse me." Nakayukong muling tugon nito bago nagpaalam. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga na binawi ang tingin sa nurse na kumaripas ng takbo na hindi maitatago ang takot sa kanya. "Ugh! I'm tired." Aniya na hinilot pa ang batok dahil sa pagod siya sa maghapong trabaho sa hospital. Anim ang isinagawa nilang operasyon ngayon kaya nakaramdam siya ng pagod. Idagdag pa ang biglaang pagdalaw ng Hari na pinsan ni Karrim kasama ang Luna nito at hiningi ang kopya ng records nung nanganak ito. "Good for them." Sa loob loob niya dahil maganda nga namang balita ang malamang buhay ang anak na inakalang patay na dahil sa insidente 6 years ago. Tinahak niya ang pinakamataas na palapag ng hospital. Kung saan nandoon ang isang silid kung saan siya namamalagi. Doon na siya halos tumira simula ng magpasya siyang umalis sa hospital ng mga magulang at ngayon siya na ang namamahala ng buong Hospitales De Alta Tierra. Siya na ang naging presidente sa malaking hospital kaya marami siyang responsibilidad na naging dahilan para hindi na siya halos nakakalabas sa hospital na iyon. Idagdag pa na wala namang nakakatawag ng interest niya. Masaya na siya sa simple niyang buhay bilang isang doctor. Ang makitang malusog at ligtas ang mga batang naisisilang ay masaya na siya. "Hmmm." He took a deep breath when he reached his residence on the top floor of the hospital. Maayos na inalis ang doctor uniform niya at isinabit iyon. Dumeretso sa kusina, nagbukas ng ref, kumuha ng malamig na bottled water, minsanang tinungga at pahagis na itinapon iyon sa basurahan ng wala ng laman. Pumasok na siya sa kanyang silid kung saan may sariling banyo maliban sa banyo sa loob ng sala niya. Inisa-isang tinanggal ang damit na basta na lang naiiwan ang mga iyon sa dinadaanan niya hanggang sa makapasok na sa banyo. Binuksan ang dutsa ng tubig saka niya itinapat doon ang katawan. "Hmmmm." Napatingala siya. Kusang pumikit ang kanyang mga mata ng tumama sa mukha niya ang masaganang tubig na lumalabas sa shower. Naihilamos ang mga palad sa mukha. Napasinghap siya para hindi mawalan ng hininga habang nakatapat parin ang mukha sa tubig. Ilang minuto din siya sa ganung ayos bago magsimula sa pagligo na umabot ng kalahating oras. Lumabas siya ng banyo na hindi na inabalang punasan ang tubig sa kanyang katawan Tanging ang buhok niya ang binalot ng maliit na kulay puting tuwalya. Naglakad siya na hindi alintana ang kahubdan na muling lumabas ng silid niya na tinungo ang mini bar at nagsalin ng wine sa baso. Kumuha ng ice cube at inilagay sa kanyang inumin. Naupo siya doon. Hawak ang wine glass na ipinaikot ikot pa ang lamang wine saka siya sumimsim doon. Muli niya iyong tinitigan habang ipinapaikot lamang ang laman ng hawak na baso. Hindi na ulit niya iyon tinikman. Hinintay na lang niyang matunaw ang yelo na inilagay doon. Ganun lamang ang pag inum niya. Kahit kakaunti lamang ang inilagay niya sa baso ay hindi naman niya iyon uubusin. Para sa kanya ang buhay niya ay napakasimple lang. Wala siyang ibang iniisip maliban sa kanyang sarili. At masaya na siya sa buhay niya ngayon kahit na maraming nagsasabi sa kanya dapat maghanap din siya ng sariling Alpha at magkaroon ng sarili anak at hindi lang ang magpaanak ng ibang omega ang pagkakaabalahan niya. "Alpha?" Mahinang saad niya na nakatingin parin sa hawak na baso na ang red wine na inilagay doon ay mapusyaw na ang kulay dahil sa yelong nalusaw. "Hindi ko sila kailangan." Patuloy sa kanyang pagsentimyento. Ilang minuto pa ang itininagal niya sa pag upo sa mini bar niya ng magpasya siyang tumayo. Muling naglakad papasok sa kanyang silid at inalis na niya ang tuwalyang nakabuhol sa kanyang buhok. Tumapat siya sa whole lenght mirror sa kaliwang bahagi ng kanyang silid. Pinagmasdan niya ang sariling