Chapter 2
Amaya
Ma-aga akong nagising dahil may usapan kami ni Aarush.
May lakad kami ngayon,iwan ko kung saan ang sabi niya surprisa raw.
Good morning,Ate,ang aga mo yata nagising ngayon?
Yumuko pa siya para makita ang mukha ko.
Ate Amaya,bakit ang saya mo ngayon?
Napangiti na ako ng tuluyan dahil sa sinabi ni Aila.
Masaya lang si Ate!
Bakit po?
Siguro dahil nandito na ang kuya Aarush mo.
Alam mo naman matagal ko na siyang hinihintay.
Ate Amaya,puwidi po ba mag tanong?
Oo naman,ano iyan?
Puwidi na ba ako magkaroon ng crush?
Tumili pa ang kapatid ko.
Halika ka nga dito kay Ate,hinila ko siya palapit sa akin.
Bakit may crush ka na ba?
Oo,kaya lang may mahal na siyang iba.
Basta lagi mong tandaan,kapag nasa tamang edad ka na.
Puwidi na!
Alam ba niya na crush mo siya?
Hindi po?
Hindi ko sinabi na may gusto ako sa kanya,nahihiya ako.
Isa pa matanda pa siya ng ilang taon sa akin.
Mukhang hindi kami bagay,dahil bata pa ako.
Napa isip ako kung sino ba ang tinutukoy ng kapatid ko.
Mahal na mahal ko si Aila kahit mag kaiba kami nng Ama.
Alam mo ikaw,ang dami mo ng alam sa buhay.
Bata ka pa Aila marami ka pang marating sa buhay.
Isipin mo muna ang pag a-aral bago ang ibang bagay.
"Opo Ate Amaya"
Ate puwidi ba ako sumama sa inyo?
Nagulat ako,dahil hindi ko pa alam kung papayag ba si Aarush.
Tatanungin ko muna ang kuya mo kung papayag ba siya.
Tinawagan ko si Aarush,naka tatlong ring bago siya sumagot.
Hello mahal good morning,bungad niya sa kabilang linya.
Good morning din sayo mahal itatanong ko lang kong puwidi bang sumama si Aila sa lakad natin.
Oo naman isama mo siya para hindi siya mag tampo sa akin.
Salamat mahal!.
Hintayin n'yo ako susunduin ko kayo,magdala kayo ng damit,good for two days.
Hindi na ko nagsalita pinapakinggan ko lang siya.
Okay,sige bye muna,mag hahanda na kami para maaga tayo.
Sobrang natuwa si Aila dahil sasama siya sa amin.
Minsan lang kasi ito makakalabas,kong hindi ako kasama hindi siya aalis ng bahay.
Mahigpit sila Papa at Mama,kaya abot tainga ang nigiti niya ngayon.
Abala kami sa paglilinis at pag luluto, gusto ko kasi pag gising nila nakahanda na lahat.
Kahit marami kaming mag kapatid na babae ako pa din ang naka-alalay kay Mama.
At s'yempre kasama ko ang kapatid kong si Aila.
Lagi itong nakabuntot sa akin.
Amaya anak may lakad kayo?
Naka tingin pala si Mama.
"Opo mama"!
Mano po Ma!Saan ba lakad ninyo?
Kasama namin si Aarush Ma!Tumango si Mama,bago lumapit sa akin.
Huwag lang kayo mag pa gabi.
Aila may lakad ka rin ba?
Naningkit ang mga mata ni Mama.
Sasama po ako kay Ate Amaya,Ma.
Aila anak date yan ng Ate mo hindi ka puwidi sumama sa kanila.
Ma?
Okay lang po na sasama si Aila,hindi naman po kami mag date ni Aarush.
Nakita kong tumaas ang kilay ni Mama!
"Amaya,nasasanay na iyang kapatid mo"?
Ma huwag po kayo mag -alala nandito po ako.
Ako na ang bahala sa kanya,mag handa na kayo baka darating na ang sundo ninyo.
Opo Ma.
Umakyat muna ako sa taas para maka pag bihis.
Na-abotan ko ang aking kapatid nag a-ayos na ito.
Ate bagay ba sa akin ang soot ko?
Wow,ha?Pinaghahandaan mo ba ang lakad natin?
