chapter 1
Amaya
Labing tatlo kaming magkakapatid may dalawa akong step brother at isang step sister.
Simple lang ang pamumuhay namin, simula ng lumaki ako namulat na sa kahirapan.
Hindi naging hadlang sa akin kung ano ang estado namin sa buhay.
Ang mahalaga masaya at kompleto ang pamilya ko.
Marami akong pangarap kaya gusto kong makapagtapos sa pag-aaral.
"Ate Amaya saan po tayo pupunta?"
Huwag ka maingay baka magising si Mama pupunta tayo sa sapa.
"Maglalaba ba tayo Ate?"
Pero naglaba na tayo kahapon hindi ba?.
Ikaw bata ka ang dami mong tanong diba gusto mong makita ang nobyo ni Ate.
Kaya huwag na makulit para isama kita.
"Opo Ate."
Pagdating namin sa ilog marami ng kababaihan ang nag lalaba.
Nasa gilid sila,naka upo sa malalaking bato.
Ate tawag sa akin ng makulit kong kapatid.
"Dito tayo!"
Hinila niya ang aking kamay,kaya puwesto na ako at nag simula ng maglaba.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalaba may isang bulto ng tao ang nakatayo sa harapan ko.
Kinalabit naman ako ng aking kapatid at bumulong.
"Ate may tao!"
Tinuro niya ang nasa harapan ko,Pag angat ko ng tingin laking gulat ko dahil si Aarush pala ang nakatayo.
Nagulat pa ako dahil bigla niya akong niyakap.
Sa pagkabigla hindi ako nakaimik,nahihiya ako dahil lahat ng mga babaeng nag lalaba sa amin nakatingin.
"Ate namumula po ang mukha mo."
Hinila ko si Aila sabay tikhim,kaya napabitaw ako kay Aarush.
Natawa naman silang dalawa.
"Kumusta ka na Amaya."
Maayos naman tipid kong sagot!.
Mas lalo kang gumanda sabay kindat niya sa akin.
Ako naman sobrang nahiya dahil hindi ko ina-asahan ang sinabi niya.
Ganito ba ang tao kapag nakatapak na sa s'yudad?
Bulong ko sa aking sarili,hindi kasi ako sanay na ganito si Aarush sa akin.
"Hi, Aarush,kumusta ka na?"
Ang guwapo mo talaga sabi pa ni Lyn.
Nakatayo na pala siya,sabay abot pa ng kamay ni Aarush.
Hi Lyn ikaw rin naman mas lalo kang gumanda.
Ngumiti pa si Lyn ng napakalapad,sabay sabit ng kanyang maiksing buhok sa kanyang tainga.
Ang ibang mga kababaihan nakamasid lang sa amin.
Nang matapos silang nag kumustahan hinapit ni Aarush ang baywang ko.
Aalis na sana kami pero nag salita si Gina ang pinsan ko.
"Aarush may nobya ka na ba?"
"Yeah tipid na sagot ni Aarush".
Wow suwerte naman niya nakabingwit siya ng katulad mo.
Girls maiwan ko muna kayo may gagawin pa kami,sabay tingin ni Aarush sa akin.
"Amaya tara na ihahatid ko na kayo!"
Napataas naman ang kilay ni Gina dahil sa narinig niya.
Kahit kasi magpinsan kami hindi kami close.
Ayoko ko kasi sa ugali nila,kahit alam nilang nobyo ko si Aarush palagi parin sila nag papansin sa kanya.
Sa katunayan nga palagi itong galit sa akin dahil nalaman niya na may relasyon kami ni Aarush.
Habang naglalakad kami pauwi kumapit naman sa kamay ko si Aila.
Nakatingin pa siya sa kabilang kamay ko.
Hinawakan kasi ito ni Aarush.
Mahal ito na ba ang kapatid mo?
Ang laki na niya parang kailan lang ang bata nito.
Oo mahal si Aila,ang makulit kong kapatid.
Hello Aila,kumusta ka na.
Wow mabuti napansin mo po ako.
Kanina pa ako naghihintay kong kakausapin mo ako.
Ate siya na ba ang nobyo mo?
Yong palagi mong kinukuwento sa akin.
"Opo little sis!"