katawan. "Such a waste." Bulong niya dahil kahit na gaano ang kinis at ganda ng katawan niya ay wala pang kahit na sinong nakakakita ng kagandahang iyon. Gustuhin man siguro niya ay sa tuwing tatangkain niyang makipag ugnayan sa isang Alpha na minsang nakakasalamuha lang sa hospital ay nawawalan siya ng gana sa tuwing hindi papasa sa standard niya ang pheromones nito. Dahil kapag sinubukan niyang iparamdam sa mga ito ang pheromones niya ay nangangatog na ang katawan nila kaysa ang tayuhan. Hindi nila kayang pantayan ang pagkadominate niya kaya hindi na niya ulit sinubukan iyon. Ayaw na niyang magsayang ng oras para sa mga walang kwentang Alpha na hindi nangangalahati sa lakas ng kanyang pheromones. Umalis siya sa harapan ng salamin. Kumuha na ng damit at nagpasyang magpahinga na. Pero bago pa man siya makahiga ay tumunog ang telepono na nasa maliit na lamesa sa gilid ng kama niya. "This is Dr. Velazquez, how me I help you?" Pormal na tanong niya ng masagot kung sino man ang tumawag sa kabilang linya. "It's me." "Ma." Naupo siya sa gilig ng kama. "Wala ka bang balak pumasyal man lang dito sa bahay, hijo?" "Alam niyo naman na busy ako araw-araw ma, kaya hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng free time." Sagot niya sa kanyang inang Omega. "Pwede ka namang magpahinga at hindi lang naman ikaw ang doctor sa hospital na iyan, hijo." "I know, ma. Pero ayaw kong iwan ang responsibilidad ko dito sa hospital dahil alam niyong hindi lang ako isang doctor sa OB dito. I'm also the president." Sa kabilang linya ay narinig niya na napabuntong hininga ang kanyang mama. Almost five years na din ng hindi talaga siya lumabas ng hospital para dalawin ang kanyang mga magulan. Sila na lang lagi ang bumibisita sa kanya. "Aayusin ko ang eschedule ko, ma. Sasabihan ko na lang kayo kapag papasyal ako dyan sa bahay." Pagsagot na lang niya sa kanyang mama para hindi na ito magtampo sa kanya. "Lagi mo iyang simasabi sa amin Lian, hijo pero hindi ka parin bumibisita." "Oo na, ma. Not this time. Maglalaan talaga ako ng oras lara makauwi dyan sa bahay." "Kung ganun asahan namin iyan, hijo. We are waiting for you here." "Yes, ma." Tugon niya dito bago maayos na nagpaalam. Nagpakawala naman siya ng malalim na paghinga matapos niyang ibaba abg telepono at pabagsak na nahiga sa kama. Ipinatong ang kamay sa nuo niya saka mariing ipinikit ang kanyang mga mata. "Hmmm. I can't rest like this either." Usal niya na nagmulat ng mata at idinipa ang mga kamay sa maluwang na kama. "I need to distract myself." Ilang minuto din siyang napatitig sa puting kisame habang paulit ulit sa paghugot ng malalim na paghinga. Pero ayaw naman niyang bumangon para gumawa ng bagay na hindi siya maiinip kung hindi siya makakatulog. "Ugh! Wala bang manganganak ngayon? Wala bang magpapacheck up? Wala bang omega na hihingi ng pills para sa mga heat nila? I"m bored." Gigil na nagpagulong siya sa kanyang kama dahil wala siyang maisip na gawin. Ayaw din naman niyang lumabas. Ayaw din niyang kunin ang pagkakataong iyon para pasyalan nga ang kanyang mga magulang. Ayaw niyang umalis sa hospital. He is good at everything and smart. Everyone admires him but when it comes to direction, he has a poor sense of direction. Kaya ayaw niyang lumabas ng hospital at baka maligaw pa siya lalo na't matagal na talaga siyang hindi umaalis ng hospital kahit na sabihin pang bahay pa ng mga magulang niya ang pupuntahan niya. "Oh come on. Wala bang tatawag sa akin mula sa baba?" Naiinis na bumangon siya sa kama at pasalampak na naupo. Napatitig siya sa telepono. "Yes." Galak na napangiti siya na mabilis kinuha ang telepono na tila may nakarinig ng hinaing niya. "Dr. Velasquez, speaking." "Dr. Velasquez, someone need to be operated." Sabi ng tumawag mula iyon sa OR." "Okay, prepare