Hindi naman po Ate na exited lang po ako.
Nakasoot na siya ng short na maiksi at naka tube pa.
Sinapawan niya ng jacket na maong at naka rubber shoes pa,akala mo gagala sa mall.
Pinasadahan ko ang kabuoan niya sa salamin.
Napapailing na lang ako sa kanya,ganito talaga si Aila pagdating sa kanyang sarili.
Mas maarte pa ito sa akin,simple lang ang soot ko ngayon naka jeans at white t-shirt.
Kahit chubby ako maganda rin ang aking katawan.
May kumatok sa pintuan kaya binuksan ko ito.
Ate Amaya,nasa sala na po si kuya Aarush.
Salamat Eliza,paki sabi baba na kami.
Ate pasalubong ko po huwag mong kalimutan.
Hindi naman mamasyal si Ate may pupuntahan lang kami,pero kapag may makita ako na bibilhan kita.
Pangalawa si Eliza siya ang sumunod kay Aila.
Nang makaka baba nakita ko si Aarush.
Sobrang guwapo niya sa soot niyang blue short at V -neck t-shirt.
Biglang uminit ang aking mukha ang lakas kasi ng dating ni Aarush.
Napa iwas ako ng tingin dahil nakatitig pala siya sa akin.
"Mahal tara na."
Ma nasaan si papa?
Nasa kubo anak,puntahan mo.
A-alis na kami Ma!
Mag ingat kayo!
Inabot ko ang kamay ni Papa at nagmano.
Amaya ingatan mo ang kapatid mo.
"Opo Papa!"
Kumaway pa kami sa kanila bago kami sumakay sa kotse ni Aarush.
Kinabit muna niya ang seatbelt ko at umalis na.
Aila okay ka lang diyan?
Opo kuya Aarush!
Nagsimula ng magdrive si Aarush,at tinahak na namin ang kahabaan ng daan.
Napapatingin pa ang mga kapit bahay namin dahil ngayon lang ulit nila nakita si Aarush.
Mahal saan ba tayo pupunta?
Sa Hacienda.!!
Nanlaki ang mata ko dahil hindi pa kami naka pag paalam kay Papa.
Baka mapagalitan kami nito,bakit hindi mo sinabi?
Naramdaman ko na lang ang palad ni Aarush,pinagsalikop niya ang aming mga kamay.
Huwag ka mag alala nag paalam na ako kay Tito.
Sorry Mahal! Dalawang araw lang naman tayo doon.
Hinampas ko siya ng mahina sa braso,palagi niya kasi ako ginugulat.
Nabawasan ang pag alala ko napalitan ito ng saya.
Malayo ang byahe namin,kaya naka idlip ako.
Nakatulog na rin si Aila sa likuran,naging maayos naman ang pagdating namin sa Hacienda nila.
Humanga ako sa ganda at laki ng bahay nila Aarush.
Binaba na niya ang mga dala namin,sinalubong naman kami ng matandang babae at lalaki.
Magandang hapon sinyorito!.
Magandang hapon rin po Manang Letty,Mang Tonny sabay mano niya sa dalawang matatanda.
Nabaling ang tingin nila sa amin ng kapatid ko.
Sino itong mga magagandang dilag?
Ito na ba ang nobya mo iho?
Magkasabay pa nilang wika,hinawakan ako ni Aarush sa baywang at hinalikan sa ulo.
Opo Manang,si Amaya,siya po ang lagi kong kinukuwento sayo.
Ito naman si Aila kapatid niya,nagbigay galang ako sa kanila at nag mano,ganun rin ang ginawa ng kapatid ko.
Pumasok na kami sa loob ng mansyon nila.
Kung maganda sa labas mas lalo palang maganda dito sa loob.
Manang pakisamahan po ang magkapatid sa Guest Room,a-akyat muna ako.
Sige Iho,ako na ang bahala sa kanila.
Nang makapasok kami sa silid,iniwan na kami ni Manang.
Nag palit muna kami ng damit,saka kami humiga sa malambot na kama.
Ate Amaya ang ganda po dito.
Bumulong pa si Aila sa akin.
Oo nga!
Magpalit ka muna para makapagpahinga tayo.
"Opo."