Ate naman ehh (14)na po ako sabay nguso niya.
Natawa naman ako sa pagmumukha ng kapatid ko.
Ayaw talaga nitong tawagon ko siyang bata.
Nakarating na kami sa bahay si Aarush ang nagdala ng mga labada ko.
Pakibaba mo dito yan isasamapay ko na lang mamaya.
Puntahan muna natin si mama dahil lagi ka niya hinahanap.
Pagpasok namin sa kusina abala si Mama sa paghahanda ng pananghalian, lumapit si Aarush.
Magandang tanghali po Tita.
Nagulat pa si Mama dahil hindi niya inasahan ang bisita namin.
Aarush anak,naka uwi kana pala?
Aba,mas lalo ka yata gumwapo.
Mag kasabay pa silang na tawa,
pasensya na po kayo Tita hindi agad ako naka diritso dito.
Naging busy po ako sa pag asikaso ng mga hayop ni Daddy.
Napagod rin po sa biyahi,tinapos ko ang mga utos ni Dad para hindi ako mapagalitan.
"Ano ka ba okay lang yan!"
Amaya anak kakain na tayo.
Opo,Ma!.
"Wow ang bango naman ng ulam."
Pumasok na rin ang mga kapatid kong lalaki.
Kuya Aarush,sabay yakap nila sa kanya.
"Mano po Tito!"
Kaawaan ka ng diyos anak!.
Mamaya na ang kuwentohan kakain na tayo.
Nakalapag na pala sa mesa ang mga pagkain.
Marami kami kaya masaya sa hapag kainan.
Bakasyon na rin kaya kompleto nandito silang lahat,Amaya anak ikaw na ang mag dasal.
"Opo Mama"
Tahimik akong nagdarasal hanggang sa matapos.
"Amen"!
Wow Tita wala pa ring pagbabago,ang sarap ng luto mo.
Nakangiti naman si Mama sabay tump's up ng mga kapatid ko.
Natapos rin ang aming pananghalian kaya kanya-kanya kaming ligpit.
Sila Papa at Aarush nagpahinga sa kubo.
Tinapos ko na rin ang gagawin ko para maka pagpahinga narin.
Naghanda ako ng tea at kape para sa kanila.
Gusto kasi ni Papa pagkatapos kumain iinom ng tea o kape.
Tatlong taon na kaming mag kasintahan ni aarush.
Sa tatlong taon na iyon puro saya ang hatid niya sa akin.
Wala akong masasabi sa lalaking ito lahat ginawa niya mapasaya ako.
Kahit malayo si Aarush palagi niya akong dinadalaw dito sa probinsiya.
Boto ang lahat ng pamilya ko kay Aarush dahil sa taglay nitong kabaitan.
Bukod kasi sa mayaman sila napakabait ng pamilya niya,pantay ang tingin nila sa mga taong mahihirap.
"Bossing ito na ang pinapakuha mo."
Salamat Bert,pakilapag sa baba para maibigay ko sa kanila.
Kuya ano po iyan?
Sabay lapit ng mga kapatid ko.
Naka dungaw ako sa bintana pinagmamasdan ko sila.
Ano kaya ang dala ng tauhan ni Aarush? Ang laki kasi ng box.
Anak anong sinisilip mo?
Nakadungaw na rin si mama sa labas.
Tita bumaba na po kayo,sigaw ni Aarush.
"Amaya mahal halika dito!"
Bumaba na rin ako kasabay si mama.
Nanlaki naman ang mata namin dahil ang malaking box puno ng mga pasalubong.
"Para kanino yan mahal?"
Lumapit ako kay Aarush,inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo.
Para sa inyo mahal!
"Ikaw talaga bata ka,nag abala ka pa!"
Sumabat na rin si Mama.
Kunting pasalubong lang po Tita para sa inyo.
Salamat anak,napakabuti mo!
Walang anuman po Tita isa pa bihira lang ako makadalaw dito,kaya sinulit ko na po.
Matapos namin makuha ang aming pasalubong nag pasalamat kami kay Aarush.
Napayuko ako dahil nakatitig pala siya sa akin.
Nakangiti siya habang tinitingnan ang mga kapatid ko.
Salamat sa lahat bulong ko sa kanya.
Walang anuman mahal.