the things we can use in the operation once I see the situation. I'm on my way." Sagot niya dito na mabilis bumaba ng kama. Nagpalit ng damit at kumuha ng bagong uniform. Mabilis na nilisan ang tirahan at tinungo ang OR sa baba ng hospital. Agad siyang sinalubong ng nurse na siyang tumawag sa kanya at sinamahan sa OR. Habang sinusuri niya ang kalagayan ng pasyente ay sinasabi naman sa kanya ng nurse ang mga detalye tungkol dito. Pangalan, edad at kung ano pang impormasyon. "We have to operate him now because if the baby stays inside for too long, the baby might lose oxygen and die." Sabi niya sa kasama sa loob ng OR. Naging listo naman ang mga kasama niya. Inayos ang suot para sa operasyon. Nagsuot ng hair net, ng gloves at mask saka nila isinagawa ang operasyon para mailabas ang bata sa sinapupunan ng nagdala na ilang minuto din ang ginugol bago tuluyang nailabas ag bata. Naging maayos ang operasyon. Ligtas ang bata at ang inang nagdala dito. The patient is an ordinary person at ang kanilang paggaling ay mas mabagal kaysa sa kanilang mga lobo. Mananatili pa ang mga ito ng apat o isang linggo. Hindi naman sila nag aalala sa hospital na maexpose ang kanilang lahi dahil sa hospital na iyon ay nahahati. May lugar para sa mga ordinaryong tao at may lugar para sa kanilang mga lobo. Tulad na lang ng ilang babaeng med.assistant na kasama niya sa operasyon. They are just ordinary people. At nakikita niya sa mga ito ang paghanga sa kanya bilang isang lalaki. "Good job." Sabi niya sa mga ito matapos ang operasyon. Isa sa med. assistant ang tumulong sa pagtanggal ng kanyang suot na ginamit sa operasyon. "Just monitor the mother for her recovery and the the baby's condition. Report to me when there is a problem with the operation on the mother." Paalala niya sa mga ito bago lumabas at bumalik na sa kanyang opisina. Kahit na hindi niya lingunin ang mga nakasama sa operasyon ay alam niyang nakasunod ang tingin ng mga ito sa kanya. "If they knew." Mahinang wika niya habang palayo sa OR kung saang isa na naman sanggol ang maayos at ligtas niyang nailabas sa mundong ginagalawan nila. "Ugh! P-patawarin niyo a-ako, Alpha Damon." Sabi ng isang beta na ngayon ay sakal niya sa leeg na halos umangat na sa lupa ang mga paa nito. "Patawad?" Pang uulit niya dito na nanlilisik ang mga matang kulay ginto sa galit dahil sa kaunti lamang na pagkakamali ng beta. Nasa ilalim sila ng lupa kung saan nandoon ang minahang pinamumunuan niya. Siya ang grand Duke ng Nirvana at isang dominanteng Alpha si Damon Marques. Hindi siya nananatili lamang sa trono niya sa Nirvana at maghihintay na lang ng balita sa mga tauhan niya na nasa minahan at ayaw niyang iasa sa kanyang beta ang pagbibigay impormasyon sa mga nangyayari. Gusto niyang makita mismo ng sariling mata kung maayos ang mga trabaho nila at walang pumupuslit isa man sa mga ito. Hindi sa wala siyang tiwala kundi talagang wala siyang pinagkakatiwalaan isa man sa mga ito kahit na sarili niyang beta na gagawin lahat ng gusto niya at susunod sa lahat ng ipag uutos niya. At wala din siyang pinagkakatiwalaan sa mga kapatid, pinsan o kahit na sinong kamag anak niya. He only trust himself and no one else. "Apologies cannot undo mistakes." Sabi niya sa beta na habang nakasakal ang kamay niya dito ay bumabaon ang mga kuko niya sa leeg nito na unti unting humahaba. "Ugh, spare me, Alpha Damon." Pakiusap pa nito pero wala siyang pinakinggan isa man sa pakiusap nito dahil tuluyan na itong nawalan ng buhay sa pagkakasakal niya. Niluwangan niya ang pagkakasakal ng leeg nito hanggang sa bumagsak na lang ito sa paanan niya. Mabilis na lumapit ang kanyang beta at binuhusan ng tubig ang kamay niya para mawala ang naiwang dugo sa mga kuko niya at pinatuyo iyon ng malinis at maliit na tuwalya. Binalingan