“GOTCHA!” Pagpihit ni Darrina ay bumunggo siya sa matigas na bagay. Gulat at nahagip pa ng tingin niya ang kagwapuhan ni Cayel subalit bago pa siya makapagsalita ay nahapit na siya nito sa baywang at sabik na hinahalikan. Nag-riot ang t***k ng puso niya. She instantly closed her eyes. Ninamnam niyang mabuti ang pamilyar at malalambot na mga labi ni Cayel. Ang mainit at eksperto nitong dila na sumusuyod sa loob ng kaniyang bibig. Ang mabango nitong hininga na pumapaypay sa kaniyang mukha. At ang matigas na bisig at katawan ng asawa kung saan siya bilanggo. Yes. She was finally inside his arms again. Umakyat sa batok nito ang mga braso niya at naglambitin doon. How she longed for those kisses! Nang bumitiw ay ramdam niya ang pangingislap ng mga mata habang nakatunghay naman sa kaniya