niya ang iba pang mga tauhan niya na kinabibilangan ng mga beta at delta. Napayuko ang mga ito at nagsiluhod na halatang ayaw makasalamuha ang kanyang mga tingin. "Do your jobs well if you don't want to end up like him." Nakataas ang nuo niya habang sinasabi iyon. "Yes, Alpha Damon." Sabay sabay na pagsagot ng mga ito sa kanya. "Ano pa ang hinihintay niyo. Gawin niyo na ang mga ttabaho niyo." Pasigaw na utos pa niya sa mga ito na agad na tumalima. Kanya kanyang hawak ng mga panghukay para ipagpatuloy ang naantalang trabaho dahil sa ginawa niya. "Bantayan sila." Utos niya sa kanyang beta bago tumalikod at nagpasyang lumabas na sa minahan. Nasa kalagitnaan na siya ng hukay sa ilalim ng lupa ng makarinig siya ng pagsabog mula sa pinanggalingan niya. "Shit." Napamura siya at alistong bumilis ang takbo niya ng yumanig na ng tuluyan ang lupa. Ilan sa mga tauhan niya na nag anyong lobo na ay mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng minahan. Kanya kanyang takbo para maisalba ang mga sariling buhay para hindi matabunan ng lupa. "Alpha Damon." Ang kanyang Beta na mabilis na nakalapit sa kanya. Sabay na nagbago ang katawan nila at nag anyo ng lobo. Mabilis ang naging takbo nila palabas ng minahan pero dahil sa nasa kahabaan sila ng tunnel ay hindi maiwasang hindi sila mabagsakan ng mga bato. Maliksi man nilang naiiwasan ang mga iyon ay hindi parin naiwasan na hindi siya magalusan at masaktan. Ligtas naman silang nakalabas ng tuluyan sa minahan pero ilan na lang sa mga tauhan niya ang natira dahil natabunan na sa ilalim ng lupa. "f**k. Ugh." Napangiwi siya ng magbago ang anyo niya bilang isang tao. Napuruhan siya sa balikat na natamaan kanina sa bumagsak na bato. May bumaon ding matulis na bato sa kanyang likod sa tapat ng kanyang puso. "f*****g shit." Napamura siya dahil ramdam niya ang paggalaw ng nakabaong matulis na bato sa likod niya. "Alpha Damon, Let's get out of here." Ang kanyang beta na napuruhan din sa kaliwang binti. "Posebleng may susunod pang pagsabog." Sabi nito na umakay sa kanya pero iwinaksi lamang niya ang kamay nito. "Help yourself, beta." Sabi nito dahil mas matatagalan silang lumayo sa minahan kong magpapaalalay pa siya dito. "Damn it." Gigil na pinilit huwag intindihin ang batong nakabaon sa likod niya at tumakbo na naman palayo sa minahan. Hindi pa nga siya nakakaayo ay nakarinig na naman sila ng pagsabog. "Ugh." Sa pagtakbo niya palayo sa pagsabog ay nagkahiwalay ang landas na tinahak niya sa tinahak ng kanyang beta. Pero hindi na niya iyon inisip. Patuloy siya sa pagtakbo at tinahak ang mataas na bahagi ng kalupaan. Sa kanyang kinatatayuan, kitang kita niya sa pinanggalingan niya kung paano iyon tuluyang gumuho. Nadamay ang lahat ng kanilang sasakyan dahil nasa tarangkahan lamang iyon ng minahan. "Damn it." Gigil na naikuyom niya ang kanyang kamao kasabay ng pagngiwi niya dahil sa paggalaw niya ay sumidhi ang kirot kung saan nakabaon matulis na batong bumaon sa likod niya. Malapit pa naman sa boundary ng bansa nila ang bansa ng Val Verde ang kinalalagakan ng minahan at ang kanyang palasyo ay malayo pa sa kinaroroonan niya. At kung pipilitin niyang makabalik sa kanyang palasyo ay hindi pa siya nangangalahati ay baka naubusan na siya ng dugo. "Shit." Mura na naman niya ng muli siyang makarinig ng pagsabog mula sa minahan. Hindi niya akalaing guguho na lang ng ganun at hindi pa nila nailalabas ang ilan sa mga nakuhang mga dyamante. Lupaypay ang balikat niya na tumalikod sa pinangyarihan ng pagsabog. Wala na siyang magagawa pa kundi ang piliting makabalik sa kanyag palasyo kahit na alam niyang malabong makauwi pa siya doon ng buhay. At bahala na kung hanggang saan ang kaya niyang marating bago tuluyang bumagsak ang katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD